Helena POV Pagkatapos ng group photo, pilit kong ibinalik ang sarili ko sa pagiging professional. Ngumiti ako sa kamera, tumawa sa mga biro, pero sa totoo lang, kalahati lang ng isip ko ang nandoon. Ang kalahati… nasa kanya. Paminsan-minsan, nahuhuli ko ang tingin ni Shean. Hindi na lantad tulad kanina—mas maingat, mas mabagal. Parang may pinagpipigilan. Nang magsimulang magsiuwian ang mga tao, isa-isa ring humupa ang ingay. Naiwan kaming dalawa malapit sa gilid ng venue, tanaw ang city lights sa labas. “Pagod ka na,” sabi niya, hindi tanong kundi obserbasyon. “Happy pagod,” sagot ko. “Matagal ko ‘tong pinangarap.” Ngumiti siya. “And you earned it.” Saglit kaming natahimik. Hindi awkward—‘yung klase ng katahimikang maraming gustong sabihin pero pinipiling namnamin muna. “About kan

