EPISODE 1

1104 Words
Treshia Marie POV "Hayop ka! Manloloko! Ilang kasinungalingan paba huh?! Pagod na pagod na ako sayong hayop ka! Talagang inanakan mo pa. Wala kang kadala-dala. Ilang kabit paba huh? Ilang kabit mo pa ang aanakan mo! Hayop ka! Lumayas ka dito! Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo! Manloloko! Sinungaling! Lahat na nasa iyo..Manloloko! Sinungaling! Babaero! Ma-bisyo!" Galit na galit kong pinaghahampas ang babaero kung asawa. Akala ko nagbago na, hindi pa pala. Nuon natanggap ko pa ito at binigyan ng makailang chance, pero ngayon iba na, dahil nalaman kong matagal na pala ako nito niloloko. 2 years na yung bata kung hindi pa dahil sa chismosa naming kapitbahay baka hindi ko pa malaman. "Sino ba kasing asawa ang kayang magtiis dyan sa bunganga mo, Treshia! Selosa na bungangera pa, puro pa hinala--" "Aba, ang kapal mo rin ano? Kaw pang may ganang magsabi nyan atleast totoong hinala. May pweba, may ebidensya. Eh, ikaw? ano bang problema mo huh?! Lahat naman ginagawa at binibigay ko para sayo. Ako na nga ang nagtatrabaho sa atin. Wala ka na ngang naitutulong may gana kapang mangbabae. Kaya lumayas ka! Kaya kong buhayin ang mga anak natin..wala kang kwenta!" Sigaw ko dito sabay tapon ng mga damit nito sa pagmumukha mismo nito. Nasa labas na ito ng bahay. Bilib din ako sa sarili ko dahil sa liit kong 'to eh, nakaya ko syang kaladkarin palabas. Ganun talaga siguro pag-galit ang isang tao. "Oh? Tulaley kana naman dyan? Iniisip mo na naman ba ang mga kamalasan mo sa buhay.." Pang-aasar sa kanya ng bestfriend nya sa trabaho na si Kaye. Isa itong assistant accountant at sya naman ay accountant, kaya sila naging close dahil sa isang department lang sila. 2 years na syang nagtatrabaho sa Marcuss Logistic and Firm. Isa itong malaki rin naman pero hindi ganun kasikatan na kompanya. "Bakit ko iisipin ang mga taong wala namang kwenta at saka happy naman ako sa love life ko ngayon.." Kinikilig kong wika na nagpangiwi naman dito. "Bilib din talaga ako sa fighting spirit mo noh..pagdating sa pag-ibig. Hindi na nadala. Ilang lalaki naba mula noon ang nang-iwan sayo na luhaan, plus dyan sa asawa mo na 5 years mong kasama eh, marami din palang asawa." Inirapan nya lang ito. "Pag nakaipon naman ako ng pera, ipapa-annul ko ang kasal namin ni Mark. Wag kang nega dyan.." Napa-iling iling ito sa kanya. "Gaano kaba ka sure na seryoso sayo si sir Marcuss huh? Isipin mo, binata yung tao. Mayaman. Gwapo at higit sa lahat habulin ng chicks." Sinimangutan ko ito. "Alam mo ikaw, konti nalang iisipin ko type mo ang jowa ko, puro ka nega eh. Sapat na sa akin na mahal nya ako kahit alam nyang kasal pa ako at may dalawang anak. Higit sa lahat sa 2 years namin magkasama never pa naman sya nalilink sa ibang babae--" "Baka ngayon palang..." Putol nito sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo huh?" Inis ko ng wika dito. "Puntahan mo sya sa opisina nya para malaman mo ang sinasabi ko. Ayokong sabihin sayo ang nakita ko dahil ayoko kita masaktan at ayokong manggaling mismo sa bunganga ko. Gusto ko makita mismo ng mga mata mo..kaya umalis kana." Pagtataboy nito sa kanya. Naguguluhan man ay wala syang nagawa kundi sundin ito. Kinakabahan syang buksan ang pintuan ng opisina nito. Wala dito ang sekretarya nito dahil lunch time ng mga oras na yun. "Ohh..ahhh.." Yun agad ang bumungad sa kanya pagpasok sa opisina nito. May isa pang pintuan bago tuluyang makapasok sa opisina ng boss nya. Nanginginig sa galit at inis nya sa sarili ang naramdaman. Saka lang kasi nya na realize. Sino nga ba sya? Oo maganda sya. Maganda ang katawan nya na akala mo eh wala pang anak. Pero sino sya para seryosohin at mahalin ng isang Marcuss Guevara? Kasing complicated ng buhay nya ang puso nya. Ang taas kasi nyang mangarap kaya malalim rin ang kinabagsakan nya. Nanginginig man ang mga kamay ay dahan-dahan nya paring pinihit ang seradora. "F**k!" Mura ni Marcuss ng makita sya. Ngumiti sya ng mapakla. "Oh? Naistorbo ko ba ang lunch nyo? Sorry huh..sana nagsabi ka sir eh, di sana dinalhan ko narin kayo ng dessert at beverages. Buti di kayo nabilaukan noh?" Inis na may halong pang-aasar sa boses ko. Nataranta naman ang lalaki at mabilis na umalis sa pagkapatong sa babaeng wala ng kasaplot-saplot sa katawan. "Ahm..b-baby let me explain.." Lapit sa kanya ng boss nya pero pinigilan nya ito gamit ang kanyang kamay kaya huminto ito sa paglapit sa kanya. "Babe who is she?" Mataray naman na singit sa usapan ng babaeng wala pa atang balak magbihis. "Shut up!" Sabay pa nilang sigaw ng boss nya. "Baby nga diba? bingi? ibig sabihin girlfriend nya!" Sigaw ko dito. Agad naman hinawakan sya sa braso ng lalaki. Winaglit nya ang kamay nito. "Wag mo kong hawakan. Hindi mo obligasyon na magpaliwanag sa akin sir?" Matigas pero may halong pang-uuyam. Umiling-iling ito. Napangiti naman ako ng mapakla. "Empleyado mo lang naman ako..boss kita. Sino ba ako para magalit sayo? Single ka..complicated ako, kaya malaya mong magagawa ang gusto mo. Ang taas ko lang kasi mangarap para isiping bagay tayo pero ang totoo. Imposibleng mahalin mo ako. Ako?" Napaiyak na sya. "Ako lang naman 'to eh..ikaw yan. Ang taas mo. Ang yaman mo. Hindi pala bagay tayo. Dahil kahit tao tayo , imposibleng maging pareho." Umiiyak ko na walk out sa mga ito. "What is this? What's the meaning of this?" Kono't noong wika ng boss nya pagkatapos nya itong abutan ng resignation letter bago ang uwian. "Obvious ba sir? Nabasa nyo naman diba?" Sarkastiko kong wika. "Kung dahil ba ito sa naabutan mo kanina. Look? Hindi ko yun sinasadya--" "Sinadya man sa hindi. Nag-enjoy ka naman diba?" Taas kilay ko dito. "Kahit na..you need this job para sa mga anak mo. Kung yun lang ang dahilan para umalis ka sinasabi--" "Buo na po desisyon ko. It's not only about what happened. Ayaw ko na po talaga dito. Wag kayong mag-alala para sa amin ng mga anak ko. Hindi mo sila obligasyon at lalong wala kang obligasyon sa akin." Pagkasabi ko ay umalis na ako. Ayoko ng marinig pa ang sasabihin nya. "Hello?" "Oh? Wala ka pabang sweldo? Anong petsa na Marie? Anong ipapakain ko sa mga anak mo! Pabigat na nga! Wala pang naitutulong.." Bungod ng ina nya sa kabilang linya. Kung minamalas ka nga naman. "Kakapadala ko lang nay ah..petsa dyes palang malayo pa ang katapusan--" "Aba! sumasagot kana! sabihin ko sayo--" Pinutol na nya ang tawag ng ina. Alam nya kasing magkwe-kwenta na naman ito sa nagastos sa kanya mula ng isilang sya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD