Treshia Marie POV
"Teka? Kaylan pa nagkaroon ng bagong building dito?"
Turo nya kay Kaye habang sila naglalakad papuntang MOA.
Tinawagan nya ito para magpasama manuod ng sine. Gusto nyang magliwaliw sa lahat ng stress na dinanas nya ngayong araw.
"Malay ko. Hindi ko naman ginagawang pampalipas ng sama ng loob ang mall.."
Parinig nito sa kanya.
"Ang slow mo..imposible namang hindi ka nadaan dito pag papuntang work natin?"
Taas kilay nya dito.
Napakamot ito sa ulo.
"Eh..sa lagi akong tulog pag sumasakay ng bus eh.."
Napa-iling-iling nalang sya.
"Kaya lagi kang nadudukutan eh..mamaya malaman mo nalang kinidnap kana at ginahasa.."
Tulog mantika kasi ito. Kahit nga sa opisina nila laging natutulog. Kulang nalang isipin nya buntis ito..pero wala naman syang nakikita na jowa nito.
"Kaye..nga pala pwedi paampon?"
Kumono't ang noo nito sa kanyang sinabi.
Napakamot naman sya sa ulo dala ng hiya..
Yes, meron pa sya nun kahit makapal ang mukha nya.
Mukhang alam na nito ang sasabihin nya kaya napa-krus ito ng braso at Napailing-iling.
"Wag mong sabihin hindi kana naman nagbayad ng bahay mo? Jusko miyo marimar, Treshia. Pinadala mo na naman lahat sa nanay mo ang sweldo mo na ang mga anak mo naman eh, malnourished kung tutuusin ang laki ng sweldo mo sa akin. Tapos ang bahay mo 3 months ng hindi nababayaran? Baka nga budget mo sa pagkain at pamasahe tinitipid mo pa. Ang tanong nakakaipon ka pa ba..Bakit ko ba nga tinatanong kung alam ko ang sagot na..WALA!"
Napatakip sya sa taenga sa pagsigaw nito.
"Grabe naman ito makasigaw..nasa mall kaya tayo at wala sa kanto. Saka konting favor lang naman 'to since beste mo naman ako diba saka hindi mo naman ako matitiis diba? Babayaran naman kita kapag may bago na akong trabaho.."
Paliwanag ko dito sabay yakap sa braso nito.
Napairap naman ito at tinaboy-taboy sya.
"Sya..sya..pero hindi ako naniniwalang makakaipon ka..oo mabilis ka makapasok ng bagong trabaho, pero kahit gaano yata kalaki ng sweldo mo kung wagas naman iwaldas ng magaling mong ina. Buti nalang nangapitbahay yang tatay mo at nangibang bahay naman mga kapatid mo dahil kung hindi baka pisong duling wala ka.."
Bigla naman sya nalungkot sa sinabi nito.
Alam na kasi nito ang talambuhay nya.
2 years nya rin itong naging kaibigan at sa lahat ng naging kaibigan nya ito nalang ang hindi plastic. Yung tipong tagus-tagusan kung banatan ka, pero sadyang manhid ako at hindi natatablan nun. Kasing tigas ng ulo ko yata ang kalyo sa paa ko..(joke lang. Wala talaga akong kalyo..)
Tinapik-tapik naman sya nito sa braso.
"Sorry, sumobra na yata ako, pero kahit ano naman ang sabihin ko wala kang naririnig o pinapalabas mo lang sa kabilang taenga mo..sige, tutulungan na kita sa pag-iimpake, pero siguradong nakatambak na sa labas ng bahay mo ang mga gamit mo for sure yan. Kasing gulo ng bahay mo na squatter na nga ang mahal pa..pasalamat ka mahal kita kung hindi itapon din kita sa squatter.."
"Grabe naman ang bestfriend ko ang rude magmahal..love you.."
Paglalambing ko dito.
Inirapan lang sya nito na natatawa na.
"May kapalit yun..libre mo ko.."
Napangiwi naman ako.
"Wala nga ni pisong duling panglibre pa.."
Napairap naman ito.
"Ikaw nagyaya dito pero ako ang gagastos..Galing mo rin noh? Galing mong mang-uto. tse!"
Pang-aasar nito sa kanya at iniwanan na sya.
Pag-uwi nila ay tumambad nga sa labas ng bahay ang mga gamit nya..usually mga damit lang naman yun at ilang kagamitan.
"Oh..may balak kapa palang umuwi, Maria? Akala ko kasi susunugin ko na yang mga gamit mo. Wala rin namang kwenta katulad mo!"
Sigaw sa kanya ng landlady nya.
"Opps..oppss. Aleng Kusing for your information hindi Maria ang pangalan ko Marie..baka naalala nyo na naman ang kabit ng asawa nyo sa pangalan ko kaya umuusok yung ilong nyo at pangalawa may kwenta yang mga gamit ko dahil may silbi yan sa akin..oo sa inyo wala, dahil mas wala pa kayong kwenta dyan. Puro kasi kayo kwenta. Kwenta ng utang ko.."
Sabat ko dito na inis narin.
Hinila naman sya sa braso ng kaibigan at napailing-iling.
Tinaasan nya naman ito ng kilay.
"Ano?"
Inis na sagot nya.
Takot nitong nginuso si Aleng Kusing na may kusing na i mean kutsilyo na na hawak.
"Anong sabi mo?!"
Sigaw nito sa kanya at tinutok pa sa pag-mumukha nya ang kutsilyo.
"Ah..eh, sabi ko nga po..lalayas na ako dahil wala kayong kwenta--sorry, wala akong kwenta dahil wala akong gatong..s-sorry po.."
Mabilis akong umiwas sa nakatutok nitong kutsilyo baka masira pa face ko.
Dali-dali kong pinulot ang mga damit na nagkalat at inabot sa tulala kung kaibigan. Dahil dito na pala nakatutok ang kustilyo ni Aleng Kusing.
"Hoy! best! Abot! Dali!"
Halos itapon na nya dito ang ibang gamit.
Buti at nagkilos-kilos din ito akala nya eh, naparalisa na.
"Hay?"
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko ng makasakay na kami ng taxi.
Paano ba naman eh, muntik na kaming ma-heart attack mas sabihing muntik na kaming nasaksak sa puso nito.
Talagang hinabol pa nito ng itak na talaga ang taxi na sinakyan namin sa takot ng taxi driver ay mabilis nitong napaharurot.
"Gaga ka kasi..ang lakas ng luob mong sagot-sagutin yung heartbroken. Sabi nga nila magbiro kana sa lasing wag lang sa aning.."
Napataas kilay sya..di nya kasi na-gets.
"Huh? Bago yata yun..saka anong connect ng aning sa lasing?"
"Aning sa pag-ibig..baliw, naloko, pinagpalit. Katulad mo.."
Gaga talagang ginawa pa akong example.
"Sira..hindi pa ako naaaning sa pag-ibig. Sabi nga nila kapag may nawala, may darating na bago..at hindi ako nawawalan ng pag-asa."
"Hay? Naku! Treahia Marie. Ganda sana ng pangalan mo..pero, hindi angkop sa katangahan mo..by the way hinto na manong andito na tayo.."
Napanganga sya sa nakikita.
Maganda kasi ang apartment nito o sabihing condo.
"Dito ka nakatira? Ang yaman mo pala..."
Napangiti ito sa reaksyon nya na parang bata.
"Hindi ako mayaman..sadyang walang pinaggagastusan at walang pinapadalhan. Yan ang nagiging ani ng single."
Napangiwi naman sya dito.
Lakas din talaga mambara nitong kaibigan nya.
Never pa kasi syang nakapunta dito.
Dun sa luma nitong apartment nakapunta na sya pero dito hindi pa.
"Best..apply kaya tayo dun sa bagong building na nadaanan natin sa MOA."
Kausap nya dito habang nakahiga na sila.
Malaki ang kama nito kaya nagtabi na sila.
Hindi naman sya malikot..(hehehe hindi daw? Naglalaway pa nga at naghihilik.)
"Ikaw na muna saka na ako pag natapos na kontrata ko.."
Antok na nitong sagot.
Napalabi sya.
"Eh..kalahating taon pa bago ka matapos dun.."
Sagot ko naman..
Humarap ito sa kanya at binato sya ng unan.
"Matulag kana kung ayaw mo patulugin mo naman ako. May pasok ako bukas, mabuti ka wala at sabihin ko sayo 5 months nalang matatapos kontrata ko duon. Wala ng kalahating taon yun. Mauna kana dun baka mahanap mo naman ang bago mong papa..papatayin ka sa selos..kaya matulog kana baka mahanap mo pa Prince Charming mo..in your dreams.."
Mahaba nitong sagot maya-maya ay naghihilik na.
Napailing nalang sya.
Ang bilis nitong makatulog. Samantalang sya hirap na hirap.