Treshia Marie POV
"Hello, ma'am..good morning. Kayo po si Ms.Treshia Marie, right? Ihahatid ko na po kayo sa taas, kanina pa po kayo hinihintay ni boss. "
Magiliw na bati sa kanya ng receptionist ng naturang bagong building na nadaanan nila kahapon ni Kaye. Curious sya sa pagka-misteryoso ng kompanyang ito kaya nag-background check sya kagabi. Well, she always do that naman bago sya mag-apply sa isang kompanya. Pero iba ang pakiramdam nya sa isang 'to. Gaya ngayon nagugulat nalang sya at naguguluhan sa inakto ng babae.
Para kasi syang mahalagang panauhin o bisita na hinihintay na dumating.
"Ah..miss. Actually mag-aaply palang po ako--"
Naputol ang kanyang sasabihin ng mabilis na itong nakapindot ng elevator.
Pag-tingin nya..
Exlusive for CEO.
"Miss..mali ata napindot mo. Exclusive lang to eh..duon yung sa empleyado and visitors."
Nguso nya sa dalawang katabi na elevator.
Ngumiti naman ito na parang kinikilig.
Ang weird..
Yun nalang nasabi nya sa kilos nito.
"With consent naman po ito ng boss kaya okay lang...and sya po nag-advice na dito na since deritso ang lift na 'to sa opisina nya.."
Paliwanag nito na parang nahihiya pa.
"Ang swerte mo miss..sana all.."
Kinikilig parin nitong wika sabay ipit ng buhok sa taenga.
"Ang weird mo miss..sana all.."
Pang-aasar na gaya nya pati sa reaksyon nito.
Sabay naman silang natawa..
Matagal sila sa lift na yun dahil nasa 50th floor pa ang opisina nito.
Emagine..ang taas. Abot na ata sa langit.
"Ah..miss--"
"Heaven..tawagin mo nalang ako sa pangalan na yan..feeling ko magkakasundo tayo eh.."
Putol nito sa kanya sabay abot ng kamay.
Tinanggap nya yun para i-shake hands.
"Treshia nalang, since kilala mo na ako..kahit ang weird mo. By the way, terror ba yung boss mo? Katakot? Nangangain?"
"Nangangain oo.."
Pabebe nitong sabi na pawang may naalala.
"Nangangain?"
Kono't noong tanong nya.
"Nangangain ang mga mata nito kapag tingnan ka. Para bang binabasa nito ang kaibuturan ng kaluluwa mo..ganun. Pero mabait yun saka gwapo pa..parang hulog ng langit."
Nangangarap parin nitong wika.
Napailing nalang sya.
Maya-maya ay tumunog na ang lift..indikasyon na nasa naturang floor na sila.
"Wait, inform ko muna na nandito kana huh.."
Sabi nito at nauna ng lumabas ng elevator.
Kumatok ito ng tatlong beses bago may nagsalita sa loob.
"Let her come. Makakabalik kana sa pwesto mo, Miss Heaven.."
Baritonong boses nito.
Mas lalo tuloy sya na-curious at excited at the same time.
"Okay boss.."
"Oh..pasok kana daw..goodluck, girl.."
Pampalakas ng loob sa kanya ni Heaven ng binalingan sya.
Pumasok kaagad sya sa malaking opisina nito.
Pagpasok nya bumungad sa kanya ang malaki. Malaking espasyo ng opisina nito. Para itong living room na walang kagamit-kagamit actually mas malaki pa ito. Parang okupado nito ang buong floor. Nasa rooftop yun na bahagi.
Tanging table nito, swivel chair at kaharap nito na table ang laman nun..
Ano 'to? Practice area?
Tanong nya nalang sa isip.
"Have a seat, Miss Treshia Marie.."
Bumaling ang atensyon nya sa nagsalita.
Hindi nya napansin na kanina pa pala ito mataman na nakatingin sa kanya.
Bigla syang na-concious sa tinginan nito.
Tama nga si Heaven. Nangangain ang tingin nito. Tagos na tagos. Para kang nasa Heaven..charr..
"S-Sir?"
Ulit ko ng hindi masyado narinig ang sinabi nito. Sa lakas ba naman ng kabog ng dibdib ko kung marinig ko pa ang boses nito.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Eh, lagi naman akong confident pagdating sa ganitong mga interview.
Siguro dahil sa masyado itong intimidating sa paningin nya.
Nakapang-de kwatro ito ng paa habang naka-krus ang mga braso..
Tinaasan sya nito ng kilay at ngumisi ng tipid. Nginuso ang harapan nito.
"I said have a seat. Kunin mo nalang yung upuan sa kabilang table and put it here...sa harapan ko."
Bigla naman syang nataranta kaya mabilis nyang kinuha ang upuan na nasa bandang gilid nya.
Sa taranta ay mukha pa syang natisod sa suot na heels.
Napangiwi nalang sya sa kahihiyan.
"Don't fall inlove with me, Miss Treshia Marie. Hindi kita kayang masalo.."
Unang bungad nito ng makaupo sya.
Hindi nya alam kung nagbibiro lang ito o seryoso. Pero duon sya sa huli, dahil seryoso ang mukha nito.
Kapal naman..porket gwapo ka na parang anghel na nahulog sa langit eh..assuming masyado. Totoo naman diba?
Sagot ng kabilang isip nya.
Well, madali nga syang mainlove lalo na sa gwapo, pero hindi sa katulad nito na parang hindi nag e-exist sa mundo. Masyado itong perfect para lang syang shemay pag kasama ito.
"Wag masyadong bilib sa sarili sir? Hindi mangyayari yun.."
Depensa ko dito sabay iwas ng tingin.
"Good..mabuti ng nagkakaintindihan. I'm happy to finally meet you in person. Mabuti naman at nagbago ang isip mo para mapansin ang kompanya ko.."
Napangiwi sya sabay kunot ng noo.
"Alam nyo sir..gwapo sana kayo, kaso ang labo nyo. Hindi ko nga po kayo kilala. Pero kung maka-asta kayo, pati narin yung receptionist nyo eh, parang bisita ako na matagal ng hinihintay..di ko gets?"
Natawa naman ito ng mahina sa kanyang sinabi at umupo ng maayos.
"Well, it's true..matagal na nga kitang hinihintay na maligaw dito. Alam kung isang kang mahalagang treasure para sa kompanyang ito. Kaya from now on..pwedi kanang mag-start.."
"Hoh?"
Naguguluhan ko na namang sagot.
"Pwedi kanang mag start bilang my personal assistant. Alam kung accounting ang iyong natapos, pero personal assistant lang kasi ang bakante dito--"
"Pano nyo po nakukuha ang impormasyon na yan..eh, hindi ko pa naman nabibigay ang resume ko.."
Putol ko dito habang winawagayway sa harapan nito ang folder ko na laman ay resume at ilang credentials ko.
"Hindi ko naman kailangan ng resume to know more about you, but since pinagpipilitan mo yan..kukunin ko yan..pero pwedi kanang mag start ngayon. I needly badly a personal assistant ngayong araw. Don't worry about the salary it's triple from your previous company..50k is enough right? or--"
"50k? Nagbibiro kaba sir? Bakit nyo ako bibigyan ng ganung kalaking halaga?"
Putol ko dito habang gulong-gulo na ang isip.
Napaka-imposible kasi ng taong kaharap nya.
"Mukha ba akong nagbibiro, Miss Treshia? And money is doesn't matter to me ang importante is your performance. But i have this kind of rule in my company. Distractions..i don't someone who's having romantic relationship inside my company. Dahil para sa akin distractions lamang yun..kahit ang magdala o bisita ng karelasyon o asawa ay bawal. Maliwanag?"
Tumango sya..pero nag-aalangan parin.
"Don't think to much and don't worry i can assure you that i will not fall inlove with you. Ayaw ko pang ilagay ang isang paa ko sa hukay.."
Naiinis man sa lakas ng apog nito ay natawa nalang sya.
"Hindi ka naman sir manganganak para ilagay sa hukay ang kabilang paa mo..di bale nalang kung binabae kayo..dahil hindi lang kabilang paa mapupunta sa hukay kundi buong pagkatao nyo pag nalaman ng tatay nyo.."
Biro nya dito habang natatawa parin.
"I'm not a gay..."
Kono't noo nitong sagot sa kanya.
"One more thing Miss Treshia. You can stay on my place. As my personal assistant i need your perseverance and good work manners.."
"Anong connect nun? Saka hindi pa ako baliw para tumira sa bahay ng amo ko, kaw narin nagsabi na bawal---"
"It's not what you think Miss Treshia. May second floor ang condo unit ko..you can stay on the first floor. Kailangan ko lang ng may mag-aasikaso sa akin at sa bahay..don't worry gagawin kong 100k ang sweldo mo. You can bring your children too, pero wag na wag mo lang papakiilaman ang mga gamit ko lalo na sa second floor.."
Sa dami nitong sinabi halos walang nag-sink in sa utak nya..
Kaw ba naman makarinig ng 100k na sweldo sa isang buwan..kung hindi mag-blurd ang paningin mo.
"Are you still listening Miss Treshia?"
Pitik nito sa kanyang noo.
Isang dangkal nalang pala ang layo ng mukha nila kaya mabilis syang nag-iwas ng tingin dito.
Pahamak ka self..kukutusan talaga kita