Treshia Marie POV
Isang buwan na syang nakatira sa condo ng boss nya.
Samson Archangel. Yan ang pangalan ng boss nya na parang anghel na nawawala ng parang bula.
Sa isang buwan na pananatili nya duon ay bihira nya lang ito makita.
Kaya napag-desisyunan nya ng araw na yun na bisitahin ang kanyang matalik na kaibigan na si Kaye.
Simula kasi ng lumipat sya ay hindi nya pa ito nabibisita. Hindi rin ito nagpaparamdam sa kanya.
Hindi nya alam kung sadyang umiiwas lang ito o busy lang talaga.
Ngayon may dala syang paborito nito na pizza, dalawang box yun at soft drinks. Balak nyang mag-movie marathon kasama nito.
Sabado kasi yun at alam nyang nasa bahay lang ito nito.
Magdo-dorbell palang sana sya ng may marinig syang pagtatalo mula sa loob ng condo unit nito.
Nilapit nya ang taenga sa may bandang pintuan para mas marinig yun.
Boses yun ng kanyang kaibigan at lalaking sinusumpa nya sa buong buhay nya.
"Mark..tigilan na natin 'to. Hindi ko na kayang lokohin ang kaibigan ko. Utang na loob..lumayo na nga ako. Lumipat na nga ako ng bahay, pero di mo parin ako tinatantanan. Isang pagkakamali lamang ang lahat, lalo na ang batang ito. Kaya ko syang buhayin. Kaya naming mabuhay na wala ka. Bakit hindi nalang ang mga anak mo kay Treshia ang suportahan mo.."
"Pero mahal kita Kaye..noon pa man mahal na kita..kaya ko nagawang lokohin si Treshia dahil sayo."
"Walang kwentang pagmamahal yan kung nasasaktan naman ang kaibigan ko! Sobra na akong nakokonsensya. Alam mo ba yun?"
"Pero she already move on from me..alam mo yan. Iba-iba na nga naging boyfriend nya, pero ako, andito ikaw parin. Ikaw parin ang hanap ko."
Halos mapahagulhol na sya sa iyak pero pinipigalan nya lamang gamit ang isang palad nya.
"Pero kasal parin kayo at habang kasal kayo. Isang kabit lang ako sa mata ng tao. Kaya ayoko na tama na 'to. Tama ng kahibangan 'to Mark..utang na loob! Pagod na pagod na ako..Mahal kita pero mali 'to. Maling mali!"
Duon na sya nanginig sa narinig kaya hindi sinasadyang nabitiwan nya ang hawak nya. Hindi sya makapaniwala. Kaya pala..
"Sino yan?"
Rinig nyang napahinto ang dalawa sa pagtatalo at palapit na ito sa pintuan.
Nanghihina syang napaupo.
Sabay namilog ang mga mata ng mga ito ng sya ang bumungad sa mga ito.
Halos nanghihilamos na sya ng luha at galit na tumayo.
Pak!!
Isang malakas na sampal ang pinadapo nya sa pisngi ng kaibigan at tiningnan naman ng masama ang asawa.
Mabilis itong umalis at naiwan silang dalawa ng traydor nyang kaibigan.
"P**ang **a mo Kaye! Sa dinami-dami ng mga ex ko sa asawa kopa talaga huh? Naubusan kana ba ng lalaki?!"
Sapo nito ang pisngi na umiiyak syang tiningnan.
"S-Sorry Treshia..h-hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya na mahulog at mahalin ang asawa mo..pero wala naman na kayo diba? It's almost 5 years at hindi mo naman na sya mahal diba?"
"Eh ano kung 5 years na! Porki't hindi ko na mahal, pwedi na kayo ganun? Hindi kaba nahihiya sa sarili mo huh? Ki-dalaga mong tao pumatol ka sa may asawa at anak pa..hindi kana rin naiiba sa mga kabit at naanakan ng asawa ko. Yan ba gusto mo huh?! Ang tawaging kabit!"
Nanginginig kong sigaw.
Napayuko lang ito habang umiiyak.
"Ano pang magagawa ng sorry mo huh? Damn you! Alam mo kung anong masakit dito, huh? Hindi yung mawalan ng asawa kundi ang mawalan ng kaibigan na tinuring ko ng pamilya! Alam mo pinagdaanan ko. Alam mo ang buhay ko..pero putik! Hindi ko alam na gusto mo rin palang danasin ang mga yun..pwes! magsama kayong dalawa!"
Sigaw ko habang umalis na sa harapan nito.
"Lord! Bakit ba ang malas ko! Pati ba naman sa kaibigan na akala ko totoo..hindi pala!"
Sigaw ko sa daan habang umiiyak akong umuwi ng bahay.
Hindi ko alam kung nasa bahay naba ang amo nya. Ang gusto nya lang sa mga oras na yun ay ang umiyak ng umiyak.
"Tssss...tahan na. Hindi worth it iyakan ang mga taong walang halaga. Okay sa una meron, pero in the end ikaw na pala ang walang halaga."
Tahan sa kanya ng lalaki.
Sa gulat ay napatayo sya bigla.
"Bakit ka pumasok? Kaylan kapa nandyan?"
Naguguluhang wika ko at biglang umurong yata ang mga luha kong papalabas palang sana.
"Ngayon..ngayon lang. Napadaan ako sa kwarto mo dahil sa hagulhol mo. Pumasok na ako dahil kanina pa ako katok ng katok di mo ata narinig.."
Napatango naman sya.
"Umalis kana lalabas narin ako."
Nahihiya nyang wika sabay yuko.
"Okay. Sabay na tayo kumain nagluto ako ng spaghetti para mapawi yang emo mo..di bagay, ang pangit mo.."
Pang-aasar pa nito sa kanya.
"Salamat sir huh? Porket gwapo kayo, lakas nyo manglait.."
"Joke lang.. Pinapangiti lang kita. I know what you feel. Sad din ako ngayon kaya damayan mo ko."
Nanonood sila ng movie habang kumakain ng spaghetti na luto nito.
Infairness huh..masarap yun.
"Bakit ka nga pala sad din.."
Unang bukas ko sa usapan.
Para kasing wala rin sa palabas ang mga isip namin ngayon.
First time ko itong makitang malungkot.
Nagsalita ito pero nasa palabas ang paningin.
"Gaya mo na gusto bumalik sa nakaraan para ayusin ang kasalukuyan, para masaya ang kinabukasan. Pero, kailangan nating gawin ang tama kahit mali yun sa ating pakiramdam para sa ikabubuti ng karamihan. Kasi yung mali, tama sa atin, dahil duon tayo masaya pero hindi pwedi, maraming maapektuhan, mas maraming masasaktan. I know may konting pagmamahal parin dyan sa puso mo para sa asawa mo kaya ka nagkaka-ganyan. Pero, kahit alam mong tamang ipaglaban dahil may karapatan ka parin sa kanya, mas gusto mo nalang bitawan dahil hindi kana masaya at kaya hindi ka nagiging masaya ng tuluyan at nagiging successful sa bago mo dahil hindi mo pa kayang i let go ang kapiranggo't na pagmamahal na yun. Tanungin mo ang sarili mo? Worth it pabang pang-hawakan ang kapiranggot na yun sa kanya? o mas deserve ng taong mamahalin mo pa ang 100 percent na yun ng pagmamahal mo? Kapag alam mo na ang sagot sa sarili mo ako mismo ang tutulong sayo para ma-annuled ang kasal nyo. As i told you before, open ang mga anak mo dito sa bahay ko.."
Napangiti sya sa sinabi nito.
Tinamaan kasi sya.
"Ang haba ah..pero isa lang naintindihan ko. Bakit yata napunta sa akin ang tanong? Diba ikaw nga una kong tinanong?"
Taas kilay ko.
Ngumiti itong humarap sa kanya at ginulo ang buhok nya, maya-maya ay tumingin ito muli sa pinapanood bago nagsalita.
"I have a fiance at malapit na kaming ikasal, pero..habang tumatagal parang umuurong ako. Tinatakasan ko yung realidad habang papalapit na ng papalapit. Tell me? Paano mo makakayanan makasama ang isang taong hindi mo mahal, pero kailangan mong gawin para sa kapakanan ng pamilya mo at ng maraming tao?"
Tumingin itong muli sa kanya at nagkibit-balikat naman sya.
"Mahirap nga yan. At mas mahirap magsisi sa huli. Kung ako bibigyan ng pagkakataon itama ang lahat sa nakaraan gagawin ko, pero hindi ko pinagsisihan na nagkaroon ako ng anak. So, aayusin ko nalang ang buhay ko sa present para maging maayos ang future ko at ng mga anak ko. At kung tinatanong mo ako dyan sa problema mo isa lang sagot ko."
Hinawakan ko ang dibdib nito. Hindi sa pagtsa-tsansing kundi para ituro ang puso nito.
"Sundin mo kung ano ang sa tingin mo ang nilalaman ng puso mo.."
Tinuro ko naman ang ulo nito.
"At kung ano ang iniisip ng utak mo..Pagtimbangin mo ang lahat. Dahil hindi rin pweding puso lang natin ang pairalin, minsan kailangan din natin gamitin ang utak natin. Kapag natimbang muna ang lahat kung ano ang mas mahalaga, yun ang sundin mo..wag ako, wag ang ibang tao, kundi ang sarili mo."
Ngumiti ito mukhang nagustuhan ang advice nya.
Sabi nga nila mas may laman ang advice ng taong nasasaktan din dahil alam nila o mas alam nila ang nararamdaman ng isang katulad mo na heartbroken din. Relate ganun..
"Thanks..you light my head..sobrang heavy na kasi.."
Biro na nito.
Ngumiti sya pero maya-maya ay nawala ng may naalala.
"Wait? diba may fiance kana? Hindi ba ako susugurin nun pag nalaman na dito mo pinatira ang personal assistant mo?"
Naguguluhan kong tanong..
Gosh! ayoko pang makalbo no? saka sabihang 'malandi ka!'
Iniisip ko palang, napapangiwi na ako.
Ginulo nito ang buhok ko at mas lalong natuwa sa reaksyon ko.
"Ang cute mo talaga..buti mas matanda ka sa akin..don't worry about that hindi naman nya alam at hindi naman war freak yun. Well, kung mangyayari yun. Ihanda mo na ang anit mo at mukha mo...hahahha"
Natawa pa ito sa pang-aasar sa kanya.
Pero sa halip na matuwa sya sa compliment nito na cute sya eh, nagambala yata sya sa huli nitong sinabi.
"Don't think to much..never pupunta yun dito. I assure you. Saka, stay in kalang naman sa work mo..hindi live in sa akin..kaya wag kang mag-alala, hindi mag-iisip yun gaya ng iniisip mo na mapagkakamalan kang kabit ko.."
Natatawa parin nitong wika.
"Alam mo ikaw..walang nakakatawa huh? Gusto mo pang dalhin ko mga anak ko dito, ano nalang iisipin nun?na tamang hinala? Na instant daddy ka? na ginawa kitang sugar daddy?"
Napangiwi naman ito sa huling sinabi nya.
"Ako? sugar daddy? sa bata at gwapong kong 'to, mukhang sugar daddy?"
Sya naman ang natawa.
Para silang mga baliw na nagtawanan.