EPISODE 5

1204 Words
Treshia Marie POV "Oh? Nag-sleeping beauty ka ata kaya ka nalate?" Bungad sa kanya ni Heaven sa reception. Papungas-pungas pa sya ng mata na akala mo eh, bagong gising. Well, bagong gising naman talaga sya, dahil hindi ata nag-ring ang alarm nya o napasarap sya ng tulog. Kaya ito late sya ng isang oras at pinupunasan ang mata baka may muta pa..mabilis kasi syang naligo nasa 10 minutes lang yata yun. Basa ng tubig sabay shampoo sa ulo, sabon sa katawan at toothbrush. Sabay banlaw din. Oh? diba? ganyan pag late na. Pero late parin naman sya. "Hehehe..deads yata phone ko, hindi nag-alarm eh..si boss ba andyan pa?" Kamot nya sa ulo. "Umalis..nagmamadali nga yun..baka may important client lang..at ikaw? ayos-ayusin mo yang sarili mo sa salamin. Jusko! akala mo eh..teenager kung mag-ayos, mabuti pa nga teenager, mabango pa..ikaw amoy sabon pa.." Ngiwi sa kanya ng bagong kaibigan dito sa Archangel Kingdom na si Heaven.. "Oo nga po manang heaven, aalis na para makapag-pabango na. Hiyang-hiya naman kasi ako sa amoy mo noh? Amoy..." Sininghot-singhot ko pa ito. "Amoy ube cheese cake bubble tea..ang aga-aga..kaya ang taba mo.." Bara ko dito. "Excuse me? Porki't seksi ka eh..chubby tawag dyan. Chubby na seksi.." Kimbot kimbot pa nito na nagpailing-iling lang sa kanya. Seksi naman talaga ito, chubby ngalang, pero hindi mataba.. "Hay?" Mahabang buntong hininga nya, sabay halata sa swevel chair nya ng makapasok sa opisina. Iidlip palang sana sya ng may istorbong nagsalita. "Sarap ng buhay ah.." Minulat nya ang mata at biglang napatayo sa gulat ng marinig ang boses ng amo nya. Kala ko umalis 'to? Ang weird talaga ng isang 'to. Parang hangin kung dumating. "Ah..eh..boss akala ko po, umalis kayo? Ano po ginagawa nyo dito? Saan kayo dumaan? Sa bubong?" Taranta ko ng wika, dahil magulo pa nga pala ang ayos ko ngayon. Natawa naman ito na parang wala ng bukas sa reaksyon nya. Kaya mas lumapit pa ito sa kanya para asarin sya..malamang. "Ah..eh..sir ang laki naman po ng space dito, bakit kailangan nyo pang nakawin ang space ko?" Sunod kong wika, sabay iwas ng tingin dito dahil sobrang lapit na talaga namin. Kung hindi ako iiwas ay mahahalikan na ako nito. "Wala lang..mas gusto ko kasi ang space mo. Parang yung mukha mo lang wala ng space dahil sa nakaharang na buhok mo." Nakangisi nitong wika sabay tabing sa ilang hibla ng buhok nyang humarang na sa mukha. "Fix yourself, Treshia..aalis tayo.." Wika nitong tinalikuran na sya. Napansin nya pang napatingin ito sa relong pambisig. Mukhang o-orasan pa yata sya ng loko. "15 minutes is enough, right? Go now..and fix yourself, i have important client at kailangan kita." Napataas sya ng kilay sa ibang pakahulugan nun sa kanya. Mukhang mabilis nitong nagets kaya tumikhim muna ito bago itama ang huling sinabi. "Hmmm..i mean i need you at the meeting kaya, bilis..tumatakbo ang oras, Treshia.." Seryoso nitong wika kaya napatakbo na sya sa C.R. Pinusod nya ang buhok nyang, mabilisang blinower kanina. Nag-make up ng slight at nagpabango, syempre hindi mahuhuli ang lipstick. "Ayan! mukhang tao kana Treshia..ang bango natin ah.." Puri nya sa sarili. Paglabas nya ay hindi kaila sa kanya ang biglang pagmangha ng boss nya sa nakikita. Well, maganda naman talaga sya. Maliit ngalang..pero seksi naman. Coca cola body..(naks! tama na ang puri sa sarili, baka may maglaway hahahha) "Let's go sir?" Pukaw nya dito na bahagyang napatulala. Kamukha ko siguro fiance nito at napagkakamalan. Minsan nya kasing nahuhuli ito na titig na titig sa mukha nya, pero hindi in a way na kikiligin ka..dahil blangko ang mga tinginan na yun. Para bang may malalim itong iniisip na nakakapag-alala sa kanya sa akin. "Yeah..sabi ko nga, let's go." Masungit na nitong turan at nauna pa sa kanyang lumabas. "Gusto mo, breakfast muna tayo?" Unang bukas nito sa usapan ng nasa sasakyan na sila. Paano ba kasi pahamak ang tyan nya..hindi dahil sa tumunog ito, kundi umutot lang naman sya, tanda na puro hangin nalang ang laman ng tyan nya. Kahiya! "Ah..yeah--pero akala ko ba nagmamadali tayo? May important client ka diba?" "Oo, pero pwedi naman tayo kumain habang nagda-drive...drive thru!" Sabay pa nilang sinigaw yung drive thru.. Napangiti sila pareho at nawala yung ilang nila sa isa't isa kanina. "When do you plan to file annulment?" Sunod na tanong nito. "Bakit papautangin mo na naman ba ako, boss?" Agad itong tumango at napailing naman sya. "File your annulment as soon as possible. Ilista ko nalang ang mga utang mo kung yan ang ikinababahala mo." "It's not easy as like that, Samson.." Napanganga naman ito sa sinabi nya. "What did you say? Can you repeat it again?" "I said..it's not easy as like that, Samson. Wala naman tayo sa opisina mo..gaya ng sabi mo pwedi kitang tawagin kung saan ako komportable..at gustong-gusto ko yung pangalan mo..lakas maka-history o libro..basta." Natawa nalang ito. "I like that too, when you say it my name..by the way after the annulment bring your children here with you. Mas okay na magkasama kayo. Naaalagaan mo sila, hindi yung ibang tao.." "Hindi naman ibang tao ang nanay ko, Sir.." Diniin ko pa ang sir..ibig sabihin inis na ako. Ayoko sa lahat yung hindi mo nga alam ang historya ng buong buhay ko, pero wagas kang makapag-komento. "Hindi nga iba sayo, pero ikaw? Sa kanila masahol kapa sa ibang tao. I didn't say it to tell bad impression to your family o manira ng hindi ko naman alam ang buong kwento. I said it, for you to realize everything. Lahat ng sakripisyo mo sa kanila, simula noon at hanggang ngayon..sa tingin mo worth it? Alam ko sagot mo oo..pero tinanong mo ba ang sarili mo kung worth it mo nga ba ang trato nila sayo na masahol pa sa aso?" Tinamaan sya sa sinabi nito pero nanguna parin ang inis nya para dito. "Bakit kung makapagsalita ka sir, eh..parang sinubaybayan mo ang buong kwento ko? Wala naman po sa telebisyon o sa libro ang talambuhay ko..opo may point kayo, pero magulang ko parin sila, nanay ko parin sya at anak lang ako..kahit hindi ko naramdaman na kabilang ako sa pamilyang kinabibilangan ko, kahit hindi ko maramdaman ang pagmamahal at pag-aalaga nila na parang tunay na anak, kapatid..bahagi ng pamilya. Nagpapasalamat parin ako, dahil kung hindi dahil sa kanila, wala ako sa mundong ito.." Umiiyak ko nang turan dito. Hininto nito ang sasakyan sa gilid at niyakap sya. "I'm sorry, for what I've said. Gusto ko lang kasi unahin mo muna ang sarili mo bago sila kahit sa ngayon lang, kahit sa unang pagkakataon..and yeah..i know your life story kahit nung wala kapa sa mundo.." Bigla syang napahiwalay mula sa pagkayakap nito. "Ang weird mo..sa totoo lang..wag mo nga akong pinagloloko..hindi ka nakakatawa.." "Pero, effective naman diba? Tumahan kana nga.." Ngiti pa ng loko..sarap batukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD