EPISODE 6

1082 Words
Treshia Marie POV "Ms. Treshia after your lunch proceed on the office, please. We need to talk.." Bungad sa kanya ng amo nya habang kumakain sila ni Heaven sa pantry. Nakakonot na naman ang noo nito mukhang may malalim na problema. "Oy? LQ?" Natutuwang siko sa kanya ni Heaven. "LQ mo mukha mo..baka may mali kamo akong nagawa. Yari ako nito, ang daldal mo kasi at estorbo sa trabaho ko.." Inis na sisi ko dito. Paano ba kasi sa loob ng dalawang buwan nyang pagtatrabaho sa Archangel Kingdom eh, wala atang araw na hindi sya kinukulit sa trabaho..para lang makipag-chismisan. "Oy? Bakit nadamay na naman ako dyan." Maang-maangan nito. "Yan kasing bunganga at taenga mo..walang preno sa pakikinig at pakikipag-chismisan sa opisina.." "So? anong connect? Totoo naman ah..totoo namang may something sa inyo..look? Never pa yan nagpatira ng kahit na sinong empleyado si sir sa condo nya ikaw palang saka--" Naputol ang sasabihin nito ng tinakpan ko ang bunganga gamit ang palad ko. "Saka ano, huh? ikaw, Heaven..itigil-tigil mo nga yang bunganga mo huh? Malamang bago palang naman 'tong kompanya at malamang ako palang napapatira nun dahil ako palang naman ang una nyang personal assistant.." Inis na paliwanag ko dito.. "Ok po..wala na kung wala..Oy? Treshia, bilisan mo dyan mukhang bad mood ang boss natin. Masampulan ka dyan ng wala sa oras.." Pag-iiba nito sa usapan. Inirapan nya muna ito bago mabilis na tinapos ang kinakain. "Oo nga po aalis na..dada ka kasi ng dada..oy? Heaven..bunganga mo huh? Pakitiklop na yan..baka ikaw ang masampulan ko.." Pagbabanta ko dito bago tumayo. Pumunta muna ako ng C.R nag-toothbrush at tumuloy na sa opisina ng boss kong may regla yata ngayong araw. Pagpasok ko ay nakatalikod ito mula sa kinatatayuan ko ngayon. Mukhang may malalim nga itong iniisip, dahil nakalagay ang ballpen sa bibig nito. Tumikhim muna sya para makuha ang atensyon nito. "Hmmm..boss?" Tikhim ko sabay upo sa harapang upuan nito. Bakas ang gulat sa mukha nito ng hindi ata inaasahan na nasa harapan na sya. Namilog ang mata sabay kono't ng noo ng makahulma. "Andyan kana pala..hindi ka manlang nagsabi..by the way, mawawala ako ng isang buwan. Just some important matters. Kaw na bahala dito. Alam mo naman ang mga rules at kung paano i-handle ang kompanya diba? I trust your ability and competency, Treshia. May inatasan narin akong tutulong sayo habang wala ako, don't worry..i will not pressure you that much." Ngiti nito sa huling sinabi, pero parang pilit lang yun. Para itong matamlay na malungkot. Pakiramdam nya may kinalaman ang pag-alis nito sa nalalapit nitong kasal. Alam nyang ayaw nito iyong gawin, ayon narin sa kwento nito pero gaya ng sabi nito kailangan. "Don't dare to pressure yourself to think which other people problem..baka hindi mo makayanan ang lahat pag pinagsabay mo.." Makahulugan nitong wika na wari'y nababasa nito ang kanyang iniisip. Hindi nya napansin na ang lapit na pala ng mukha nito at ito na naman sya at napatunganga na naman. May mapaglarong ngiti tuloy sa labi nito. Umayos sya ng upo at ngumiti dito. "Don't worry sir..i can handle it..gaya ng sabi nyo may tiwala kayo sa akin kaya, para ano pa para hindi ako magtiwala sa sarili ko. Enjoy your vacation, boss.." Nawala ang ngiti sa labi nito sa narinig mula sa kanya. Umiwas ito ng tingin at tumayo na. "It's not vacation..kaya pano ako mag-e-enjoy? Maybe the end of my happiness..so soon.." Sabi nito sabay kuha ng coat nito at tumayo na. "Aalis na ako at sa pagbalik ko. Matutupad ko na ang pinangako kong pagtulong sayo na pag- annulled ng kasal mo..you can bring your children narin, para hindi kana ma-bored sa condo ko..ma-mi-miss kita.." Halos bulong nalang ang huli nitong sinabi, kaya pilit nyang ina-absorb sa utak nya pero wala talaga. "Ang weird talaga nun..ilang beses naba nyang nabanggit ang tungkol sa annulment ko at mga anak ko? Mas excited pa yata kaysa sa akin.." Kausap ko sa sarili. "Hey? Ms.Treshia..kami nga pala ang makakasama mo sa opisinang ito sa loob ng isang buwan.." Biglang sulpot ng isang magandang anghel este babae na ngayon lang yata nya nakita. May kasama pa itong dalawang babae na matangkad, balingkinitan at maputi din..higit sa lahat maganda. "Ahmm..excuse me? Hindi ba kayo naligaw ng building? Mukhang mga model kasi kayo at nag-a audition para mag artista?" Natawa naman ito sa banat nya..hindi naman joke yun..pero natawa ito. "Kalog ka nga miss..magkakasunod tayo nyan..nope, kami yung mga inutusan ni Samson..este boss Samson..pasensya na, nasanay kasi kami sa first based, lam mo na..pinsan namin yun." Napa-malaking 'O' naman ang bunganga nya sa narinig..well, hindi na sya magtataka kung totoo nga ang sinasabi nito, dahil halos pare-pareho lang ang mga apperance ng mga ito..para bang anghel. "Pinsan ba kamo? kaya pala ngayon ko lang kayo nakita..wagas din pala ang pinsan nyo noh? Sa inyo pa talaga humingi ng back-up.." Ngiting wika nya na nauwi sa ngiwi. Parang hindi nya kasi carry na maka-trabaho yata ang mga ito..ubod kasi ng ganda parang lampaso lang sya, ang mya 'to Prinsesa.. "Wag mong maliitin ang sarili mo..Treshia, maganda ka naman..bagay nga tayo eh..bagay maging sister.." Biro nito na ikina-konot nya ng noo. "Ang weird nyo lang parang yung pinsan nyo rin..parang kasing alam na alam nyo yung iniisip palang namin..saka hindi pa naman ako nagpakilala diba? ah..baka sinabi na ng pinsan nyo.." Napangiti ito ng pilit sabay tango-tango. Ang dalawa nitong kasama ay tahimik lang na akala mo eh..mga alalay lamang na bawal magsalita. Pagkatapos magpakilala ng tatlo ay tinuro nya muna ang mga basic na gagawin ng mga 'to..actually kahit hindi naman nya ituro ay alam na ng mga ito ang gagawin. Tinapos na nya ang kanyang mga gagawin at pauwi na sana ng... "Wait? San pala kayo pupunta? parang pareho yatang way ang tinatahak natin?" Pigil ko sa tatlo ng parang sinusundan sya. Naglalakad na kasi sya pauwi at papasok na sa building ng nakabuntot parin ang mga ito. "Kung saan ka papunta dun din kami..sorry, hindi pala nasabi ng pinsan ko na dun din kami tutuloy sa condo nya..actually may dalawa pang kwarto sa second floor..dun kaming tatlo mag stay para may kasama ka naman.." Nawe-werduhan man sa sinabi nito ay tumango nalang sya. First, hindi nya naman kasi bahay yun para pagbawalan ang tatlo. Second, may pahintulot naman ang mga ito sa may ari at Third, at pang-huli..akala ko dalawa lang ang kwarto dun..may dalawa pa pala sa second floor? weird nga..pero nakikitira lang naman din sya..bawal umangal, ika nga nila..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD