EPISODE 7

1215 Words
Samson Archangel POV Dito sa itaas ang lubos na pinaniniwalaan ng mga tao ay kapag mabuti ka mapupunta ka sa langit, na totoo naman. Ang hindi nila alam ay kahit dito sa itaas ay may iba't ibang klase din ng kaharian, uri ng mga anghel, antas sa buhay at higit sa lahat ay may mabubuti at masasama din. Isa ang 'Archangel Kingdom' sa mataas na antas ng kaharian sa langit. Nasa pangatlo ang kaharian namin, sumunod ang 'Angel Kingdom' kung saan kailangan kong magpakasal sa nag-iisang anak ng hari at reyna na si Prinsesa Angela. Nangunguna naman sa hanay ang 'San Gabriel Kingdom' kung saan matalik nya na kaibigan ang Prinsepe ng kaharian na si San Gabriel. Nasa sampu ang bilang ng mga kaharian sa langit at sa sampung yun ay may isang kaharian na may taglay na madilim o mga makasalanang anghel ang kinabibilangan ng mga ito. Dahil sa masamang balak ng kaharian nito kaya napunta sa pagpasya ang kanilang kaharian na magsanib pwersa sa pangalawang antas na kaharian, para mas palakasin ang kanilang pwersa laban sa kalaban. Sa kanya nakasalalay ang kapayapaan ng kanilang mamamayan sa palasyo. Sa pamamagitan ng pagpapakasal nya kay Prinsesa Angela. Maganda naman ang babae, maamo ang mukha at higit sa lahat alam nyang matagal na itong may pagtingin sa kanya pero...wala syang maramdaman na espesyal para sa babae. Parang may mga bagay na gusto pa syang gawin. Parang hindi pa sya handa matali sa isang panghabang buhay na relasyon..dahil sa immortal naman sila talagang lagi na nila itong kasama. "Sigurado kaba sa balak mo Prinsepe Archangel?" Wika ng kanyang kaibigan na si Prinsepe San Gabriel, pagkatapos nyang ikwento dito na gusto nyang bumaba sa lupa at makipagsapalaran sa mga tao. Gusto nyang maranasan kung paano nai-sosolba ng mga tao ang problema kahit gaano pa yun kalaki o karami, dahil kahit sya makapangyarihan hindi nya alam kung paano masolba ang kanyang problema. Gusto nyang maranasan ang lahat ng nun. Gusto nyang may matutunan. Gusto nyang may ibang bagay na makakapagwala kahit saglit ng problema nya. Sa maikling salita, gusto nyang tumakas muna sa reyalidad ng kanyang buhay dito sa palasyo pero hindi para takasan ang kanyang responsibilidad. Kundi gusto nya munang pagaanin ang bigat na kanyang nararamdaman sa ngayon. "Oo, Prinsepe San Gabriel..babalik naman ako dito kapag kailangan. Gusto ko munang may gawin na ibang makahulugan sa buhay ko bago matali kay Prinsesa Angela..wag kang mag-alala, hinding-hindi ako gagawa ng kalokohan habang nandun ako. Alam ko parin naman ang responsibilidad ko dito at sa magiging mapapangasawa ko." Malungkot kong turan pagkatapos banggitin ang salitang yun. Tinapik ako nito sa balikat. "Hindi ko man alam ang nararamdaman mo. Nauunawaan naman kita kaibigan. Pero, ito lang ang mumunting paalala ko. Ang mga tao ay puno ng temptasyon, sana wag mong hayaan na maging alipin ka ng temptasyon na yun dahil kapag nangyari yun..ikababagsak yun ng sarili mo hindi lang ng pagkatao mo kundi ng mamamayang kinasasakupan mo.." Payo nito pagkatapos ay tumango ng tipid at humayo na sa kanyang harapan. Alam nyang hindi ito magiging madali para sa kanya pero kailangan nyang subukan. Wala namang mawawala hangga't buo parin naman ang pagkatao nya. Hindi nya naman hahayaan na masira yun. Pero mukhang dahan-dahan na nyang kinakain ang sinasabi nyang yun ngayon. Dahil simula ng mapunta sya sa mundo ng mga tao may agad nasagi ang kanyang paningin. Isang maliit na babae. Puno ng luha ang mga mata, nakayuko ito pero mabilis din pinunasan ang mga luha at tumayo. Nakitaan nya ng lakas ang imahe nito. Matapang, mapaglaban at higit sa lahat malakas ang loob. Hindi ito nauubusan ng pag-asa. Malayo ang hotel na tinutuluyan nya pero kitang kita nya ito mula dito sa terrace sa maliit nitong bahay. Halos araw-araw nya itong nakikita mula roon, kahit hindi man nya gustuhin, pero parang may sariling mundo ang kanyang paa para magpunta lagi sa terrace. Sa ilang araw nya na pananatili duon ay napagpasyahan nyang gumawa ng mapagkaka-abalahan nya habang nandito. Walang iba kundi ang araw-araw na ginagawa ng mga tao ang magtrabaho. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay nakagawa sya ng matayog na building halos abot na yun sa kaharian nila, pero hindi naman talaga. 50th floor lang naman ang building na yun..mabilis syang naghire ng mga tao, dahil alam nyang marami din ang matyagang naghahanap ng hanap-buhay sa mundong 'to. Hindi nya kailangan ng investor's para lumago ang kanyang kompanya ang kailangan nya lang ay magaling at may dedikasyon na mga tao sa kanilang trabaho. Yun ang hinahanap nya sa mga ito, masisipag pero hindi rin naman nya inaayawan kapag may mga gustong mag invest sa kompanya nya. Hanggang sa may taong may isang magandang quality na naligaw sa kompanya nya. Inaasahan na nya ang pagdating nito, dahil alam nya ang mga pinagdaanan nito sa mga panahong nasa hotel pa sya namamalagi. He knows everything about her but it doesn't mean he likes her. Magkaiba yun. Aminin nyang napabilib sya sa fighting spirit nito pagdating sa pag-ibig dahil kahit ilang beses itong madapa. Umiyak, pero bumangon. Alam nyang magulo ang buhay ng mga tao pero wala na atang mas magulo sa pinagdadaanan nya. Winaglit nya muna sa isip yun. Nagpunta sya dito para takasan muna kahit saglit ang problemang yun, at itong kompanyang 'to ang isa sa magiging goal nya, para makatulong sa mga tao, para may magawa din naman syang tama habang nandito sya. Hindi nya alam kung bakit parang na excite yata sya sa araw na ito, o baka dahil sa wakas ay napansin din ng babae o naisipan na mag-apply sa kompanya nya. Pinahanda nya kay Heaven ang kanyang opisina. Sya any kanyang Receptionist. Kinuha nya ito dahil nagandahan sya sa pangalan nito kahit na natural ng may pagka-chismosa ang babae. Wala naman syang problema sa trabaho nito dahil nagagawa naman nito iyon ng maayos ang ayaw lang talaga nya ang bunganga nito. "Ah..boss, sino po ba ang dadating, bisita nyo po?" Umiling sya habang may pinipirmahan na papeles. "Kaibigan? Girlfriend?" Saka na nya ito tiningnan ng masama at binalik ng muli sa ginagawa ang atensyon. "Oo nga po..tatapusin ko na 'tong ginagawa ko at babalik na sa pwesto ko.." Pilit nitong ngiti habang tinatapos mag-arrange ng table sa loob..pinatanggal nya muna ang ibang gamit na hindi naman kailangan. Para na itong gymnasium ng matapos ito. Malapad. Malawak. Gusto nya na ang babae ang mag-desinyo ng opisina nila. Napangiti sya bigla sa naiisip. "Oy? Nahuli ko kayo boss na ngumiti...aminin..jowa nyo noh?" "Makaka-alis kana Heaven and please try not to open your mouth..baka makakasira yan sayo balang araw. Just do what i'm asking you to do. Entertain her when she comes and assist her directly in the office. Understand?" Seryoso kong wika habang napangiwi naman ito sa sinabi ko, mukhang hindi ata naintindihan. "Eh..boss? Paano ko sya ma e-entertain kung hindi ko ibubuka ang bibig ko. Hindi naman ako pepe--" "Understand Heaven?" Putol ko dito, dahil alam kung padating na sya nararamdaman ko. "Oo nga po boss.." "Good..makakababa kana..padating na si Ms. Treshia Marie." Pinal kong wika at pinagpatuloy na ang ginagawa ng umalis ito. Napangisi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD