EPISODE 8

1549 Words
Samson Archangel POV Ang buhay sa lupa ay hindi rin naging ganun kadali sa katulad nyang isang Prinsepeng anghel. Dahil sa katawang lupa nya ay nararanasan nya rin ang hirap na pinagdadaanan ng mga tao..katulad ng traffic sa edsa. Mainit as in mainit na panahon pag ganitong summer. Pollution sa Manila o ibang bahagi ng syudad. Basura na kung saan lang nakatambak at iba pa. Ang iba ay nasusulosyunan ng kapangyarihan nya katulad ng mga nakakalat na basura, pero ang iba ay hindi yata makakaya ng powers nya katulad ng pollution at init ng panahon, dahil narin sa kagagawan ng ibang tao kaya nila nararanasan ito. Sa pag stay nya ng ilang buwan sa mga mortal ay marami din syang natutunan o nadadala na. Hindi mo kasi maiwasan na hindi maawa sa mga namamalimos pero in the end ikaw pa na nakawan, naholdap at iba pang krimen. Kaya magiging wais ka talaga sa pang-araw araw mo na buhay dito. Sa loob ng isang linggo ay dalawang beses sya umaakyat sa langit para hindi sya mahalata ng kanyang mahal na hari at reyna na wala sa kaharian. Isang araw pagbalik nya sa kanyang condo ay wala syang naabutan kaya ninais nalang nyang magluto muna ng isa sa naging paborito na nyang pagkaing pinoy..walang iba kundi spaghetti dahil sa impluwensya ni jollibee na lagi nilang pinupuntahan ni Treshia. "Speaking of that lady. Nasaan kaya yun?" Ito kasi ang unang beses na umalis ito ng bahay o hindi nga maabutan sa loob ng kanyang condo. Matatapos na sya sa kanyang niluluto ng may narinig syang iyak. "Kaylan pa umiiyak ang pusa?" Natatawa nyang wika sa sarili. Humahagulhol kasi ito na parang meow ng pusa. Pinapagaan lang nya ang kanyang sarili dahil stress na nga sya sa kanilang kahiraan eh..ayaw nyang ma e-stress hanggang dito. Pero biglang lumukob sa kanyang damdamin ang sakit at pighati. Nararamdaman nya ang sakit sa bawat hagulhol nito. Ilang beses na nya itong nakikitang umiiyak pero iba ang sakit na hatid nun sa kanya ngayon. Parang dalawang palaso yun na tumarak sa puso ng babae. Dalawang tao na mahalaga sa puso nito ang nanakit sa kanya. Ito ang isa sa disadvantages ng pagiging anghel. Masyadong malakas ang aming pandinig, paningin at pakiramdam. Lumapit ako sa kwarto nito at kumatok ng tatlong beses. Patuloy parin ito sa pag-iyak kaya siguro hindi narinig ang kanyang katok. Maya-maya ay pumasok na sya na hindi manlang nito naramdaman. Nilukob ng lungkot ang sarili ko at wala sa sistemang hinaplos ang buhok nito. "Hindi deserve iyakan ang mga taong hindi naman deserving sa mga luha mo, Treshia.." Maya-maya ay wika ko, pero sa sarili ko lang pala yun nasabi dahil ibang salita ang nasabi ko dito. Nabigla ito sa presensya nya kaya napatayo kaagad. Kalaunan ay naging okay din ito dahil sa mga payo at mga walang kwenta nyang joke na nagpatawa dito kahit papaano. Pagkatapos ng ilang linggo isang problema na naman ang kanyang kakaharapin ng matatanggap sya ng mensahe galing sa kanyang kaibigan. "Kailangan mong bumalik dito sa lalong madaling panahon kaibigan. Isinasaayos na ng mga mahal na reyna at hari ang nalalapit nyong pagpupulong para sa kasal." Basa nya sa mensahe nito sa kanyang isip. Ang kaibigan nyang si Prinsepe San Gabriel yun. Kaya kinabukasan ay wala sya sa mood para magtrabaho. Kailangan nyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid na isa sa may alam na nandito sya sa lupa. "Yes, mahal kong kapatid anong maipaglilingkod ko at napatawag nyo ako dito?" Bungad sa kanya ng kapatid nyang si Prinsesa Angelic. "Alam mo naman siguro ang nalalapit na pagpupulong diba?" Tumango ito. Nandito sila sa rooftop ng kwarto nya. "Gusto kong humalili ka sa posisyon ko dito. Hindi pweding mawala ako ng matagal sa kompanya. Pwedi mong dalhin ang mga personal mong mga alalay, sabihin ko nalang sa ating mahal na Reyna at Hari na naglakbay kayo sa ibang kaharian. Please, help Treshia..sasabihin ko sayo ang mga gagawin mo, pero wag mo sanang hahayaan na mahirapan sya. You can stay here..may isa pang kwarto dito sa baba, beside my room." Naguguluhan man ay tumango ito. "Okay kuya, basta para sayo..pero sino ba 'tong si Treshia? remind ko lang kuya ikakasal kana at hindi ako papayag na hindi matuloy yun..dahil akin lang si Prinsepe San Gabriel.." Halos kinikilig pa ito ng mabanggit ang pangalan ng kaibigan. Napailing nalang sya. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto ito sa kanyang kaibigan. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit napasa sa kanya ang isang malaking responsibilidad na ito. ............................. Archangel Kingdom "Alam naman natin ng buong kaharian dito sa langit ang nagbabadayang panganib na hatid ng Kaharian ng kadiliman..Ang malaking pagpupulong na ito ay para mas higpitan pa natin ang lakas ng bawat kaharian sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa." Bungad ng kanyang amang Hari. "Ang San Gabriel Kingdom ang nangunguna sa ating hanay bilang pinakamalakas at mahusay na kaharian, sumunod ang Angel Kingdom bilang nangunguna sa kakaibang mahika at kagamitan sa pakikipaglaban. Sumunod ang aming kaharian na Archangel Kingdom na nangunguna sa mahuhusay na mandirigma at kakaibang lakas. Kapag pinagsama natin ang una at pangalawang kaharian ay mas magiging malakas pa ang ating pwersa, ang aming kaharian at iba pang kaharian na nandito ay handang tumulong sa abot ng aming makakaya, pero sa ngayon..katulad ng mga tradisyon na nagdaan kailangan mag-isang dibdib ng Prinsesa at Prinsepe ng mga nangungunang palasyo, walang iba kundi si Prinsipe San Gabriel at Prinsesa Angela..ngayon may tumututol ba?" "Ako!" Malakas na sigaw ng kanyang kapatid sa tabi nya pagkatapos ay tumayo. "Hindi ako papayag! Hindi ako papayag sa gusto nyong mangyari!" Halos mangiyak na ang kapatid nya sa pagsigaw. Halos alam na yata ng buong kaharian ang pag-ibig nito para sa kanyang matalik na kaibigan na si Prinsepe San Gabriel, pero ang kaibigan nya ay may sekreto ring tinatago na silang dalawa lang nakakaalam. "Prinsesa Angelic!" Sigaw ng kanilang mahal na amang Hari. "Hindi ama! Hindi ako papayag. Alam nyo! Lahat kayo dito ang pag-ibig ko para kay Prinsepe San Gabriel. Hindi nyo itong pweding gawin sa akin.." Umiiyak na nitong wika sabay patakbong umalis sa pagpupulong. Halos lahat ng nandun ay napatayo narin. "Pagpasensyahan nyo na ang inasta ng aking bunsong Prinsesa, mga mahal na Hari at Reyna at mga Prinsepe at Prinsesa." Hinging paumanhin ng kanyang Mahal na amang Hari. "Naintindihan namin Haring Anghel..bakit hindi nalang kay Prinsepe Archangel natin ipakasal ang pinaka-mamahal naming anak na si Prinsesa Angela..Alam naman natin kahit ng mga bata palang sila na magkasundo na ang dalawang yan at higit sa lahat, minsan ng inamin ng anak namin ang pagmamahal nya sa inyong mahal na Prinsepe.." Sya naman ang napangiwi sa sinabi ng Reyna ng Angel Kingdom. Napatingin sya sa kaibigan na nasa harapan nya lang. Ngumiti ito ng tipid sabay tango sa kanya. Alam nyang lubos ang kasiyahan nito kanina sa naunang anunsyo pero agad din naglaho dahil sa pagtutol ng kanyang kapatid. Sekretong minamahal ng kanyang kaibigan si Prinsesa Angela..kaya, nuon pa man naglagay na sya ng pundasyon sa kanilang dalawa ng Prinsesa. Oo malapit sila noon sa isa't isa silang tatlo, pero ng malaman nya ang sekreto ng kaibigan ay iniiwasan na nya ang babae kahit lapit ito ng lapit. Isa sa dahilan kaya hindi nya ito magugustuhan kaylan man. "Okay dahil sa walang tutol ay ihahanda na natin ang malaking selebrasyon sa ika-anim na buwan ng tao.." Hindi pa man sya nakakapagsalita ay tapos na pala ang pagpupulong. .......................... "Kuya! Hoy! Napatunganga kana dyan?" Gising sa kanya ng kapatid. Napailing nalang syang ulit. "Sabihin mo nga sa akin, bakit ba gustong-gusto mo si Prinsepe San Gabriel eh..hindi ka naman gusto at may gatas kapa sa labi.." "Ay grabe sya! Napatulala kalang eh..kung anu-ano na sinasabi mo..mahal ko sya, bakit ba ano bang problema dun? Wag mong sabihin umaatras kana sa kasal mo..naku! naku! hindi pwedi yan.." Inis na wika ng kapatid nya. "Bakit ba kasi nauso ang fix marriage na yan sa ninuno natin..eh, kung ikaw nalang kaya magpakasal kay Prinsepe San Gabriel..pwedi naman yun.." Napangiti ito na parang kinikilig. Napa-buntong hininga sya. Hay? Kinikilig na mag-imagine palang ang kapatid nya..paano pa kaya yung kasal na sinasabi ko..baka tumalon na ito sa edsa..kaloka "Kuya..kahit gusto ko man yang ideya mo dahil for sure hindi ko aayawan yan pero for sure din na aayawan ako ng groom ko..at kahit na hindi pa nya ako ayawan..hindi parin pwedi dahil bunso ako at nauna ka sa mundong ito..ang fix marriage sa ating pamilya ay para lamang sa mga panganay at hindi ako dun kabilang kaya sorry ka nalang.." "Alam ko..umayos kana nga..tanggalin mo na yang pakpak mo baka may makakita pa sayo..dahil mamaya rin magsisimula na ang kalbaryo ko sa buhay.." Pagod kong wika. "Alam ko kuya..kaya mo yan, kaw pa..pero kapag hindi muna kaya, tumakas ka nalang..joke! wag na wag mo yung gagawin..kundi ako mismo papatay sayo.." "Ang supportive talaga ng kapatid ko..thank you huh?" Inirapan ko muna ito bago pumasok sa silid ko. Ki-aga aga eh..parang pinagsakluban na ako ng langit at lupa..pero yun talaga ang totoo.. "Dios ko po! Kunin nyo na ako!" Sigaw ko na parang baliw.. "Kukunin kana talaga nya pag pinatay kita kuya. kaya, kilos na..marami kapang aasikasohin.." Biglang sulpot ng kapatid nya sa harapan nya. Napasabunot nalang sya sa buhok..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD