B E A
“I will make sure to boast about it to my brothers.”
“Mabuti na lang talaga at ‘yun ang pinanood natin, ano?”
“Yup. They are an avid fan kaya sure ako they will both rush to the nearest cinema para maka-catch up sa akin.”
Tapos na kaming manood ng cine ni Allen. It was a great choice indeed kahit na hindi ko gaanong naintindihan ang unang parte nito.
“Malapit nang mag-hapunan. Saan mo gustong kumain?” tanong sa akin ni Allen habang nagmamaneho. Nakita ko rin siya na sumilip sa oras sa dashboard ng sasakyan.
“Uhm…” should I say kahit saan? Pero hindi ba parang ang pabigat at arte naman ng ganung sagot? I thought I should answer him properly. That is why it took me a minute to respond when he said.
“Ayos lang kahit saan mo gusto. Tutal ako naman ang nagpasya ng destinasyon natin ngayon,” sabi niya sabay patong ng kamay niya sa ulo ko at saka bahagya itong sinuklay.
Allen is unexpectedly warm. Alam kong sinabi ko na kung gaano kalayo ang gap na mayroon siya panlabas na aura na ipinapakita niya, but things like this; a simple pat on my head, and considering my choices is what makes him a warm person.
Napahawak ako sa ulo ko kung saan ramdam ko pa rin ang init ng pag-haplos ni Allen sa buhok ko.
“I-I guess… I guess, I would suggest the restaurant near the bus station.”
“The restaurant near the station?” His voice wavered with uncertainty, “Uhm, anong tawag sa restaurant na ‘yun? Hindi ko pa kasi gaanong kabisado ang mga landmark dito.”
Ano nga ba ang pangalan ng restaurant na ‘yun? It was the restaurant that my family and I often went to whenever we had a chance to be together. Busy palagi sila Mama at Papa, at active naman masyado ang social life ni Ate kaya sa tuwing dumating ang rare occasion na bakante kaming lahat, Mama would bring us to that restaurant near the bus station.
Sinubukan kong alalahanin kung ano ang pangalan ng restaurant. Unfortunately, I can only remember the first letter which is not a very useful thing to consider. “I'm sorry but I can't really remember,” sambit ko, “it's been a while since I went to that restaurant. Uhm. Why don't we follow that road to the station, I will just give you directions?”
Ilang minuto lang ang lumipas ay narating namin ang tinutukoy kong restaurant.
“Hindi pa rin ito nagbabago,” I unconsciously said out loud.
“Suki ka ba rito dati?”
Luminga-linga ako sa paligid para maghanap ng puwesto. Sakto naman at bakante ang lamesa na madalas naming inuukupa noon.
“Yup, dati. This is my sister and I’s favorite place when we were younger.”
Sinuyod ni Allen ang paligid saka sinabi ang, “Hindi ko ‘to inasahan.”
Napatawa na lang ako sa narinig ko. “Well, it's not your 5-star hotel style of restaurant, it's not even a fine dining one. More or less isa siyang restaurant na pang masa.” I leaned forward a little then whispered, “Very not Bea, right? Sigurado ako na inasahan mo na may mga naka-uniform ng mga mamahalin na damit ang mga trabahador dito, o kaya may malaking gold na chandelier sa gitna ng silid itong restaurant na tinutukoy ko.”
Napakamot ng batok niya si Allen. “Siguro, higit pa d’yan ang inaasahan ko.”
Umiling-iling ako. “Nope. Despite growing up in a well-off family, simple lang naman akong bata,” pahayag ko. Sakto naman at may dumaan na servidor at tinaas ko ang kamay ko para umorder na.
Kagaya ng sinabi ko, the place does not have any fancy things to offer except for their delicious dishes. Imbes na mamahaling kristal na chandelier sa kisame ay isang bilog na hugis plato na puting bulb lang ang meron sila. Wala ring nakasuot ng necktie at long sleeve polo sa mga lalaki nila na servidor, kundi isang kulay maroon na polo shirt lang ang mayroon sila. Naka-display rin ang iilan sa mga putahe nila, at may buhay pa na mga hito sa pintuan ng restaurant. Higit sa lahat ay plastik na upuan at lamesa ang mayroon sila rito. Kulay puti ang upuan nila na pawang nababakbak na ang ilang bahagi dahil sa kalumaan, habang ang nakatabon na pulang tela lang ang nagtatago ng kalumaan sa lamesa nila.
“Anong gusto mo, Bea?” tanong sa akin ni Allen. I just got myself lost in the memory lane.
“Ah! I am in the mood for sinigang na tuna belly, po. At saka… spareribs with black beans sauce,” sabi ko sa servidor.
“Oo nga, masarap ang sabaw ngayon. Sige, sinigang na tuna belly na rin po ang akin tapos mixed vegetable with mushrooms. Tig-isang servings ng kanin din po,” kagyat muna akong tiningnan ni Allen, he must be checking if I also want a serving or rice. Tumako lang ako bilang sagot, “And ice tea for drinks. Uhm, pahingi na lang din po ng service water king mayroon kayo.”
“Okay po, sir. Uulitin ko po ang order niyo; dalawang sinigang na tuna belly, isang spareribs with black beans sauce, at isang mixed vegetable with mushrooms. Dalawang sergings ng rice, ice tea ang drinks, and a service water. May idadagdag pa po ba kayo?” pag-iisa-isa ng lalaki sa orders namin na sa totoo lang ay halos hindi ko mahabol sa bilis ng pagsasalita niya.
I guess a quick run through to the customer's orders is one of their requirements for fast service.
Tumango si Allen. “Wala na ‘yun na lahat.”
Pag-alis ng lalaki ay hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko na matawa sa alaala na sumagi sa isipan ko.
“Bakit?”
“Oh no. It's just… it's just, when I was a kid, akala ko isa sa requirements para makapasok dito ay ang pagiging isang rapper.”
Allen giggled as soon as he also got what I mean. “Oo nga, ang bilis niyang magsalita.”
“‘Di ba?” Natatawa ko pa ring wika.
Ilang sandali lang ay kumalma na kaming dalawa sa naisip kong walang kwentang bagay. But Allen seems to have a lot of things going on his mind when he starts asking about certain things.
“Anong klaseng tao ang mga magulang mo, Bea?” Natigilan ako ng konti sa tanong niya. “A-Ah, kung hindi mo gustong sagutin, pwede namang hindi. Ilang beses na kasi kitang hinatid at sinundo sa bahay pero hindi ko pa rin sila nakikita. Naisip ko lang na baka kailangan kong ipakilala ang sarili ko sa kanila ng maayos.”
I thin smiled slightly carved on my lips. Allen is too good for me.
Yumuko ako. I think it's fine to open this up to my boyfriend. “My parents aren't at home.”
“Hm? Pero nakita ko na sumilip sa bintana ‘yung mama mo kanina.”
“Oh, that was my aunt. My mother’s sister-in-law.”
“Uh-huh,” mutawi ni Allen, he was obviously taken aback by that.
“I don't know if you've heard about this but my parents are separated. At naiwan ako sa kapatid ni Mama, they are basically like my family now…” I paused, “na hindi naman dapat na ikalungkot kasi noong bata pa ako madalas din ako sa kanila. They are like my second parents kasi wala silang anak na babae kaya kaming dalawa ng ate ako ang anak-anakan nilang babae,” paliwanag ko.
Biglang bumalik ang servidor kanina na may bitbit na tray. May laman itong dalawang kanin at ang sinigang na order namin. Napahinto naman kami ni Allen sa pag-uusap habang pinapanood namin ang lalaki sa paglapag ng mga pagkain.
“Thanks,” maikli kong sabi.
“Bea,” panimula ulit ni Allen, “nasaan na ngayon ang mga magulang mo?” That surprised me. Most of the people will start acting awkward kapag binabanggit ko na ang tungkol sa pamilya ko. “Don't get me wrong,” bigkas ni Allen habang kinakaway ang mga kamay niya at umiling-iling, “naisip ko kasi na maliban sa Bea na kilala ko sa eskwelahan ay wala na akong alam tungkol sa’yo. Gusto ko pa sana na magkaroon ng maraming advantage sa mga taong nasa paligid mo.”
Oh. He is being competitive.
Ngumiti naman ako. “I know. It's just…” huminga ako ng malalim, “It's just… ayaw ko na isipin mo na nakakaawa ako kapag narinig mo na ang kwento ng pamilya ko.” Hindi ako sinagot ni Allen, nakatitig lang siya sa akin ng seryoso na nagpapakita na handa siyang makinig sa kwento ko.
I laughed. “Is it fine to have it while we are eating?”
“Ayos lang,” tugon niya sabay abot sa akin ng order kong spareribs.
“It's a long story,” At ayaw ko nang pahabain pa ito, “as you may know, may maayos kaming buhay. Uhm, actually it would be an understatement if I say maayos. We are a well-known family in our province, both my mother and father’s side. Well, it went from a main character story of a princess to an almost orphaned little girl.”
“Almost orphaned?”
I scoffed. “Almost kasi matapos na mangaliwa si Papa at iwan kaming tatlo ni Mama at Ate ko, Mama decided to find her new happiness too. Nasa ibang bansa na siya ngayon at may bago ng pamilya. Ganun din si Papa na kahit malapit lang at binibisita ako occasionally ay pakiramdam ko naman na napipilitan lang siya na pakisamahan ako.”
“‘Yung ate mo?”
Sumubo muna ako ng kanin at ninuya ito bago sumagot. “Si Ate?” huminto ako para lumunok, “She's somewhere around the globe, I guess? She's a very active person at madalas na nag-tatravel. Halos imposible siyang mahagilap. Wala rin naman kaming issue pagdating sa pera because our parents’ money is more than enough for us.”
“Kaya ba sinasabi mo na hindi ka isang prinsesa kagaya ng iniisip ng marami?”
“Yup. But I can't blame them, I was really in the middle of dreaming before kasi nga akalan ko perpekto ang pamilya na mayroon ako.”
Napabuntong-hininga ako. This topic makes me feel sad. “How about you, Allen?” sambit ko nagpahinto naman kay Allen sa pagdampot ng ulam niya, “How about you, can you tell me about your family? Mine is no longer a new story, sa palagay ko nga alam na ng halos lahat ng batchmates namin ang tungkol sa pamilya ko.”
Kinaya ko lang na ma-maintain ang high status image ko dahil sa maayos kong pakikitungo sa lahat at magandang records ng grades ko.
“Ang pamilya ko?” Tumingala muna ng bahagya sa kisame ang mga mata ni Allen saka siya nagpatuloy. “Wala naman masyadong iba sa amin maliban sa mga paniniwala na mayroon kami. Hindi ko rin naranasan ang naranasan mo–”
Natawa ako bigla sa narinig ko sanhi para mapahinto sa pagsasalita niya si Allen. “Baliw ka ba? Of course, you won't want to be in my situation.”
A broken family caused by unfaithfulness is not something to be proud of.
“Naku! Hindi ko sinasabi na gusto kong maghiwalay rin ang mga magulang ko. G-Gusto ko lang sabihin na ordinaryong kwento lang ang maibabahagi ko sa’yo.”
Oh goodness, Allen. Walang ordinaryong kwento para sa akin kung ikaw na ang usapan.
“It's fine. I will listen just like how you listened to my not so happy family history. At saka, hindi na rin naman iba sa atin ang kwento tungkol sa mga asawa na naghihiwalay,” sabi ko sa kanya.
Malapit na pala kaming matapos, ngayon ko lang napansin na ubos na pala ang kanin ni Allen habang konti na lang ang naiwan sa plato ko. Dahil si Allen naman ang magsasalita ay ako naman ang panay subo sa aming dalawa.
“Kagay ng sinabi ko noon, leader ng grupo namin si Papa. Bale, naging leader siya dahil sa mga nagawa niya sa probinsya namin. Ang pamilya ni Papa ang nagsimula ng malawak na taniman na inaasikaso ngayon ni Mama. Habang si Papa naman ay abala sa mga okasyon o kaya sa pagbibigay ng payo sa mga residente.”
Napaisip tuloy ako. “Anong pinagkaiba ng leader niyo sa ibang mga uhm… grupo?”
“Hindi ko alam,” natatawang sagot ni Allen, “hindi kasi ako ganoon kadalas sa mga pagtitipon namin. Bata pa ako noong umalis ako sa probinsya namin para mag-aral dito, at sa amin, hindi ka pa maaaring sumali sa mga ritwal o sa kung anong uri man ng pagtitipon hangga’t hindi ka pa tumutungtong sa legal na edad.”
“You mean, 18?” Tumango si Allen, “ooh, that's interesting, so why do you have such strong beliefs in the anitu? Ah–” huminto ako, I shouldn't have asked him that way na para bang kilala ko na siya.
Goodness, Bea!
“Ang mga magulang ko ang dahilan,” banggit ni Allen, oh, so he's still answering. “Hindi man kami nakakapunta sa mga ritwal ay marami naman kaming mga bagay na nagsisimbolo sa mga anitu. May mga dasal kaming binibigkas tuwing gabi. Mga paalala na nagpapakita ng respeto sa mga anitu namin.”
“May mga damit ba kayo? ‘Yung kagaya sa ibang mga grupo? Like those intricate malongs?”
“Oo. Pero hindi pa ako nakakasuot nun. Sa ritwal lang nila ‘yun ginagawa.”
“Woah, you guys are really devoted,” batid ko, “Ilang rituals ba ang meron kayo?”
“Marami, may iba’t ibang ritwal kami para sa halos iba’t ibang bagay. Pero may dalawang ritwal na ginagawa namin taon-taon. Ito ‘yung ritwal na puro mga matatanda at nasa legal na edad lang ang pwedeng sumali.”
Everyone should be ashamed of judging Allen. Kung mayroon mang mga tao na dapat pangaralan pagdating sa asal ay sila na ‘yun. You see, ignorance is bliss. Madalas ‘yun pang mga walang alam at hindi nakakaintindi ang madalas na nananapak ng ibang tao dahil lang sa akala nila ay nasa tama sila. Kesyo marami silang pareho ang pinaniniwalaan.
“Bea,” kabadong tawag ni Allen.
“What is it?”
“Kung papayagan ka, pwede kitang isama sa susunod na bakasyon ko sa probinsya namin. Nasa legal na edad na ako kaya kailangan kong bumalik doon para dumalo sa taunan na ritwal na tinutukoy ko.”
Omg. Does this meet the family phase Cheska was talking about before? Sabi niya kasi na if a guy or a girl likes their partner, they could let them meet their family as part of their relationship being legal in both parties.
“Uhm, I-I don't mind. I'm also of legal age and my Mommy and Daddy are basically fine with everything I do… I-I mean, sure– oh! Pwede ba akong sumali sa ritwal?” aligaga kong sagot. Na-excite ata ako masyado sa pag-aya sa akin ni Allen.
“Oo naman. Sa Abril pa naman ang ritwal. Saktong-sakto at magkakaroon na tayo ng break sa mga buwan na ‘yan.”
Oo nga pala. Ilang buwan na lang ay magkokolehiyo na kami.
“I’m looking forward to it, Allen. Let's just do our best sa mga nalalabing buwan natin sa senior high school.”