B E A
“Hindi pa tayo tapos,” pahayag sa akin ni Allen kanina nang lumabas na kami sa museum.
“H-Hindi pa?” I chuckled. “Looks like you enjoyed the planning and went to have two stops.”
Kaya naman pala alas dos pa lang ay tapos na kami sa museum. Akala ko talaga ay tapos na ang araw namin na magkasama. Pero mukhang hindi nagbibiro si Allen nung sinabi niya kanina na pinaghandaan niya ng husto ang araw na ito.
When Allen stopped to a mall, I thought nung una at mag-sho-shopping kami. Pero nung dinaanan lang namin ang department store ng mall at tumungo sa pinakahuling floor I immediately knew where we were going – sa cinema.
Of course, every couple should experience a cinema date. Pero hindi ko inexpect na gagawin pa namin ito after the museum date kanina.
“Is this the back up plan?” tanong ko sa kanya where he responded by laughing awkwardly.
“Last minute ko na kasi na-contact ‘yung kaibigan ko kaya kung sakali na hindi ‘yun matuloy, naisipan ko na baka dito na lang muna tayo.” He glanced at me saying, “Halata ba ako masyado?”
I giggled as I covered my mouth. “Nope. I was just actually messing up with you.” Hindi ko alam na tama pala ako ng hula. “Sorry,” I said, holding my laughter.
Sasabog na sana ako sa tawag ng bigla na lang pisilin ni Allen ang ilong ko. “H-H-Hey!” I exclaimed in surprise. Muntik pang umulan ng laway ko.
Just when I was about to get angry, Allen also laughed as he said. “Pasensya na, ang cut kasi ng ilong mo kapag tumatawa ka.”
Ah. That caught me off guard. Hindi na ako nakapagsalita pa. Seeing Allen’s smile this close is still a rare sight, at saka minsan ko lang din siya marinig na tumatawa. He patted my head then brushed it from the top up to the tip of my ponytail, as if he is tracing it, bago niya kunin ulit ang kamay ko at hinila ako malapit sa pila ng mga showing na pelikula.
“Tara na, pumili na tayo ng papanoorin,” aya niya.
That's unfair. Patting my head is unfair. Ramdam ko ang panginginit ng mukha ko at ng tuktok ng ulo ko. Even his hands on mine feels warm.
Sa totoo lang, hindi talaga ako fan ng cine. I prefer watching the movies online or bumili ng DVD nito kaysa panoorin sa cine ng isang beses lang. But things like this with my boyfriend, I think it's an exemption.
“Hmm… bago ako nagdesisyon na pumunta dito, tiningnan ko muna kung ano ang showing ngayon,” wika ni Allen na halatang-halata na nag-iisip. His lips are pouting dahil sa sobrang pag-focus niya. “Hmm… ‘yan kaya?” tanong niya sa akin sabay turo sa pink and blue na poster na nasa dulo sa isa sa limang pila.
Sinundan ko naman ang daliri ni Allen. Ah. It's a romantic-comedy movie. Napanood ko ang trailer nito. It's good with its distinct artist and perhaps funny and romantic storyline pero… hindi ako fan ng mga ganitong movies.
Hindi na muna ako sumagot. Sinuyod ko muna ng tingin ang lima pang pila.
Ayun! May action and science fiction movie pala na showing ngayon. Kaso parang hindi ata nababagay ang ganitong tema para sa isang date.
“A–Uhm… I think it's just fine,” tugon ko kay Allen. I can just watch the science fiction movie online pagkatapos ng showing nito.
Hihilahin ko na sana si Allen sa pila ng romantic-comedy nang mapansin ko na hindi siya gumagalaw. “Allen?” I glanced at him.
“Dito na lang tayo,” sabi niya sabay hila sa akin sa pila ng science fiction movie.
“W-W-Wait. Akala ko ba gusto mo ‘yung isa?”
“Naisip ko lang… medyo boring ang romantic-comedy,” he replied. He obviously just thought about that excuse.
Hindi na ako nagreklamo pa. Ano pa ba ang irereklamo ko kung gusto ko naman ang science fiction over that romantic-comedy?
“S-Sige,” I answered him with a little bashfulness. I mean nakakahiya pa rin na nabasa niya ako.
Goodness! Am I too obvious?
Habang nasa pila ay hinila ko ng bahagya ang sleeves ni Allen.
“Ano ‘yun?” tanong niya na nakangiti.
“Uhm… halata ba talaga sa mukha ko?” nagdadalawang-isip kong sambit sa kanya.
“Huh? Halata ang alin?”
Yumuko ako. Hindi ko maiwasan na sumimangot sa pag-aalala. “I mean, I'm way too far from everyone’s expectations, right? Hindi ako ‘yung darling of the crowd na kilala ng lahat. Hindi ako ‘yung princess-like na sinasabi nila, I'm sure everyone will scorn me if they discover how I actually dress and that my preference is not of a girly Bea.” I don't know if I have delivered my thoughts properly pero sana naman na-gets ito ni Allen.
I might sound too dramatic but since Allen started liking me because he was redirected by the attention I received from everyone, hindi na ako magugulat if one day he’ll be turned off and become disillusioned to the Bea that everyone sees.
Nakayuko pa rin ako, kaya naman nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Allen ay nag-alinlangan akong tumingala. I mean, what if he's looking at me with hateful eyes? Or he must have found my thoughts funny and irrelevant?
“Bea,” simula ni Allen, pero hindi ko siya sinagot at hinayaan na lang na magpatuloy. “Gusto ko ang suot mo ngayon. Uh…”
What? Luminga-linga ako sa paligid at baka may nakarinig sa sinabi ni Allen. But of course, it was just me being anxious and shy with the compliment he is giving me.
“S-Sinabi mo na ‘yan kanina.”
“Oo. Akala ko nakalimutan mo na”
“Anong ibig mong sabihin? Kanina mo lang naman ‘yan si–”
“Ikaw ang pumili niyan, hindi ba? Pati ‘yang pelikula, gusto mo rin ‘yan, ‘di ba?” Timingin na ako sa kanya at tumango. “Alam mo ba na ang saya ko? Hindi lang dahil lumabas tayo ngayon pero dahil na rin sa nakita kita sa tunay na ikaw. It's an advantage, Bea. Pakiramdam ko espesyal ako kasi ako lang ang may alam ng bersyon mong ‘yan.”
My heart skipped a beat. I would be lying kung sasabihin ko na hindi ko inaasahan ang sagot na ito kay Allen. Kung sa totoo lang ay ito naman talaga ang pinakahihintay kong kataga niya sa akin.
“Bea?”
“Ah, y-yeah,” tugon ko na medyo naiilang pa rin. Siguro namumula ngayon ang mukha ko sa hiya.
“Tayo na ang sunod,” sambit niya saka kinuha ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.
Kami na nga talaga ang sunod sa pila. Kukuha lang naman kami ng ticket pero bakit parang daig ko pa ang magkakaroon ng performance sa isang malaking studio sa sobrang kaba ko ngayon.
“Here’s your ticket, Sir. Enjoy!” bati sa amin ng babae sa ticketing booth.
Napakapit na lang ako kay Allen nang nagsimula na siyang humakbang paalis sa linya. Goodness. Kung saan-saan na lang lumilipad ang isip kong ‘to.
But more than anything, I'm glad that Allen appreciates me. The strong, dark, and not too girly side of me, ‘yung bersyon ng ako na malayo sa palakaibigan, bright, and girlfriend material na ako.
~ ~ ~ ~ ~
Just what I thought. No one can ever be wrong in choosing a science fiction movie. Nasa loob na kami ng cinema, at halos lahat ng nandito ay puro magbabarkada. This is something that I have been expecting since kilala sa fandom nila ang franchise ng movie na ito.
“Gusto mo talaga ang mga ganitong palabas, ano?” biglang mutawi ni Allen sa madilim na paligid.
Lumingon ako sa gawi niya at doon ko siya nahuling nakatitig ng mariin sa akin. “O-Oo. It was my brothers’, I mean ‘yung mga pinsan kong lalaki. Gusto nila ang movie series na ito kaya naimpluwensyahan lang ako,” kwento ko sa kanya.
Ngumiti si Allen sa akin tapos ay hinawakan ako sa tuktok ng ulo ko.
“Hm? Para saan ‘yun?”
“Ah… haha,” he awkwardly laugh, “pasensya na, lumiliwanag ka kasi kapag nakangiti. Hindi ko mapigilan na himasin ang ulo mo sa cute mo.”
Oh no. That caught me off guard. Baka hindi na ako maka-focus sa pinapanood ko nito!
An hour later, nasa kalagitnaan na ang movie pero wala pa rin akong naiintindihan sa mga pangyayari. I still can't understand the theory they are talking about because I can feel my loud heartbeat this past hour.
Hays. I guess I still have to watch this online kapag available na siya.
I am desperate for affection. Gusto kong makahinga ng maluwag. I am too stiff and nervous to focus… baka kulang ng skinship. Lalo na at medyo malayo ang distansya namin sa isa’t isa. Nasa dulo kami ng cinema. Sa parte kung saan maganda ang view at for VIP. Instead of chairs we have the whole three person sofa for us. Kaya naman may malaking space pa rin sa pagitan namin.
Kaya naman, as my desperate call for closure ay sumandal ako sa braso ni Allen. Let him think what he wanted to think. Pero ayos na rin ito. It's like hitting two birds in one stone dahil maliban sa nasasanay ako sa lapit naming dalawa (kaya nababawasan ng konti ang kaba ko), ay nakakatulong din ito sa pagbawas ng lamig. Ngayon ko lang napansin pero nasa tapat pala kami ng aircon naka-puwesto.
“Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Allen sa medyo tuyong boses. Siguro dahil sa lamig na rin.
“Uh-huh,” mutawi ko. He then moved closer to me and brushed my hair as he tightly held my hand.
The scene on the big screen went from a normal angle for two people conversing to a breath-taking action scene where spaceships and aircrafts are floating in the Earth’s atmosphere. Intergalactic superheroes are fighting with the universe invaders. Several and countless soldiers. May parte pa nga na may nasaksak na alien soldier at kulay green ang lumuwa na dugo.
Would I be weird if I find this amazing?
Amazing. Who could have thought that a movie scene with noisy weapon firing and screams of intense action could become this romantic for the both of us?