B E A
“May gagawin ka bas a holiday break? Pwede ba kitang imbitahan na mamasyal?”
Ito ang nilalaman ng text ni Allen sa akin noong Friday. Kababalik ko lang galing sa mahabang forum ng organization namin. Hindi kami sabay na umuwi ni Allen, nauna na rin siya dahil may gagawin pa raw. We just texted each other until I went home then received this invitation.
At ngayon, Lunes na. Ito na ang itinakdang araw. Ang first date namin ni Allen.
Dahil local holiday ngayon at buong araw ay napagpasyahan namin na gawin na lang ang ‘pamamasyal’ namin ngayong araw. Marami rin kaming mapupuntahan na magagandang pasyalan dahil uso ngayon ang mga display event at mga showcase ng tribal arts and designs. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin namin, at kung saan kami pupunta. Pero okay lang naman sa akin kung saan, basta huwag lang akong mapahiya sa harap ni Allen.
“Bea, how about this, anak?” tanong ni Mommy sa akin sabay pakita ng nakuha niyang leather long jacket sa kabinet niya. “Sa tingin ko bagay ‘to sa damit mo.”
This is my first date ever, and Allen is my first boyfriend. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin sa mga ganitong bagay kaya humingi na ako ng tulong kay Mommy.
“You think it won't be too fancy, Mom? Baka kasi isipin ni Allen na napaka-sosyal ko naman ata,” batid ko kay Mommy.
“Gusto ko ba ang suot mo?” Tumango ako na nakasimangot. Gusto ko naman kasi talaga itong suot ko.
“Uh, this is how I dress casually kaya gusto ko ‘to.”
“Oh? Ano pang pinag-alala mo? It suits you because it describes you, anak. Allen likes Bea, so he should also like what you wear,” litanya ni Mommy sabay abot sa akin ng long jacket.
May point naman si Mommy. I took the jacket then looked at myself in the mirror. “At isa pa, hindi naman pwede na maglakad ka na suot ‘yang tank top na ‘yan. You’re pretty wearing that, my dear. But I know you're not comfortable when you wear tank tops in public,” pahabol ni Mommy bago niya ako iwan sa kwarto.
Well, tama ulit si Mommy. Suot ko kasi ang isang V tank top. The collar is stretched up to at least a palm-length from my neck kaya kitang-kita ang gilid ng dibdib ko. I have a natural and ample size bosoms kaya naka-angat din ang damit. And the strap is too thin. Ito ‘yung tipo ng damit na bagay talaga na pang-inner. Kulay puti rin ito kaya bagay na bagay sa itim na leather jacket ni Mommy.
Sinuot ko na ang jacket at inayos ang buhok ko. I flapped it a little to see how it goes with my arms. At ang ganda nitong tingnan sa akin. It reminds me of New York street style outfits. I know malayo ang panahon ng New York at ng Pilipinas, pero tag-ulan na rin kasi kaya medyo malamig na sa labas.
Sinigurado ko rin naman na babagay ang suot ko sa baba sa tank top ko para in case na mainitan ako masyado. I can just take off the jacket and still rock the style. Suot ko ang highwaisted na black slacks at isang platform boots. I do look like someone from states. I can even tell it myself, but what else can I do if it's the only thing I have in my closet?
Wala akong nung mga cutie pink dress at darling shorts. I only have these clothes that show off a strong impression. No wonder people always say I am someone who is reliable. Hindi nila alam na ang mga damit ko lang ang nagdadala ng 'reliability’ ko.
Inayos ko na rin ang buhok ko. Tinali ko lang ito ng ponytail at saka naglagay ng konting make-up sa mukha ko. A light red lipstick, a light pink blush and powder on my face is enough for this sophisticated outfit of mine.
“Bea!” tawag sa akin ni Mommy. Kaagad naman akong huminto sa pag-aayos sa harap ng salamin at sumilip sa bintana.
Looks like he is here.
“Mom? I got to go na po,” paalam ko kay Mommy. Sumilip muna ako sa kusina para tingnan siya.
She was washing the dishes when she motioned her fingers to smile. “Good luck!” she uttered as I nervously breath in and out.
Nasa labas lang naman ng gate namin ang sasakyan ni Allen pero pakiramdam ko ay napakalayo nito mula sa kinatatayuan ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad palabas nang narinig ko ang pagkalabog ng pinto ng kanyang sasakyan. Lumabas na rin pala ng kotse niya si Allen. He is wearing a black polo with white and a touch of pink floral designs. It has long sleeves that are rolled up upto his elbow, and a black slacks that look properly ironed. His hair is done with gel, slicked backwards and a little bit curly. He basically turned from the boy next door to daddy.
Oh gosh. Siguro mababaliw ang mga babae sa school namin kapag nakita nila si Allen ngayon. He is so underrated. People are quick to judge by their physical appearance. Allen might look sloppy at school, lagi siyang nakayuko noon. Tahimik at madistansya sa ibang tao, sa unang tingin masasabi na wala siyang kumpyansa sa sarili. But that was just all on the surface. Sa ilang linggo kong relasyon kay Allen nasabi ko na he is not a coward, at may kumpyansa siya sa sarili. He just prefers to lower his tone and hide from shadows. Misteryoso nga, ‘di ba? Gwapo rin siya, kaya naman kung ipapakita man niya sa lahat ang charm na mayroon siya ay tiyak akong mapapansin siya kaagad ng lahat.
“Woah. Nakakagulat pa rin ang ganda mo,” papuri sa akin ni Allen paglabas ko ng gate.
“Y-You also look good.” Too good.
Nagkamot ng batok niya si Allen habang naiilang na ngumiti. “Ito lang kasi ang meron ako sa kabinet ko.”
Oooh. He must have a great taste of style kung mga ganitong uri ng damit ang mayroon siya sa closet niya.
“Uhm, tara na?” aya ni Allen. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
As soon as I ride his car, I heard a silent ping on my phone. Pagbukas ko ng cellphone ko ay nabasa ko kaagad ang text ni Mommy sa akin mula sa notification bar ng start screen.“Are you sure na ‘yan ‘yung boyfriend mo? He looks so different today.”
I quietly giggled. I also thought so… he looks different today, and it shows how much effort he’s done for this date.
“Ah, teka,” bulalas ni Allen na bigla na lang lumapit sa akin. He leaned forward to me and it made my heart skipped a beat.
“A-Allen?” mutawi ko nung ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Allen might be Mr. Quirky, but I must admit that his kisses are so good enough to melt a woman’s heart. “Nasa harap pa tayo ng b—” natigilan ako nang marinig ko ang tahimik na click sa gilid ko. Kaagad akong lumingon at nakita siya na ikinapit ang lock ng seatbelt ko.
“Hm? Baka kasi makalimutan mo,” nakangiti niyang paalala.
“Ah… y-y-yeah… thank you.” Napatago ako ng mukha. Grabe nakakahiya. Totoo pala iyong mga kaartehan ng mga babae sa TV. I mean, if it's the man you like, you will really assume that he might do something to you.
“Ayos ka lang?”
“H-Ha? Yes. I'm fine. Let's go?”
Nagsimula nang umandar ang sasakyan ni Allen. Hindi pa man kami masyadong lumalayo sa bahay namin ay nakaramdam ba ako ng matinding kaba at awkwardness. This must be it, the awkwardness between lovers. Hindi kasi kami nagsimula bilang magkaibigan ni Allen. Masasabi ko na more on acquaintances pa rin kami noon. We might be eating lunch together before or did some school related activities pero lahat ng ‘yun ay indirectly done by us. Wala talagang nangyaring straightforwardness sa pagitan naming dalawa not until the day we confessed to each other.
We might be dating for almost a month pero hindi naman talaga kami nagkaroon ng 'quality time’ together. Palagi lang naman kasi kaming nasa school at ngayon lang nakalabas.
Goodness! Hindi pa nga kami nagsisimula ay ang dami ng mga bagay ang dumaan sa isipan ko.
“Saan tayo ngayon?” tanong ko kay Allen para maibsan ang awkward air.
Ilang segundo muna ang dumaan bago siya sumagot at sinabi na, “Naghanda ako ng husto para sa araw na ‘to.”
“Hm?”
“Bago kita inimbita sinigurado ko na handa rin ako na ilabas ka. Kaya…” lumingon sa akin saglit si Allen habang nagmamaneho, “sana magustuhan mo ang mga lugar na pupuntahan natin ngayon.”
It was just a split second pero umaapaw na sinseridad na ang nasilayan ko sa mga nata ni Allen. So this is how dating is like? Especially, dating the guy you like. Na-touch ko. I'm glad I choose Allen over the guy seating beside me, or the guy who always asks for my number.
I'm glad I made a mistake when I was drunk and I'm glad that Allen spoke up and confessed to me. I'm glad for Cheska for locking up the storage room. I'm glad that Allen likes me back.
~ ~ ~ ~ ~
POBLACION ART SHOW.
“The showcase of the beauty of art and culture of the Philippines,” basa ko sa slogan na nakasulat sa malaki at mahabang tarpaulin sa entrance. “Isn't it…” I glanced at him, “Isn't it difficult to book here?” I was full of surprise.
“Oo, pero may kilala pala akong artist sa loob. Taga-sa’min lang din kaya nakisuyo na rin ako.”
“Woah! You have an artist friend?” That's cool.
Poblacion Art Show o mas kilala sa tawag na Poblacion ay ang kasalukuyang trend ngayon sa social media. A lot are going insane to visit the museum para magpa-picture. But for the art enthusiast and frustrated artist like me, this place is the best no matter the season. Mas nagulat pa ako dahil nakapa-book dito si Allen sa kasagsagan ng holiday. Today is the founding anniversary of our city kaya mas maraming arts na nagpapakita ng kultura at halimuyak ng syudad namin ang matatagpuan sa loob ng museum. At kung mas maraming display na art ay tiyak na mas marami rin ang pupunta rito ngayon.
Allen held my hand. “Masaya ako na nagustuhan mo.” Oh no, Allen. Mas masaya ako dahil naisipan mo ‘to.
“Thank you,” I simply replied with a wide smile.
May tatlong palapag ang museum at lahat ay nagpapakita ng iba’t ibang mukha ng Philippine art. May digital, traditional, fashion, sculpture, at iba pa. Gusto ko sana na makilala ang artist na kaibigan ni Allen but unfortunately wala siya rito ngayon. May event kasi sa city hall ang grupo ng mga artist na nagtayo ng Poblacion.
“Paano mo nalaman ba gusto ko ng mga ganito?” I asked Allen out of the blue. Tapos na kaming mag-ikot-ikot. Nakunan ko na rin ng litrato ang halos lahat ng mga masterpiece. Pagod na kaming dalawa at nagpapahinga na lang sa maliit na food court sa ground floor ng museum.
“Ah,” natigilan si Allen at ibinaba ng bahagya ang hawak niyang burger. “Uhm, baka magtunog weird ako para sa’yo pero matagal na kasi kitang pinapanood,” natatawa niyang pahayag. “Mahirap din naman kasing alisin sa paningin ang babaeng katulad mo, Bea. Lahat sila nasa iyo ang atensyon, kaya nadala rin ako sa daloy.”
“O-Oh. So, I attract too much attention.” Mukhang dapat ko rin pasalamatan ang charisma na mayroon ako.
“Oo, you attract too much attention. Ibang-iba ka sa akin but you still noticed me. Ang daming lalaki sa paligid mo pero ako ang kasama mo ngayon,” litanya ni Allen. He said it in a very casual manner pero para itong musika sa tenga ko. Lalo na at napakalambot ng mga tingin niya sa akin. Matagal ko na itong napapansin pero ang ganda pala talaga ng mga mata ng lalaking nasa harap ko.
Oh gosh. Why is my boyfriend so adorable and honest?
Gusto ko tuloy ipagsigawan sa mga tao sa school namin na mali sila ng inaakala tungkol kay Allen. He might be a probinsyano pero he has guts. He is not entirely unstylish, he just chose to stay lowkey. And he is not weird or quirky, people are just too judgmental and close minded to understand his culture and beliefs.
Mahaba pa ang araw, at nasasabik na ako sa mga gagawin namin at sa mga bagay na matutuklasan ko tungkol kay Allen. Sana naman kayanin pa ito ng puso ko.