ANITU TWENTY

2233 Words
B E A Akala ko talaga nakalimutan na ni Cheska at Jack ang tungkol sa amin dalawa ni Allen. It's been two weeks since the intended storage room incident, ang pag-amin namin ni Allen sa isa’t isa, at ang panenermon ko -s***h- pasasalamat ko kay Cheska. Kalmado lang naman ako nung pinaalam ko kay Allen ang tungkol sa na-lock na pinto ng storage room. Ano pa ba kasi ang ipa-panic ko kung may dala naman kaming cellphone. Well, at least Allen had his. Nasa bag pala ni Cheska ang cellphone ko. Obviously, wala siyang number ni Cheska, pero mabuti na lang at may number siya ni Jack. Kaso nga lang, hindi sumasagot ang kumag. Dahil halos mag-iisang oras na noong nagsimula ang lunch, hula ko ay nagsimula na rin ang klase namin at nasa room na silang dalawa ni Cheska. I thought that they might have been listening to our professor that they forgot about us. Pero imposible naman ‘yun lalo na at katabi ko lang si Cheska at nasa likod ko lang din nakaupo si Jack. Not to mention that everyone might wonder kung bakit wala ako pero nasa classroom pa rin namin ang bag at iba ko pang gamit. There’s no escape about it. We spent more than an hour inside the dark, dusty, and humid storage room. May ilaw naman sa loob pero mas mainit kasi kapag nakabukas ang mga ito. Allen only kept trying to contact Jack or one of his classmates… uhm, or should I say, Kurt. Si Kurt lang naman kasi ang may contact number siya sa mga kaklase niya. Wala namang nangyari na kakaiba sa amin. This is not a romantic movie where the girl and boy make out in a place like this. Dahil unang-una, napakainit sa storage room, at pangalawa, madumi rin at maalikabok ang paligid. We might have kissed and might have done a little bit clingy gestures towards each others pero nasa matinong pag-iisip pa rin naman kami. And making out just when we finally know our feelings for each other is just too dry. I mean, hindi naman kami ganoon katigang. Just when the bell for the next afternoon subject rang, the storage room’s door cracked open. Luma na kasi ito at medyo kinakalawang na ang gilid kaya madalas na naglilikha ito ng malakas na kalabog sa tuwing binubuksan. “H-Hi?” kabadong bati sa amin ni Cheska. “I'm pretty sure you already know that I know you did this, right?” tanong ko kay Cheska pagbalik namin ng classroom. “At alam ko rin na kakuntsaba mo si Jack,” dugtong ko. “Wh-What? Wala akong alam diyan!” he tried to deny. “Too late. Rinig na rinig ko kayo sa labas kanina. Unfortunately, hindi po soundproof ang storage room natin,” pahayag ko sa kanila. After that short argument ay nag-usap na rin kaming tatlo. Bumalik na rin kasi ng classroom niya si Allen. Nalaman ko na wala kaming teacher sa first subject namin sa hapon dahil may meeting ito. At nakumpirma ko rin ang rason ni Cheska kung bakit niya kami ni-lock ni Allen sa loob. “It was too annoying to see you sneaking glances at him. Jonathan does the same to you too kaya para lang kayong mga baliw kasi hindi niyo masabi ang gusto niyo,” paliwanag sa akin ni Cheska. “You need a push. So, I did the push.” She really sounds mature that time. Nagpasalamat naman ako sa ginawa niya. And she also apologized for doing something out of the blue, lalo na sa parte na nagtagal pa kami ng ilang oras sa loob ng storage room. “Of course, dapat nga binalikan niyo kami kaysa hinayaan niyo kami doon sa loob ng ganun katagala. Ang init kaya,” angal ko sa kanilang dalawa. Two weeks ago ko lang din nalaman na in a relationship na si Cheska. Her boyfriend is from Australia, a childhood sweetheart. No wonder she sounds to direct pagdating sa mga ganitong bagay. At sa kasalukuyan ay marami na ngang nagbago. Well, at least for me and Allen who are now in a relationship. Pero sa school in general? Ganun pa rin naman. Focus muna kami sa studies namin dahil ilang buwan na lang ay magtatapos na kami ng senior high school. We are going to be college students soon. Sa kabilang banda hindi naman naging madali para sa amin ni Allen ang pagiging public sa relasyon namin. Palagi kaming tinitingnan ng lahat. Kung saan man kami magpunta ay palaging may mga mata na nakasipat sa aming dalawa. Kagaya na lang ngayon, lunch time na and Allen had to come and invite me for lunch when some of my classmates refused to call me for him. May cellphone number na kami ng isa’t isa kaya madalas ay tine-text na lang muna niya ako bago pumunta ng classroom o kaya ay naghihintay siya sa may hagdan para sa akin. “Gusto mo ba na sumabay kina Jack at Cheska?” tanong ni Allen sa akin bago pa man kami nakalayo sa classroom ko. “I-I don't mind,” tugon ko saka luminga-linga para hanapin sina Jack at Cheska. Kinawayan ko si Jack na saktong sa amin nakatingin. I beckoned him to come to us and have Cheska with him. Buti na lang at na-gets niya kaagad. “Augh! Ang daming nakatingin,” angal ni Jack, “ganito ba palagi ang tinitiis niyong dalawa papuntang cafeteria?”  “Uhm, can you tell they are staring at us?” “Oo, no. Who else could it be?” “Since you got in relationship with Jonathan rumours began to spread that what you have right now is just fake. Gusto mo lang daw tumigil ‘yung mga lalaking interesado sa’yo, and you choose Jonathan because he is the quiet type,” kwento naman sa amin ni Cheska. Natahimik kaming apat na nasa lamesa. “How do you feel about it, Bea?” wika ni Jack bilang panimula ng tila masinsinan na usapan na ito. “Uh…” tumingin muna ako kay Allen, saka magsasalita na sana nang sumingit siya. “Ayos lang sa akin kung isipin nila na ginagamit lang ako ni Bea. Hindi ko naman sila kailangan para lang malaman ni Bea na gusto ko siya.” Inilapag ni Allen ang hawak niyang kutsara saka ipinatong sa kamay ko na nasa lamesa. “Si Bea ang girlfriend ko, hindi sila. Kung ano ang nasa pagitan naming dalawa, sa amin na ‘yun. Hindi na namin kailangan na kumbinsihin sila.” Dumaan ang ilang segundo. Natameme kaming tatlo sa pahayag ni Allen. Maingay pa rin naman sa loob ng cafeteria, but his voice just resonates in my ears like incantation magic. “Woah! Jonathan, ah! So manly!” malanding sigaw ni Jack habang yakap-yakap ang sarili. “Very well said, Jonathan,” papuri naman ni Cheska kay Allen. Tama nga naman siy. Hindi na namin kailangan na magpaliwanag sa mga taong nasa paligid namin. This is not about them, this is about us. Kagaya ng napag-usapan namin ni Allen ay sabay rin kaming umuwi after class. In the first week of our relationship, he  had his car waiting for us and hired a driver too. Parehong driver pa rin naman ito noong gabi na nalasing ako. But when people started to gossip about Allen riding along my family's car, that's when I convinced him to stop hiring a driver and let him drive his own car instead.  Ayaw ko lang kasi na may naririnig na masamang mga salita tungkol kay Allen. “Is he using Bea for a free ride home?” “OMG. Siya itong lalaki pero bakit parang si Bea ang nangunguna sa relasyon nila.” “Dude, Mr. Quirky is a bluff. Sigurado ako na ginagamit lang siya ni Bea para ilayo tayo sa kanya. They will end their relationship sooner or later.” Gusto kong ipagsigawan na mali sila. What we have is not unrequited or a pretense. This is real. Hindi si Allen ang may free ride. Ako ang may free ride. Hindi ako ang dominant sa relationship namin, it's actually Allen. And he just proved that earlier in the cafeteria. He just showed me his courage to face all the controversies. At sisiguraduhin ko na magtatagal kami ni Allen. He is not a bluff, he is the man I choose. We chose each other. ~ ~ ~ ~ ~ “Bea! Andito na sundo mo!” sigaw ni Mommy sa akin mula sa sala. Nagmamadali naman ako na sumilip sa bintana… at ‘yun! Kitang-kita ko ang sasakyan ni Allen sa labas ng gate namin mula rito. I jolted when I heard the sudden click of my room’s door. “He's very devoted,” panunukso ni Mommy na naka-krus ang braso sa may pintuan. “Mommy, naman,” bulalas ko bago siya lagpasan at lumabas ng kwarto. When I went down the stairs I saw Daddy sitting on the sofa. Halatang-halata na nagtatago siya sa likod ng hawak-hawak niyang newspaper. “Dad, I'm going off,” paalam ko sa kanya, “bye!”  “U-Umuwi ng maaga!” rinig kong hirit niya sa akin bago ako lumabas ng gate. Ito na ang pangatlong araw na sinundo ako ni Allen sa bahay namin. Pinayagan ko na siya kasi wala naman dito ang dalawa kong pinsan na mga lalaki. I mean, those guys are not just my cousins. They are basically my older brothers kaya medyo protective din sila sa akin. “Good morning,” bati ko kay Allen pagtungtong ko pa lang sa sasakyan niya. Napalayo naman ako ng bahagya nang bigla niyang dinukot ang kamay ko at inangat ito. “Good morning,” tugon niya sabay halik sa likod ng kamay ko. Ngh. I still can't get used to this. Simula noong napapadalas na ang usapan namin tungkol sa mga tsismis tungkol sa relasyon naming dalawa, Allen did his best to make sure that I won't become a worrywart again. “Isang araw umamin tayo sa isa’t isa, tapos naging tayo na. Ang bilis ng mga pangyayari,” biglaang banggit ni Allen habang nagmamaneho.  Napalingon ako sa kanya. “Hm?” “Hindi man lang kita niligawan,” Allen chuckled, “Hindi man lang tayo dumaan sa maayos na proseso. Kaya gusto ko sana na simulan ang panliligaw ko sa’yo ngayon.” Goodness. Sinong may akala na isa palang romantiko itong si Mr. Quirky? Hindi maalis-alis sa labi ko ang ngiti, hanggang sa dumating na lang kami ng school. Pakiramdam ko ay nasa isang teen fiction drama ako, and I have this mysterious guy as my boyfriend. “Woah. Woah. Woah!” bulalas ni Kurt nang magtagpo kami sa parking lot. “Is that your car, Jonathan?” tanong niya na parang imposible na kay Allen ang mamahaling sasakyan na nasa harap niya ngayon. Tumango lang si Allen bilang sagot. “Talaga? Ngayon ko lang ata ‘yan nakita.” “Hindi ko naman kasi kailangan na gumastos sa gas kung pwede lang naman akong maglakad noon,” sagot niya. Noong una ay walang reaksyon si Kurt, para bang iniisip pa niya kung ano ang ibig sabihin ni Allen. But seconds later, he said, “Oh! I get it. I get it. Sabagay, Bea is someone who came from a well-off family.” Sinamaan ko siya ng tingin. His remarks just sound offensive to me. Kagyat naman siyang napaatras at mabilis na binawi ang sinabi niya. “I-I mean, it's just manners to not have your girl walk under the scorching sun, r-right?” “Whatever, Kurt. I got it,” sambit ko. Sabay na kaming tatlo na naglakad patungo ng buidling namin. Pero ramdam ko pa rin ang pagiging awkward ni Kurt dahil sa sinabi niya kanina. “It's his, Kurt,” sabi ko. “H-Huh?” “The car. Kay Allen talaga ‘yan. His family also lives a comfortable life in their province.” Gumawi ang tingin ko kay Allen, hinihintay ko siyang magsalita. “Oo. May negosyo rin kami.” “See. That is also the reason why he can afford living away from his parents.” “Y-Yes,” maikling tugon ni Kurt. Uhm. I guess we intimidated him too much? Gusto ko lang kasi malinis ang maling pagkakaintindi nila kay Allen. Kung hindi ko man maipapaintindi sa lahat, at least I can make the few people close to us understand. “Good morning, Bea,” bati sa akin ng kaklase kong nakaupo sa harap. Kumaway ako sa kanya, “Good morning.” Pero hindi na ako ngumiti. Hindi naman din required na ngumiti ako sa kanya. Just as I sat on my chair I received a chat from Allen, saying, “Ginulat mo ng husto kanina si Kurt. Panay sorry tuloy siya sa akin ngayon.” I giggled. “At least it made him sorry,” sagot ko naman sa chat niya.  Wala pang isang minuto ay nag-reply na kaagad sa akin si Allen. “Salamat. Susunduin ulit kita mamayang lunch. Hintayin mo ‘ko.” Nakangiti kong binasa ang reply niya. Akalain mo nga naman, parang dati lang ay kabado ako dahil baka isang araw ay huminto na sa pagpunta ng classroom namin si Allen, o kaya ay lumiit ang tsansa namin na magkita araw-araw. But look at us now, we are almost inseparable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD