Episode 5

1385 Words
Napatigil ako sa paglalakad. Hinihingal na ako. Hindi ko akalain na ganito kataas ang bundok na ito! "Baby girl, kaya pa ba?" nakangiting tanong ni Lelie. "Puwede ba tayong magpahinga muna?" Huminto naman ang mga ito. "Maiiwan tayo dito," wika ni Kindy. Marami-rami din kasi kaming mga studyante. Kapwa mga doctors at Nurse. Nandoon din ang ibang professor. "Alam naman natin ang daan e," wika ko at saka sumalampak sa lupa. Pagod na pagod na talaga ang mga paa ko. Palibhasa hindi ako sanay maglakad ng ganito kataas at katagal. Tumingin naman sa relo si Kisha. "Kailangan nating makarating doon before lunch. Or else tayo ang kakainin dito ng ligaw na hayop!" pananakot nito. Tinaliman ko naman ito ng tingin. Ngiting-ngiti ang mga baliw kong kaibigan. Alam kasi nila na matatakutin ako pagdating sa ganoong bagay. Limang minuto nang magsimula kaming maglakad ulit. Kaunti na lang ang tubig na nasa lagayan ko dahil maya't maya ang inom ko. Kung bakit ang taas kaagad ng sikat ng araw. Tagaktak na tuloy ang pawis ko. Nang sabay-sabay kaming matigilan. Dalawa ang daan na nasa harapan namin ngayon. May sa kanan at may sa kaliwa. Hanggang sa mapatingin kami sa isa't isa. "Lagot na. Hindi natin alam kung saan ang daan. Dalawa pala ito!" problemadong wika ni Loren. Lumikot naman ang mga mata ko. "Dito tayo dumaan!" Sabay turo sa kaliwa. "Sigurado ka? Baka lalo tayong maligaw nito!" Sabay sapo sa noo ni Lelie. At dahil kasalanan ko kung bakit hindi kami nakasabay sa ibang mga studyante kaya kailangan kong gumawa ng paraan. "Ganito na lang. Maglalagay tayo ng mga bato sa bawat dadaanan natin. Para kung sakaling mali nga ang napili nating daan, makakabalik tayo," wika ko. "Great idea!" wika ni Kindy. "Pero sana malaman natin kaagad if mali ang madaanan natin para makabalik tayo kaagad. Nakakatakot e!" Sabay ngiwi nito. Nang idaan ko sa tawa. "Hello? Kanina lang ako ang tinatakot niyo. Kayo pala diyan ang takot e!" ngiting-ngiti na wika ko. "At saka ang aga pa no? Kaya makakabalik tayo 'agad if ever na mali ang napili nating daan." "Okay. Lumakad na tayo para malaman na natin." Si Kisha. "Let's go!" masigla ko pang wika. Patag na kasi ang daan kaya hindi na ako masyadong mahihirapan. Bawat nilalakaran namin, nilalagyan ng palatandaan. Matatas na puno ang sumasalubong sa amin. "Kanina pa tayo pero hindi natin makita iyong nasa mapa na itinuro sa atin ng professor natin. Baka nga mali ang napili nating daan," wika ni Loren. "I think, kailangan na nating bumalik!" nagmamadaling wika ni Kindy. Ngayon ko lang talaga nakitang mas matatakutin ito. "Sandal--" Nang bigla akong matigilan. Bigla ring kaming napalingon sa hindi kalayuan. Isang putok ang narinig namin! Kita ko ang pamumutla ng tatlo. "Gosh! Kailangan na nating umalis dito!" tarantang hila sa akin ni Lelie. Ngunit mabilis ko silang napigilan. "May mga tao!" mahinang wika ko. Bigla kaming nataranta. "Kailangan nating magtago!" mahinang bulong ni Kisha. Walang pagdadalawang isip na sumiksik kami sa makakapal na damo. Wala na kaming pakialam kung magkanda-sugat-sugat ang braso namin. Bigla kong natutop ang bibig ng makitang malalaking lalaki at lahat armado. May mahahabang baril na sukbit. Ang mas nakakagulat, dalawang lalaki ang bitbit ng mga ito na duguan na at halos wala ng buhay! Bigla akong nanginig. Nagkatinginan pa kaming magkakaibigan. Kita ko rin ang pagkatakot sa mga mata ng mga kaibigan ko. Halos maiyak na ang mga ito. Sinenyasan kong 'wag silang mag-iingay. Sobrang lapit pa naman ng mga ito sa amin. Halos pati paghinga namin parang hindi na lumabas sa takot na baka maramdaman kami ng mga ito. Para din kaming naestatwa na hindi gumagalaw sa takot na baka makita kami ng mga ito. "Ano, sasabihin niyo o dito kayo malalagutan ng hininga?!" sigaw ng malaking lalaki. Muntik na kaming mapatili ng paputukan nito sa binti ang isang lalaki na ikinahiyaw nito. "Wala nga sa amin! Parang awa niyo na!" pakiusap ng isang lalaki. Nang bigla kaming mapaiyak sa matinding takot ng barilin nito sa ulo ang isang lalaki. Sa nanginginig na mga kamay pigil na pigil namin ang bibig namin na huwag umalpas ang hikbi. Nang hablutin ng isang lalaki ang isa pang lalaki na duguan na rin. "Ano? Sasabihin mo ba kung nasaan ang files o dito mabubulok ang bangkay niyo?!" Hinawakan nito ng mahigpit sa panga ang isang lalaki. Nang isang iling ang isinagot ng lalaki. Bigla itong sinuntok at pinagsisipa. Napahikbi ako sa matinding awa. Halos gumagapang na ang lalaki. Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko at halos marinig ko na ang pag-iyak ng mga ito. Hindi ko akalain na ako pa ang magmumukhang matapang ng mga oras na iyon. Kahit sila ang matanda sa akin. Halos magmakaawa ako sa mga ito na huwag mag-iingay. "Dalhin niyo 'yan sa hideout! At ipakain sa mga hayop!" wika ng lalaki. Binitbit nila ang isang lalaki at lumakad sila papasok sa looban. "Oh God, anong ginawa natin. K-kailangan na nating umalis dito!" naiiyak na wika ni Kindy. "Ssshhh. Huwag kang maingay at baka nandiyan pa sila sa paligid," wika ko sa nanginginig na boses. "Kailangan na nating umalis. At baka bumalik ang mga iyon!" nahihintakutang wika ni Kisha. Magsasalita pa sana ako ng tumayo na ang kambal. "T-tara na!" Sabay takbo ng mga ito. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod sa mga ito. Napakapit ako sa kamay ni Loren. Nilagpasan namin ang isang lalaking binaril sa noo. Ngunit isang bagay ang nakita ko malapit sa bibig nito. Bigla akong napatigil sa pagtakbo. "Anong ginagawa mo? Tara na?!" wika ni Loren. Hinihila nito ang kamay ko habang nakatingin sa dinaanan ng mga lalaki kanina. "S-sandali lang." Mabilis akong umupo. Flash drive? Mabilis kong kinuha sa bulsa ng bag ko ang gloves at isinuot sa kamay ko. "Ano ba Scarlet! Tara na!" naiinis nang wika ni Loren. Kita ko na medyo malayo na ang tatlo. Pero huminto rin ang mga ito ng makitang hindi kami nakasunod. Kita ko pa ang pasenyas ng mga ito. Ang matinding takot sa mga mukha. Nang makarinig kami ng kaluskos. Mabilis nitong hinila ang kamay ko. Ngunit kaagad kong nadampot ang flash drive. Mabilis kaming tumakbo. Nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa matatas na puno. At biglang napa-awang ang bibig ko ng makitang may Cctv sa bundok na iyon! Akmang tatakbo ang mga ito sa kanang daanan ng pigilan ko ang mga ito. "What? Hindi natin kailangang magpahinga Scarle--" Pinutol ko ang anumang sasabihin ni Kindy. "Kailangan na nating umalis sa Lugar na ito." "Pero hahanapin tayo nila professor - -" "Mapapahamak tayo." Kumunot ang noo ng mga ito. "May Cctv sa bundok na ito. At tiyak na makikilala tayo ng mga lalaking iyon! Kaya kailangan na nating makaalis," wika ko. Natahimik ang mga ito. Nalilito. Nagtatanong. Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga. Pakiramdam ko, nawala ng mga oras na iyon ang pagiging baby girl ko! "Oras na malaman nilang may nakakita sa pagpatay nila tiyak na hahanapin nila tayo! At puwedeng patayin din nila tayo!" Bigla natutop ng mga ito ang bibig nila. "Lagot na! Ayoko pang mamatay!" wika ni Kindy habang nakatingin sa kambal nito. "Kaya umalis na tayo!" Si Loren. "Tara na!" tarantang takbo ni Lelie. Magkahawak kamay naman ang magkakambal. PAGKARATING sa hotel na tinutuluyan namin. Pare-pareho kaming naghihintay na mag-play ang video na nasa loob ng flash drive. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata namin ng makita kung paano patayin ang hari at reyna. Ginahasa ng mga ito ang reyna at pinagpasa-pasahan! Bigla kong naihulog ang basong hawak-hawak ko. Napaatras din ang magkakambal at napailing-iling. Pare-pareho kaming napaiyak. "Bakit tayo pa ang nakakita nito?" nahihintakutang wika ni Lelie. "Siguradong hahanapin tayo ng mga iyon dahil nasa atin ang malaking evidences!" si Loren. Hindi ako makapagsalita. Nangangatal ako sa pagkatakot. "Kailangan na nating makauwi. I think, kailangan kong ipagtapat ang lahat ng ito sa parents ko. Kailangan kong lumipat sa ibang bansa. Ayaw ko pang mapahamak." Si Lelie. Nang lumapit sa akin si Loren. "Baby girl. Kailangan mong sabihin ito sa mga magulang mo. Lalo na't ikaw ang pumulot ng flash drive na iyan. Tiyak kong ikaw ang higit na hahanapin ng mga sindikatong iyon. Kailangan nating maging maingat. Magtago." Lalo akong nawalan ng sasabihin. Parang hindi ako makakilos sa sobrang takot. Hanggang sa makita kong isa-isang nag-impake ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD