Episode 4 (Scarlet POV)

1282 Words
Ilang minuto na yata akong nakatitig sa kisame kakaisip sa lalaking iyon. Ito ang pinaka-unang nakahalik sa labi ko. Hindi ko naiwasan ang mapahawak sa ibabang labi ko. Pakiramdam ko nararamdaman ko pa ang malambot nitong labi. Ang hininga nitong nakakalasing at nakakapagbigay ng kakaiba sa pakiramdam ko. Napapikit ako ng mariin sabay sabunot sa sariling buhok. Hindi ko makalimutan kung paano ko ito hinalikan ng kusa. Kung bakit kasi tinablan 'agad ako ng alak. Laking pasalamat ko na lang talaga at nagawa ko pang mag-isip ng maayos. Hindi ko maintindihan kung bakit parang gusto ko ang ginawa nitong paghalik at paghawak sa akin. Ang balak ko lang naman ay pagtripan ito. Pero no touch at mas lalong no kiss! Pero iwan ko ba kung bakit nagustuhan ko ang ginawa nito. Nagawa ko pa ngang halikan ito e! Mabuti na lang nagawa kong tumakas dito. Kung hindi, lagot ang pinaka-iingatan kong bataan! Hindi na ako maaaring pumunta ng club na iyon. Nakakahiya! Baka isipin nito bayaran akong babae! Duh! Ngunit napahagighik pa rin ako sa isiping tinakasan ko ito habang nakahiga at parang naghihintay na sumampa ako sa ibabaw nito! Tawang-tawa ako sa sarili. Hindi na rin naman kami magkikita at hindi na ako babalik sa club na iyon! Pero ramdam kong kinikilig ako sa unang halik nito. He's lucky. Ninakaw niya ang first kiss ko! SA CAMPUS "Akala namin hindi ka papasok e!" panunukso ni Loren sa akin. "Bakit naman?" tanong ko habang nakangiti. "Eh kasi nga, baka masarap pa ang panaginip mo doon sa lalaking natipuhan mo!" Sabay tusok sa tagiliran ko ni Lelie. Napaiwas naman ako sabay tawa. "Natipuhan talaga?" natatawang tanong ko. "Ay sus! Deny pa more. Siya nga lang ang pinahintulutan mong humawak ng ganoon e!" kinikilig na wika ni Kindy. Ramdam kong namula ang mukha ko. "Oyy!" sabay-sabay ng mga ito habang tumatawa. "Hala! 'wag kayong ganiyan. Pinag-tripan ko lang iyong lalaking iyon! He's not my type, okay?" mabilis na pagtanggi ko. "Talaga ba? Niyapos ka nga niya ng sobrang higpit e! At saka ang hot naman noong guy!" kinikilig na wika rin ni Kisha. Tawang-tawa naman ang mga ito. Ako tuloy naging pulutan ng mga ito ngayon. Lalong namula ang mukha ko sa panunukso ng mga ito. "Ang baby girl natin, nagba-blush!" Sabay tawanan ng mga ito. Napahawak tuloy ako bigla sa pisngi ko. "Pinagti-tripan niyo ako e! Bahala kayo diyan!" Sabay walk out. Rinig ko pa ang malakas na hagalpak ng mga ito. Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang ginawa ko sa lalaking iyon. Nang maramdaman ko ang akbay ni Lelie. Nakabusangot pa rin ang mukha ko. "Nagbibiro lang naman kami. Ikaw naman masyadong apektado!" Sabay kurot nito sa pisngi ko. "Hindi na lang ako mangti-trip ulit!" Kandahaba ang nguso ko. "Tama iyan baby girl. Siya lang sapat na!" wika ni Loren. "Ate Loren naman e!" Napairap tuloy ako bigla. Ngunit tumawa lang ang mga ito. Nakahinga ako ng maluwag ng dumating ang professor namin. Ngunit hindi ko akalain na pati sa restaurant ay lalanggamin ako ng mga ito sa kakatanong. Hindi ko talaga akalain na gagawing big deal ng mga ito ang gabing iyon. Dahil ba sa guwapo ang lalaking iyon? Tsk. "Sabihin mo naman sa amin baby girl kung akong nangyari ng gabing iyon? Saan ka ba noon dinala?" Si Kindy. Umikot ang mga mata ko. Parang sasabog ang ulo ko sa mga ito. Nakangising aso pa! Parang naka-abang para manglapa e! "Walang nangyari mga ateng. Pinatulog ko siya ng isang malutong na suntok!" Biglang nagsihagalpakan ng tawa ang mga ito. "Sa laking tao na iyon?" Panunukso ni Lelie. "Tsk. Kahit gaano siya kalaki. Kapag napuruhan ko ang itlog niy--" Nang biglang maubo ang mga ito. Ako naman ang natawa. "Oh bakit?" natatawang tanong ko. "Grabi naman baby girl. Pinuruhan mo talaga?" Nanlalaki ang mga mata ni Loren. "Sakit noon ah!" segunda naman ni Kisha. Tawang-tawa naman ako. "Eh kaysa ako ang mapahamak!" Sabay taas kilay. Sabay-sabay naman silang nagsitango. "Kaya pala.." tatango-tangong wika ni Kindy. "Bakit binalakan ka ba sana?" nakangising tanong ni Loren. Tumango na lang ako. Naalala ko na naman tuloy ang halik ng lalaking iyon. "Mabuti na lang hindi nakahalik sa iyo!" Si Kindy. Muntik na akong maubo. Itinago ko ang pamumula ng mukha ko. "Asa siya!" wika ko. "Iyan ang baby girl namin!" Sabay aper ng mga ito. Lihim akong napalunok. LUMIPAS ang mga araw at linggo. Nagtataka ang mga ito kung bakit ayaw kong pumunta ng Bebies Club. "Don't tell me, takot kang makita ang lalaking pinag-tripan mo?" nanghahamong tanong ni Loren. "Ganoon na nga!" wika ko habang kumakain pizza. "Ikaw ba naman mapuruhan kung hindi ka magalit!" Sabay-sabay silang natawa. "So, hindi na tayo nito makakabalik sa Bebies Club?" si Kindy. "Puwede naman na kayo muna ang pumunta. Pass muna ako at mahirap na. Tiyak makikilala ako ng lalaking iyon. Magpapalamig muna ako." Sabay ngiti. "Bakit mo kasi pinuruhan?" natatawang tanong bigla ni Kisha. Ako naman itong naubo. Naniniwala talaga sila na pinuruhan ko ang lalaking iyon! Ito pa nga ang naka-score sa akin! Ninakaw ang unang halik ko! Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanila. Wala pa naman ako sa tamang edad! Gosh! Seventeen pa lang kayo ako! "Kasi nga manyakis siya!" biglang wika ko. Mabibingi na yata ako sa kakatawa ng mga ito. "Sayang naman! Manyakis pala!" natatawang wika ni Lelie. Lihim akong nakokonsyenya. Napagkamalan pang manyakis ang lalaking iyon. Kung sabagay, totoo naman sinunggaban kaagad nito ang labi ko ng walang pahintulot ko! BUMALIK ulit ang pagiging makulit at pasaway ko. Kung saan-saan ko niyaya ang mga ito at madalas kaming mag-cutting classes. Mamasyal, manuod ng sine, kumain, mag-swimming. Mag-overnight. At pumunta sa mga club maliban sa Bebies Club. Kahit na hindi ko makalimutan ang lalaking iyon never akong bumalik ng club na iyon. Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng takot na muling mag-krus ang landas namin. Baka hindi na ako makawala oras na makita nito. Mahirap na. Anong laban ko doon, sa laking tao na iyon. At mukhang napakalakas nito. Makisig ang pangangatawan, may matitipunong dibdib at braso. Ang tangkad at napakalalim kung tumingin. Parang kahit isang braso lang nito kaya akong ihagis e! Pansin ko rin na para bang ang hirap ng isang ngiti sa lalaking iyon. Parang nakakatakot galitin! "Anak, ilang araw ba kayo roon?" tanong ni mommy. Nag-iimpake ako ng ilang damit na dadalhin ko. "Five days mommy." Nang umupo ito sa gilid ng kama. "Be careful okay. Medyo malayo pa naman iyon. Hindi ka namin kaagad matutulungan kapag nagkaroon ng problema." Pinisil ko ang pisngi ng mommy ko. "Mom, malaki na ho ako. At saka hindi naman kami pupunta sa lugar na alam naming ikakapahamak namin," sagot ko. Kita ko ang pagbuntong-hininga nito. Laking pasalamat ko at wala si daddy. Nasa ibang bansa ito para sa business meeting nito. Dahil kung nagkataon, hindi ito papayag na mag-out of town ako kasama ang mga kaibigan ko. Pinilit ko nga lang si mommy eh. At dahil sobrang spoiled ako rito kaya ayon, napapayag ko rin sa wakas. "Bye mommy! Ikaw nang bahala magpaliwanag kay daddy!" wika ko. Mabilis akong humalik sa pisngi nito at nagmamadaling tumakbo sa labas kung saan naghihintay ang sasakyan. "Ingat anak. Tumawag ka ha?" Kumaway ako habang nakangiti. Sobrang excited ko at makakapunta kami sa isang sikat na bundok na madalas dayuhin ng mga turista. May dadaanan din kasi kaming Island. At iyon ang pinaka-paborito kung mapuntahan! Noon pa man pangarap ko nang makapunta sa mga Island. Ayaw pa nga lang ni daddy at baka raw mapahamak ako at masyado pa akong bata. Marami raw masasamang hayop. Pero hindi ako naniniwala roon. Kasi unang-una, hindi ia-allowed ang isang Isla kung mapanganib pala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD