Episode 3

2338 Words
"Manong, huwag niyo na po akong sunduin mamaya!" wika ko sa family driver namin. Napakamot naman ito sa ulo. "Pero Ma'am Scarlet, magagalit ang daddy niyo--" "Sabihin niyo ho na nasa bahay ako ng mga kaibigan ko. Bye!" Akmang magsasalita ito ng tumakbo na ako paalis. "Let's go!" yaya ko sa mga kaibigan ko. Sumilip pa ako sa malaking gate kung nakaalis na ba si Manong. "Sigurado ka ba, mag-cutting class na naman tayo?" Si Lelie. Binalingan ko naman ang mga ito. "Oo. Malayo pa naman ang exam," nangingiting wika ko. "Baka mainis na sa atin ang mga teachers natin, ibagsak tayo sa klase. Siguradong ipapadala ako nito nila mommy sa ibang bansa," nababahalang wika naman ni Loren. "Ano ba kayo?" Sabay pamewang. "Sabi ko naman sainyo, akong bahala." Paninigurado ko. Napabuntong-hininga na lang ang mga ito. Hindi rin kasi ako matitiis ng mga ito. "Ga-gradutae tayo nito na walang natutunan bilang isang Doctor." Si Kindy. Bigla naman akong natawa na ikinatawa rin ng mga ito. "Saan ba tayo pupunta?" tanong naman ni Kisha. "Mamasyal tayo sa mall. Nuod rin tayo ng sine. And after that, diritso na tayo ng club!" naeexcite na wika ko. Umikot lang ang mga mata nito. Ngiting-ngiti naman ako. "Na ganiyan suot mo, baby girl?" Si Lelie. "Nope. May baon akong damit!" Sabay hagighik. "That's great!" Sabay-sabay ng mga ito. Natutuwa kasi ang mga ito kapag inaayos ko ang pananamit ko. 'Di iyong pangbatang kasuutan. "Wow! Ang sexy mo baby girl!" Sabay ng dalawang kambal. "Oo nga. Dapat ganiyan ka na lang manamit kapag nasa school tayo," segunda naman ni Loren. "Para langggamin ka ng mga kalalakihan!" wika naman ni Lelie. "Hindi ka pa mukhang bata riyan!" Si Kisha. They're nodded. "Ayoko nga. Maglaway pa sila eh!" Tumawa naman ang mga ito. Nakasuot lang naman ako ng fitted high-waist pants na tinernuhan ng high-waist sando. Kaya naman kitang-kita ang hugis ng katawan ko. At tama sila, everytime na inaayos ko ang pananamit ko hindi napaghahalataan na bata pa ako. Malaking bulas kasi ako. Matangkad at coca cola ang katawan. Kaya nga hindi ako nakikilala sa labas kasi iba ang pananamit ko. Sa school, mukha akong batang sipunin pa. Sa labas para akong artista na dalagang-dalaga. Nagsuot rin ako ng white sumbrero, naka-heels pa ako niyan ha! "Iba!" sabay hawak ni Kindy sa dibdib ko. "Ateng naman!" Namumula ang mukha ko. Kahit na pilyang babae ako, ayokong may humahawak sa katawan ko. Especially sa yayamanin kong dibdib. Natawa naman ng malakas ang mga ito. "Lakas mong maging pilya, takot ka rin naman pala!" natatawang wika ni Lelie. "Paano 'yan mamaya sa club?" nakangising tanong ni Loren. "May dala naman akong jacket. Syempre kasama na ito sa pang-sexy dance!" Sabay tawa ko. "Pisngi pa lang, nakakatakam na!" Sabay dila ni Kisha. Bigla ko naman itong natakpan ng jacket ko. "Ate Kisha naman eh!" Matanda kasi sila sa akin. Tawang-tawa naman ang mga ito sa reaksyon ko. "Ayaw ko na nga magsuot ng ganito sa susunod. T-shirt na lang!" kunwa'y simangot ko. "Ay sus! Umandar na naman ang pagka baby girl! Sa school muna iyan gamitin. Matured ka na muna ngayon at nasa labas tayo!" Sabay akbay ni Loren. "Oo nga. At saka ano ba iyong pinaplano mo kaya ka naeexcite pumunta ng club? Nagawa mo pang magsuot ng ganiyan ngayon? Kita dibdib ha?" Mapanukso nito. "Don't tell me, may natitipuhan kang lalaki doon?" Sabay sundot nito sa tagiliran ko na ikinahagighik ko. "Ganito kasi iyon.." Sabay upo. Hinihintay lang namin ang order naming pagkain. "Omg?! Paano kung yayain ka na lang bigla sa VIP room, baby girl?" tanong ni Kindy pagkatapos kong ikuwento ang binabalak ko. "Basta akong bahala!" pilyang wika ko. "Basta nasa likod mo lang kami!" Sabay aper ng mga ito. BEBIES CLUBHOUSE. Alas otso pa lang ng gabi, ang dami ng tao sa club. Ang iingay ng mga ito habang sumasayaw at nag-iinuman. Nakasuot pa rin akong sumbrero at suot ko ang high-waist ring jacket na itim. White kasi ang sando ko. Nakagat ko ang ibabang labi ng mapansin kong sa amin ang tinginan ng mga kalalakihan. Um-order kaagad ang mga kaibigan ko ng alak. Inilibot ko naman kaagad ang paningin ko. Wala yata ang lalaking iyon. "Ano baby girl? Nandito ba ang paglalaruan mo?" bulong na pasigaw ni Lelie. Ang lakas kasi ng tugtog kaya kailangan mo talagang sumigaw. Natawa ako sa salitang paglalaruan. "Wala nga eh! Tingnan natin doon sa dulo. Or baka nasa itaas siya!" Sabay tingala. May second floor kasi ang club na iyon. Sa laki ba naman nito, makita ko kaagad ang hinahanap ko. "Sige mamaya. Uminom muna tayo!" Ini-abot sa akin ni Kisha ang juice ko. Naubo ako bigla. "What is this?" nasasamid kong tanong. Natawa naman ang mga bruha. "Juice with alcohol!" Si Kisha. "Bakit ang pait naman?!" reklamo ko. "Kailangan mo ngayon ng pangpalakas loob. Hindi ba nga, may pagtitripan ka ngayon?" natatawang wika ni Loren. "Kailangan mo siyang akitin ng bongga!" wika naman ni Kindy. Napailing na lang ako. Pikit mata kong tinungga ang juice na may alak. Ang tapang ng lasa! Hinila ako ng mga ito. "Let's go, hanapin na natin siya!" Si Lelie na natutuwa. Nilibot ko na yata ang paningin ko, ngunit wala ang taong iyon. "Sa taas tingnan natin!" Kumibot ang labi ko. Sa dami ng mga lalaki wala yata ang hinahanap ko. Pansin ko kung paano lumuwa at maglaway ang mga tinginan ng mga kalalakihan sa amin. "Ano, nandito ba?" tanong nila. "Wala eh! Minamalas tayo!" Hindi ko napigilan ang matawa. Pakiramdam ko, tinatamaan na ako ng alak. Narinig ko naman ang halakhak ng mga ito. "Minamalas ka nga, baby girl. Let's dance na lang muna. Maaga pa kasi. Baka mamaya pa dumating ang Prince charming mo!" si Lelie. Natawa naman kaming magkakaibigan. At dahil rock song ang tugtog kaya naman wala kaming kapaguran tumalon at sumigaw habang sinasabayan ang kanta. SAMANTALANG hindi maalis-alis ni Marnix ang tingin sa grupo ng kadalagahan na kakapasok pa lang sa club na iyon. Nasa Vip room siya ng mga oras na iyon habang hinihintay ang kausap. Hindi siya makikita sa loob kung sa labas ang titingin. Ngunit kitang-kita niya ang lahat ng nangyayari sa labas. Tinted glass kasi ang pader ng kuwarto. Masyadong wild ang limang babae na kakapasok pa lang, alak kaagad ang binanatan. Hanggang sa napako ang tingin ko sa isang babae na nakasumbrero. Mukhang may hinahanap ito base sa ikinikilos nito. Hindi ko naman masilayan ng maigi ang mukha nito dahil may suot itong sumbrero. Medyo may kadiliman din ang ginagamit na ilaw sa dance floor. Ang napansin ko lang rito, ito yata ang pinaka-sexy sa lahat ng magkakasama. Napamura ako ng matitigan ko ang nagmamalaking dibdib nito. Nasigurado kong may hinahanap ang mga ito ng umakyat pa ang mga ito sa second floor. Hindi nakaligtas sa akin ang mga kalalakihang halos maglaway kakatingin sa mga babaing ito. Napataas ang kilay ko ng makitang nagsitawanan ang mga ito. Napailing ako sa isiping lasing na ang mga ito. Wala na talagang matinong babae sa mundo. "Sir." Napalingon naman ako. "Dala mo ba?" seryosong tanong ko. Ini-abot naman nito ang folder. Isa-isang tinitigan ang mga litrato. "Siya na nga 'yan, sir!" Sabay turo nito sa ibabang lamesa. Limang hapon ang nasa upuan habang may mga nakatayong bodyguard sa bawat sulok. Gumuhit naman ang ngisi sa labi ko. Awtomatikong napakunot ang noo ko ng makitang itinuro ng isang hapon ang isang dalaga. And damn! Iyong babaing kanina ko pa pinagmamasdan ang natipuhan ng matanda! Mabilis akong lumabas ng Vip room, at bumaba sa 1st floor kung saan ang dance floor. Titig na titig ako sa dalagang hyper na hyper kung sumayaw sa dance floor pati mga kaibigan nito. At dahil tinatamaan ito ng liwanag, hindi nakaligtas sa akin ang magandang mukha nito hanggang sa lumalim ang kunot ng noo ko. Parang familiar yata sa akin ang mukha? Ito ba iyong batang sumayaw last week dito? Kamukha yata? Pero ibang - iba ang kasuutan niya ngayon at biglang naging dalaga? May gatas pa sa labi ang nakita ko last time. Pero magkamukha yata?? Napatiim-bagang ako ng mapansin kong lalapitan ng malaking bodyguard ng hapon ang dalaga. Saktong naging sweet song ang tugtog. Nagkagulo ang mga tao. Kaniya-kaniyang hanap ng kapareha. Mabibilis ang hakbang ko ng maraming lumapit sa dalaga. Akmang hahawakan ng isang lalaki ang bewang ng dalaga na mukhang hindi nito napapansin at mukhang lasing na ng mariin kong hawakan ang kamay nito. Isang tingin ko lang, umatras kaagad ang duwag. Sa gilid ng mga mata ko, papalapit ang bodyguard ng hapon sa dalaga. Hindi ako nagdalawang isip na hinaklit ang maliit nitong bewang paharap sa akin. Rinig ko ang pagsinghap nito. Akmang itutulak ako nito ng pareho yata kaming nagkatitigan. And sh*t! Bigla yatang kumislot ang kargada ko. Akmang bibitiwan ko ito at bigla yata akong nakaramdan ng init sa katawan ng magulat ako. "Sa wakas dumating ka rin!" nangingiting wika nito. Kumunot tuloy ang noo ko. Lalo na ng ikawit nito ang kamay sa batok ko. Namumungay ang mga mata nito tanda na lasing na nga ang dalaga. "Sinasabi ko na nga ba, gusto mo ako!" Sabay hagighik nito. What a sweet laugh! Nahirapan yata akong huminga. Lalo na ng maamoy ko ang mabangong hininga nito. Napapatiim-bagang din ako. Lihim kong pinindot ang watch na nasa bisig ko. Alam ng tauhan ko ang gagawin nila. "Kanina pa kita hinahanap?" wika pa nito. "Sir, baka padala iyan ng kalaban?" Pinindot ko ang earphone. "Bantayan mo ang hapon!" wika ko habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa dalaga. Sa gilid ng mga mata ko, umatras ang bodyguard ng hapon at parang may ibinulong sa leader nila. Biglang umarko ang gilid ng labi ko. "Kilala mo ba ako?" tanong ko sa dalaga. Mabilis naman itong umiling. "Ikaw iyong masamang makatitig sa akin nakaraang linggo eh! Naisip ko nga, galit ka yata at hindi ikaw ang napili kong isayaw noon!" Sabay hagighik na naman nito. Ewan ko ba kung bakit lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang nito. So, siya nga iyong batang may gatas pa sa labi? Nang may biglang tumapik sa akin. "Hoy! Mister bakit nakahawak ka sa bewang ng kaibigan namin? Hindi iyan nagpapaha--" Naputol ang sasabihin ng babae ng sawayin ito ng dalagang kasayawan ko. "Mga Ateng, siya iyong sinasabi ko sainyo!" "Really?" gulat namang tanong ng mga ito. Sinamantala ko namang nag-uusap-usap ito at inilibot ko ang paningin sa paligid. Galit ang nasa mata ng mga hapon at bodyguard nito. Hindi rin nakaligtas sa akin ang bukol na nasa jacket ng kalaban. Ngumisi pa ang gago. Tsk! Hindi yata nila alam na ito na ang huling araw nila. Sigurado ka? Eh hindi mo nga mabitiwan iyang magandang dilag na iyan! Panunukso ng kontrabidang isipan ko. "Oh siya! Enjoy mo lang! Nandito lang kami! Guwapo naman pala eh!" wika ng kaibigan nito. Napailing ako ng lihim ng tumawa ang mga ito sa harapan ko. Hanggang sa iniwan kami ng mga ito. "Sasayawan kita!" sigaw nito. Bigla itong bumitaw sa pagkakahawak sa batok ko. Para yata akong naestatwa ng sumayaw ito sa harapan ko. Gumiling na parang nang-aakit. And damn! Pansin ko kung paano ito lingunin ng mga kalalakihan lalo na ng hubarin nito ng paunti-unti ang suot nitong jacket. Nakakagat labi pa itong nakatitig sa akin. Sh*t!!! Sasabog na yata ang timpi ko sa dalagang ito. Halatang napakabata pa nito. Ang laki ng agwat naming dalawa. Pero ano nga bang pakialam ko? Kung isang bayaran lang naman pala ito? Walang matinong babae ang magkakaganito. Pero bakit hindi ko yata nagugustuhan ang mga matang nakatunghay sa dalaga. Kulang na lang, gahasain ng mga ito sa kaisapan ang babae. Nang mapansin kong dalawang bodyguard ng hapon ang papalapit sa dalaga. Tiyak kong kukunin ng mga ito ang babae. Tsk. Nagkamali kayo ng natipuhan. She's mine! Bigla kong hinatak ang kamay ng dalaga at mabilis kong inilayo sa dance floor na iyon. "Iligaw ang mga gagong iyan!" wika ko sa earphone. "Wait!" wika ng babae. Muntik na itong matumba kung hindi ko pa naalalayan ang katawan nito. Saktong nasa tapat kami ng VIP room. Mabilis pa sa alas kuwatrong ipinasok ang dalaga. Nag-iinit ang katawan kong hinagilap ang labi nito. Isang malakas na singhap ang narinig ko rito. Nang bigla akong magulat. Sinampal ba naman ako nito! Fvck! Nag-iinarte pa ba ito? "Why did you kiss me?" inosenteng tanong nito. Hindi ko napigilan ang matawa. Isinandig ko ang dalawang braso sa pagitan ng ulo nito. "Bakit hindi mo ba nagustuhan?" mapang-akit kong tanong. Gusto ko yatang murahin ang sarili ko. Ngayon lang yata ako nagbigay pasensya sa isang babae. Ayokong may nagpapakipot lalo na kung bayaran lang naman ito. Gumuhit ang ngisi sa labi ko ng para itong natulala sa akin. Napatingin naman ako sa labi nitong pinkish. Sh*t! Bakit ganito ang epekto nito sa akin?! Hinaklit ko ang bewang nito at sabik kong hinagkan muli ang labi nito. Isang tutol na ungol ang narinig ko. Inalis ko ang sumbrero nito na naging dahilan ng paglaglag ng mahabang buhok nito. Natigilan naman ako sa paghalik. And you know what? Ito mismo ang humalik pabalik sa akin. Sandali akong natigilan ngunit mabilis kong sinamantala ang ikinilos nito. May tatapusin pa pala ako sa mga hapon na iyon! Nakakalasing ang halik ng babaing ito. Para bang nakakabaliw. Nang itulak ako nito sa kama. Hinintay ko naman itong humiga sa ibabaw ko. Naglaway ako ng makita kong hinuhubad nito ang jacket. Sh*t! Ang galing niya magpainit! Damn! Kitang-kita ko ang pisngi ng dibdib nito. Akmang babangon ako at hindi na ako makapaghintay nang bigla itong magsalita. "Don't move, baby!" wika nito. "Just close your eyes.." malambing nitong wika. Humugot ako ng mahabang hininga bago ito sinunod. Fvck! Siya lang nakagawa nito sa akin. Walang babaing puwedeng mag-inarte kapag ikakama ko. Pero bakit napapasunod yata ako ng dalagang ito?! Nagwawala na ang alaga ko! Kumunot bigla ang noo ko nang wala yata akong marinig na ingay. Pagmulat ko ay siyang pagbangon ko. "Where the hell is she?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD