Episode 2 (Scarlet POV)

1787 Words
"I'm going to school, mommy!" sigaw ko habang pababa ng hagdan. "You're not going to eat your breakfast?" pahabol nitong tanong. Mabilis lang akong kumaway ng kamay. Hindi na rin ako nakahalik sa pisngi nito sa pagmamadali. "Scarlet! I'm talking to you!" Nakagat ko ang ibabang labi habang may pasaway na ngiti. I'm Scarlet, nag-iisang anak ng mga Le Voughne. I'm 17 years old only. I am studying to be a Doctor. Makulit pa sa salitang makulit ang puwedeng i-described sa 'kin. I'm always cutting in class. I have so many ways para makatakas sa University na hindi nalalaman ng mga parent's ko. Believe me or not, I always begged my teachers to let me pass all the exams. Just don't let my parents know that I always go to cutting class. I'm sure, magtataka kayo kung paano ko sila napapayag? Well, sa isang tulad kong makulit na babae, walang impossible sa akin kapag umandar ang kakulitan ko. Masyado akong pilya. Kung ano ang pumasok sa utak ko, ginagawa ko iyon. Bad or good man. Ganoon katigas ang ulo ko. Sakit ako ng ulo ng parent's ko dahil nga sa pagiging pasaway ko. Sa isang salita, I AM SPOILED BRAT! Kapag sinabi kong ayoko, ayoko. Hindi nila ako puwedeng pilitin or else, gagawa ako ng paraan para magkasakit ako. At iyon ang kahinaan ng mga ito. Nag-iisa nga akong anak hindi ba? Takot lang ng mga itong mawala ako sa mga ito. Ganito ako kapilyang dalaginding! But I was not bullied at school kahit pa pag-aari ni dad ang University. Yes! You heard it? That's why, kaya kong lambingin ang mga professors ko! Tinatakot ko kasi sila. Bukod kasi sa pilyang babae ako at sakit sa ulo. Mahilig din akong magsinungaling. Yeah, masamang magsinungaling. Pero parte ito ng kakulitan ko para mapapayag sila sa gusto ko. I hate my course! Sila mommy at daddy lang naman ang pumili nito sa akin. Pumayag lang naman ako dahil sa isang kondisyon. When I'm turning my 18th birthday. Gusto kong lumipad ng Singapore with my friends only! Ang weird nga ng gusto ko. Selfish yata kung tawagin iyon dahil mas pinili ko silang masakama kaysa sa mga parents at magiging bisita ng mga ito. Ah basta! Nangako na sila. "Thank you, Manong Cesar!" masiglang wika ko. Bumaba kaagad ako sa sasakyan kahit hindi pa ako nito napagbubuksan. Isang kamot sa ulo ang nakita ko rito. Sa edad kong 17 years old. I feel like, I'm only 15 years old. The way I speak, I act at sa lahat ng ginagawa ko. In other words, I'm not matured enough sa edad na mayroon ako ngayon. Ewan ko ba, nasanay siguro akong tinatratong prinsesa sa bahay even in school kaya ganito pa rin ako kumilos. Mabilis akong tumakbo palapit sa mga kaibigan ko. Mabuti pa ang mga ito medyo matured kaysa sa akin. Well, ako ang bunso ng mga ito eh! "Ano na naman iyang suot mo, baby girl?" taas kilay na tanong ni Lelie. Umikot-ikot pa ako sa harapan ng mga ito. Nakasuot akong paldang maiksi na may mahabang medyas na puti hanggang tuhod at white shoes din. Parang Korean style nga ang porma ko. "How do I look? Isa na ba akong prinsesa ng isang kaharian?" Nangingislap ang mga mata ko. Umikot naman ang mga mata ng mga ito na siyang ikinahagighik ko. Gustong-gusto ko talagang nayayamot sila sa gawi ko. Ewan ko ba, lakas ng tama ko eh! "The way you talk, you act. Lahat-lahat, mukha ka ngang prinsesa. Walang muang sa mundo. Isip bata!" wika naman ni Loren. Napahaba naman ang nguso ko. Tumawa naman sila Kisha at Kindy. Magkakambal kasi ang dalawa. Sila kasi mga nakasuot na pants at fitted na sando. Dalagang-dalaga sila tingnan habang ako naman eh, parang bata. Inakbayan naman ako ni Loren. "Kaya walang nanliligaw sa iyo dahil sa paraan ng pananamit mo kahit sa pananalita mo. You're so pabebe," wika pa nito sabay pisil sa pinkish kong pisngi. "Ewww. Do you think naman, magugustuhan ko sila? Tsk! Karatehin ko sila eh!" malditang wika ko. Humagalpak naman ng tawa ang mga ito. Bigla ko naman itong niyakap. "And besides, kaya nga baby girl niyo ako kasi bata pa ako no!" Pabebe ko. Sabay-sabay pa ang mga itong ginulo ang mahaba kong buhok. "Let's go na nga!" Si Kindy. Ako naman itong nasa gitna nila habang binabaybay namin ang University. Ako yata ang Leader sa mga ito. Leader sa kapilyahan! Sanay na rin naman ako na sa tuwing napapadaan kami, halos magkandabale ang leeg ng mga kabinataan. Well, magaganda at sexy ang mga ateng kong ito. Lahat kami galing sa mayamang pamilya. Ako nga lang ang spoiled na anak kaysa sa mga ito. Actually, nadadamay ko lang ang mga ito sa kapilyahan ko. Kaya naman todo effort ako sa mga teachers na huwag nila kaming ibagsak sa klase sa tuwing sinasama ko ang mga ito sa pag-cutting class. Lahat kasi sila, love nila ang kurso nila. Ako lang talaga ang hindi. Takot kaya ako sa dugo. Nakakainis nga eh! Hindi naman sa bobo ako. Wala yata sa lahi namin ang bobo. Sadyang hindi ako interesado sa kurso na pinakuha ng parents ko sa 'kin. Nakakabubo lalo sa utak eh! Daming kailangan alamin para matutong gumamot. Hays! Bigla kong naramdaman ang pagsiko ni Kisha sa akin. Napapapikit na pala ako. Nakakabored naman kasi ang topic ngayon! English pa? Parang iniikot ang mga ugat ng utak ko dahil sa leksyon ng professor. Humikab ako at napapikit muli. Bahala ka diyan magdaldal Sir! HUMIHIYAW ako sa kakulitan ko habang sumasayaw. Talon dito, talon doon. Halakhakan dito, halakhakan doon. Ito ang hubby ko, ang maglakwatsa kung saan-saan kasama ang mga kaibigan ko. Halos hindi na kami magkarinigang magkaibigan sa lakas ng tugtog. Nagkakabungguan na rin kami dahil sa likot namin sumayaw. Nasa isang bar kami ngayon. Kung ang mga kaibigan ko, palaban sa inuman. Iyon ang kinaiba ko sa mga ito, duwag ako pagdating sa alak. Pero kung minsan, hinahaluan nila Kindy ang juice ko ng kaunting alak. Hinahayaan ko na lang para naman matutunan kong uminom ng paunti-unti. Ilang oras kaming nagbabad sa dance floor ng maging sweet songs ang tugtog. At tulad ng dati, pagdating sa ganitong usapan, pilya kaming lahat. Kapwa kami naghahanap ng kaparehang sumayaw. Ang kaibahan nga lang, no touch, just dance lang! Ang diskarte naming magkakaibigan, sasayawan namin ng pang-akit na sayaw ang bawat kapareha namin. Kapag nakikita na naming nalilibugan na ang mga ito saka kami magpapaalam kunwari na pupunta lang sandali sa banyo. But ang ending, tatakasan namin ang mga ito. Tawa kami nang tawa pagkalabas ng bar. "Parang asong naglalaway iyong ka partner ko mga bebs!" wika ni Kisha habang natatawa. "Sinabi mo pa! Lalo na iyong kapareha kong nakatitig na lang yata sa akin habang nakanganga ang bibig. Lakas ng libog noon, I'm sure!" sambit naman ni Kindy. "Malala iyong akin, gustong-gusto na akong hawakan, nakakagat labi pa. Humawak pa sa ano niya!" Si Loren. Natawa naman kami ng malakas. Sasakit na yata ang tiyan namin kakatawa. "Iyong akin nga, maiiyak na sa kalibugan habang nakatingin sa pakwan ko!" wika naman ni Lelie. Napaupo ako sa kakatawa. "How about you, baby girl?" baling ng mga ito sa akin. Tumikhim muna ako bago sumagot. "Iyong unggoy na iyon?--" Hindi pa ako nakakatapos magsalita, nagsitawanan na ang mga ito. "Bakit unggoy?!" naluluha sa tawang tanong ni Kisha. "Eh paano, ang haba ng nguso. Nairita pa ako at inilabas ang dila. Sarap hablutin at itapon sa apoy eh! Parang asong ulol!" Nabingi yata ako sa hagalpakan ng mga ito. Nang marinig ko ang vibrate ng cellphone ko. Paktay. My dad's calling. DAHAN-dahan akong pumasok sa malaking mansion namin. Laking pasalamat ko at patay na ang ilaw sa malaking sala. Para akong magnanakaw na ayaw man lang makagawa ng ingay. Kung kailan naman pipihitin ko na ang seradura ng pinto ng kuwarto ko saka naman bumuhos ang liwanag. "Where have you been, Princess Scarlet Le Voughne at this hour?!" Napapikit ako ng mariin. Pumihit naman ako paharap dito. "Hi, daddy!" paglalambing ko sabay halik sa pisngi nito. "Huwag mo akong dinadaan sa pabebe mo, Scarlet. Tinatanong kita." Ngumuso naman ako sabay hawak sa braso nito. "Daddy, sa bahay lang naman ako ng dalawang kambal. May homework kasi kami na kailangang tapusin ngayon." Tiningnan naman ako nito ng mapanuring tingin. At tulad ng dati, feeling inosente ang datingan ng mga mata ko. Puppy eyes ba! "May I see?" Nanlaki ang mga mata ko. "Seriously dad? Wala kang tiwala sa prinsesa niyo?" Umiling naman ito sabay abot ng kamay. "Let me see your homework," Final nitong wika. Nalintikan na! I must do something! "Okay dad." Sabay kunwari hanap sa shoulder bag ko. "Oh gosh! Naiwan ko pa yata sa bahay nila Kindy." Naghagulhol pa ako kunwari. Pagtingin ko kay daddy. Masama na ang timpla ng mukha. Mabilis naman akong yumakap dito. "Dad, I'm telling the truth. Don't be mad. Tomorrow, ipapakita ko sa iyo iyong ginawa namin okay. Huwag kang mag-isip ng masama sa anak niyo. I'm okay. I'm safe. Inihatid naman nila ako. Ask mo pa si poging guard," pilyang wika ko. Bumitaw naman ito ng buntong hininga. "Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo, anak. I told you, na huwag kang uuwi ng gabing-gabi na. Sa panahon natin, maraming taong 'di mapagkakatiwalaan. Mga babae pa naman kayo. Kahit na kasama niyo ang family driver nila kung sanggano naman ang nakaharap niyo, hindi kayo matutulungan ng driver na iyan," mahabang panenermon nito. Napahikab naman ako. "Dad, inaantok na ako!" Sabay pikit ng mata. "Tsk. Go to your room." "Goodnight daddy!" Mabilis ko itong hinalikan sa pisngi sabay pasok sa loob ng kuwarto. Napatalon pa ako sa katuwaan. Ang galing ko talaga magpanggap! Mabilis kong ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Nang bigla akong mapabangon. Bakit ba siya pumasok sa isipan ko! Nakangusong tanong ko sa sarili. Ang mga mata nitong malalalim kung tumitig. Akala mo nga eh, galit. Kaso, bakit naman siya magagalit eh, hindi ko naman siya kakilala? O baka nagagalit at hindi siya ang naisayaw ko? Napahagighik ako sa sarili kong kalukuhan. Kahit may kadiliman ang bar na iyon kanina, I think naman na guwapo siya. Pero may katandaan na nga lang. Nang may biglang umilaw sa makipot kong utak! Pumitik pa ako sa ere! Humanda ka sa akin Mr. Stranger! Babaliwin kita sa kalukuhan ko! Huwag ka lang talagang magpapakita sa akin sa sunod na punta ko ng bar. Dahil magsisisi ka. Natawa ako sa kabaliwan ko. Ang tanong, papatulan ka ba noon? Eh mukha ka ngang ineng diyan! Tsk. Sa ganda kong ito, tiyak kong hindi ito makakatanggi. Wala pa yatang tumanggi sa akin kapag ginusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD