"S-saan niyo ako dadalhin?!" nahihintakutang sigaw ko sa mga ito."Bitiwan niyo ako!" Umalpas na naman ang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit na ng mga mata ko sa kakaiyak. Pagod na pagod na rin ako. Sobra nang nanghihina ang buong katawan ko. "Huwag kang matigas! Tatamaan ka talaga sa akin!" sigaw ng halimaw. Nagpumiglas ako. Ngunit wala man lang ang lakas ko sa mga ito. Nagulat ako ng bigla na lang takpan ang mga mata ko. Itinali rin sa likuran ko ang dalawang kamay ko. "Pakawalan niyo na ako! Maawa na kayo!" Napahagulhol na ako. "Tumigil ka! Gusto mo bang pati bunganga mo, pasakan ko ng tumahimik ka!" Sigaw sa akin. "Tama na iyan. Dalhin niyo na siya kay Zekiel. May aasikasuhin lang ako." Kung 'di ako nagkakamali. Ang kapitan nila ang nagsalita. "Hindi ka sasama boss?" ta

