Kabado si Elias habang pinagmamasdan sa hindi kalayuan ang boss niyang si Marnix. Nasa isang club sila. Kasama ang kanang-kamay ni Boss Aiken. At ang pinagkakatiwalaan nito ay si Boss Marnix. Wala silang kaalam-alam na isa itong Secret Agent. Nakapasok ang boss niya dahil sa tulong niya. Nauna siyang nakapasok sa organization ng mga Mafia. Ilan din sa amin ang nakapasok sa grupo nila Boss Zekiel. Ang kanang-kamay ni Boss Aiken. Wala itong kaalam-alam na 'di na magtatagal ang buhay nito dahil planado na ni Boss Marnix kung paano ito papatayin. Ngunit ngayon, halos umurong ang buntot ko sa maaaring sabihin kay Bos Marnix. Ang pagkawala ng dalaga. Isang tawag ang natanggap ko sa mga agent. Iyon ang ipaalam ng mga ito na ang binabantayan noon ni boss ay nakuha ng mga sindikato. Hind

