Episode 7

1091 Words
Hindi ko maiwasan ang magpakawala ng mahabang buntong hininga habang nakatanaw sa malawak na hardin. Isang linggo na rin kaming nandito sa hacienda ng lola't lolo ko. Mas naisip ng daddy ko na dito kami dalhin upang mapalayo sa kamaynilaan. Walang nakakaalam isa man sa mga empleyado ng daddy ko na dito kami pumunta. Ang pagkakaalam ko, ipinaalam ng daddy na sa ibang bansa kami magbabakasyon. Gustong iligaw ng daddy ang mga taong posibleng naghahanap na sa akin. Nalaman ko rin na walang makakakontak sa daddy ko isa man sa mga empleyado nito. Maliban sa secretary nito na pansamantalang inihabilin ang kompanya. Isa na rin daw iyon na paraan upang walang makuhang impormasyon ang mga kalaban at mailigaw ang mga ito. Nagpalit din pansamantala ng sim card ang daddy ko. Even my mom. Kahit ako man, pinagbawalang gumamit ng cellphone o kahit magbukas ng social media account. Lahat ipinasara ng daddy ko para sa ikaliligtas namin. Pansamantala ring dito ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Ngunit kinausap na ng daddy ang mga Guro sa University na itago ang totoong Identity ko. At dahil pag-aari naman ni lolo ang University kaya hindi naging mahirap ang pagtatago ng totoong pagkatao ko. Kimberly Austante. Ang pansamantalang magiging pangalan ko sa labas ng mansion. Pinabago rin nito ang hairstylish ko. Ang mahabang buhok, pina-curly at pinakulayang blonde. Palagi rin akong may suot na contact lens sa tuwing papasok ng University. May suot din akong sunglasses. Nawala tuloy ang pagiging baby girl ko dahil sa pagbabago ng pananamit ko. Nagmukha tuloy akong amerakanang hilaw! Para akong marimar dahil sa buhok kong curly with blonde. Nagbago ang lahat sa isang iglap ng dahil lang sa isang flash drive! Nalulungkot akong pati mga kaibigan ko hindi ko na makukuntak pa. Kahit kasi ang mga ito, nagsitago rin at lumipad patungong ibang bansa. Iyon nga rin sana ang gusto kong sabihin kay daddy na sana sa ibang bansa na lang kami magtago. Pero naudlot ang binabalak ko nang malamang may darating na Personal Bodyguard ko raw. Hindi naman ako makatanggi. Sa bawat ikot ng mga mata ko, lahat may nakabantay na tauhan ng daddy ko. Kasama na roon ang mga tauhan ng lolo ko. Napakalawak at laki ng hacienda ng mga ito. Isang araw nga nang pumunta ako halos malula ako sa laki ng taniman ng mga mangga. May mga prutas at iba pa. Nakapunta na rin ako sa rancho. Napakaraming kabayo at iba't iba ang kulay. Nakakalungkot nga lang at hindi ako marunong mangabayo. Kahit gustuhin ko mang libutin ang hacienda ng lolo ko hindi ko magawa. Ayoko namang may nakasakay sa likuran ko na tauhan ng mga ito. Lalo't hindi rin naman papayag ang daddy ko. Wala yatang nakakahawak sa akin. Maliban lang sa lalaking nagnakaw ng halik ko. Kumusta na kaya iyon? Bigla kong ipinilig ang ulo ko. Kung bakit bigla kong naisip ang matandang iyon. Halata naman kasing malaki ang agwat nito sa akin. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng anumang pandidiri sa lalaking iyon. Para pa nga akong nabaliw ng maramdaman ko ang labi nito sa labi ko. Kaya nga yata sinunggaban ko rin ito ng halik! Bigla kong nasapo ang pisngi ko nang maramdamang umiinit iyon. Gosh! "Senorita.." "Ay kabayong malaki--!" gulat na sambit ko. Napayuko naman ang kasambahay. "Pasensya na po. Pinapatawag na po kayo para sa hapunan," magalang nitong wika. "Ah sige po. Bababa na lang ako. Salamat," nakangiting wika ko. KINABUKASAN. Pagbaba ko nang sala, naroon sila mommy at daddy. Kasama ang lolo't lola ko. "Gising na pala ang magandang apo namin!" rinig kong wika ni lola. Mabilis ko itong hinalikan sa pisngi. "Good morning, la!" wagas na ngiting wika ko. Binati ko rin si lolo, mommy at pang huli si daddy. "Ang ganda yata ng gising ng apo namin ah!" Si lolo. Nakaupo ako sa gitna ng mga ito. "Balak ko kasing tumulong sa pamimitas ng mga prutas!" "Talaga? Naku, magandang idea iyan apo. Para hindi ka mabagot dito sa bahay. Next week pa naman ang pasukan niyo," wika ni lola. "Huwag ka lang aakyat ng manggahan at baka mabalian ka!" natatawang wika ni lolo. Pati kasi pag-akyat ng puno, hindi ako marunong e. Noong sinubukan ko kasi bumagsak lang ako sa lupa. Mabuti na lang at mababa lang iyong puno. "Noted lolo!" wika ko. "Magbibihis lang po ako." At saka tumakbo ng kuwarto. Paglabas ko ay siyang bungad ng mukha ni daddy sa labas ng kuwarto ko. "Daddy?" "Usap muna tayo princess." Tumango ako. Nakasunod naman si mommy. "Bukas na darating ang magiging Personal Bodyguard mo. Gayoon din ang karagdagang tauhan na kinuha ko. Huwag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo at baka layasan tayo. Siya ang higit na maaasahan natin sa sitwasyon natin anak. Kaya please lang huwag kang pasaway at matanda iyon sa iyo. Hindi mo iyon kasing edad lang na gagawing laruan," mahabang wika ni daddy. Lihim naman akong napangiwi. Maka-laruan talaga si daddy, wagas. Pasaway at makulit ako pero hindi ko naman ginagawang laruan ang isang tao. Mabilis ko itong niyakap. "Yes dad. Magiging good girl na po ang prinsesa niyo. Tatawagin ko po siyang tito--" Nang biglang matawa ang daddy ko. "Hindi siya kasing tanda ng inaakala mo anak. Bata pa siyang tingnan. At huwag na huwag mo siyang tatawagin ng ganiyan. At baka nga layasan tayo. Ang pagkakaalam ko e, masyadong seryoso ang magiging Personal Bodyguard mo. Ayaw noon sa mga walang kuwentang usapan. Kaya 'wag kang magsasalita ng ikakairita lang noon." "Matandang binata ba siya daddy?" biglang tanong ko na ikinaubo nito. Ginulo nito ang buhok ko. "Gusot na nga daddy, ginulo niyo pa!" Sabay nguso na ikinatawa ng mga ito. "Kung ano-ano na naman kasi ang lumalabas sa bibig mo. Makikilala mo rin siya. Basta ang mga bilin ko sa iyo, 'wag mong kakalimutan. Kapag nasa labas ka nitong mansion. Ikaw si Kimberly at hindi si Scarlett, understand princess?" Sunod-sunod naman akong napatango. "Noted daddy. Hindi ko po iyan kakalimutan. I'm Kimberly Austante. Amerakanang hilaw!" Natawa naman ang mga ito. Napailing-iling pa. "Kaya ka napapahamak dahil napaka-pasaway mong bata ka." Bigla naman akong nalungkot. "Sorry na daddy. I didn't mea--" "I know, I know." Pagpuputol nito sa sasabihin ko. "Basta kailangan mo pa ring mag-ingat. Sa mga taong makakasalamuha mo sa labas. Before you talk, pag-isipan mo muna. Baka madulas ka. Magiging isang butas iyan kapag nagkamali. Hindi natin alam ang bawat mangyayari." "Yes po daddy. Magpapaka-matured na po ang prinsesa niyo. Mag-iingat po ako lagi sa bawat sasabihin ko!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko bilang pangangako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD