Pagkahimpil ng sasakyan, kaagad akong tumungo sa itaas kung saan kami nagkakatipong mag-aama.
Bumungad sa akin ang daddy ko, kapatid kong si Marco at dalawang Secret Agent na 'agad yumuko sa akin.
Isang tango naman ang isinukli ko.
Pagkatapos ng mga itong magpaalam, saka naman nagsalita ang kapatid kong si Marco.
"May pagbabago sa mission, bro."
Bigla naman akong napatitig dito.
"Ako muna ang hahawak sa mission mo kay Mr. Dossini. Ikaw muna dito sa bagong mission." At saka nito inihagis sa akin ang isang envelope.
Ngunit 'di ko iyon tiningnan at salubong ang kilay na tinitigan ang kapatid.
"Anong meron sa bagong mission at kailangan mong makipagpalit?" Kunot na kunot ang noo ko.
Ito ang unang beses na nakipagpalit ito ng mission. Huwag niyang sabihing may inaatrasan na ito?
Ngumisi ito.
"Kakaiba kasi ang mission. Hindi naman sa ayaw ko. Pero alam mo na, ako ang nag-aasikaso sa lahat ng mi-misyunin ng bawat Agent natin. So, naisip ko na ikaw na lang ang humawak niyan. Pero kung ayaw mo, walang kaso sa akin," wika nito.
Napabuga ako ng marahas. Anong klasing mission ba ito at hindi puwede ang kapatid ko rito?
Mabilis kong binuksan ang envelope at ganoon na lang ang pagkagulat ko.
What the?!
Pinakatitigan ko pa ang litrato at baka namamalikmata lang ako. Tiningnan ko pa ang ilang litrato nito.
Pero siya nga?!
Nang bigla akong mapabaling sa kapatid ng magsalita ito.
"Nag-iisang anak ng mga Le Voughne. Nasa panganib ngayon ang buhay nila dahil sa pagpulot ng flash drive na naglalaman ng evidences sa pagkamatay ng hari at reyna. At kailangan nila ngayon ng Personal Bodyguard ng unica hija nila. At isa sa atin ang gustong maging Personal Bodyguard ng anak nila."
Napatitig ako sa maamo at magandang mukha ng dalaga. Sa ngiti pa lang nito, halatang napaka-pasaway!
Hindi ko pa yata nakakalimutan ang ginawa nitong pagtakas sa akin sa Bebies club!
Hindi ko akalain na ang pinagkamalan kong bayarang babae ay matinong anak pala?!
Pero may matino nga bang madalas nasa Club?
Para akong tinuklaw ng ahas ng makita ang information ng dalaga.
Nag-aaral sa kursong Medisina at labing pitong taong gulang pa lang ito?!
What the hell?!
Sa laking bulas nito, napakabata pa pala nito?!
Alam kong bata pa ito tingnan. Pero di ko naman akalain na talagang napakabata pa nito!
Bigla akong napalunok at tinayuan ng balahibo. Lalo na nang maalalang hinalikan ko ito.
Damn! Child abuse ang dating ko noon ah!
Pinatulan ko ang batang may gatas pa sa labi?!
Bigla akong napasabunot sa ulo ko.
Nang bigla rin akong mapa-angat ng ulo nang magsalita si daddy.
"May problema ba son?"
Isang iling ang naisagot ko.
"Kung ayaw mo nang mission na iyan, bro. Walang problema sa akin. Ako nang bahala. Ikaw munang bahala sa mga agent natin. Alam mo na, kailangan kong manatili sa lugar kung nasaan ang anak nila para maprotektahan ito," wika ng kapatid ko na kaagad kong ikinatikhim.
Napaupo rin ako nang tuwid.
"No. Ako nang hahawak sa mission na ito," simpleng sagot ko.
Nang biglang tumikhim si daddy.
"Parehong-pareho ang mission niyo dati ng bunso niyong kapatid." Kita ko ang mapanuksong ngisi ni daddy.
"Oo nga dad! Baka sakaling magka-apo na kayo sa panganay niyo," segunda naman ni Marco na kakaiba ang ngisi.
Sarap bigyan ng pampatulog e!
Bakit hindi siya ang magbigay noon! Wala pa sa isip ko iyon! Tsk.
"Iyan ang pinakahihintay ko!" mabilis naman na sagot ni daddy.
Halatang tuwang-tuwa.
Kung sabagay, noon pa man kinukulit na ako ng mga ito na mag-asawa na. Pero mahal ko ang trabaho ko at hindi ko kayang ipagsabay ang pagpapamilya sa trabaho.
Kung sakali mang dumating ang araw na matagpuan ko ang babaeng papakasalan ko, bibitawan ko ang trabahong ito.
Dahil ayokong malagay sa panganib ang magiging pamilya ko.
Sa ngayon, trabaho muna ang fucos ko.
Bigla akong tumayo.
"Hindi pa ako nasisiraan para pumatol sa babaeng may gatas pa sa labi!"
Nang sabay pang humalakhak ang mga ito.
Mabilis naman akong nagpaalam, bitbit ang envelope.
"Baka kainin mo ang sinabi mo bro ah!" pahabol pa ni Marco.
Isang tsk ang pinakawalan ko.
Tumungo ako sa kuwarto at doon binasa ang tungkol sa pamilyang Le Voughne.
Doon ko rin nalaman kung paano nakuha ng dalaga ang flash drive na nilalaman ng evidences sa pagkamatay ng hari at reyna.
Napatitig ako sa flash drive na nakalagay pa sa maliit na box.
Mabilis kong kinuha ang laptop at kaagad binuksan ang video.
Biglang uminit ang gilid ng mga mata ko nang makita kung paano gahasin ang reyna. Kung paano pagpasa-pasahan hanggang sa mawalan ito ng buhay.
Umiigting ang panga ko habang nakakuyom ang kamao.
Bigla kong naisara ng pabagsak ang laptop.
Nagtaas-baba ang paghinga ko sa matinding galit. Talagang hindi maubos-ubos ang mga sindikato sa mundong ito!
Kailangan kong alamin kung sino ang nasa likod nila!
Nang bigla akong mapatitig sa litrato ng dalaga.
"Spoiled brat.." bulong ko sa litrato nito, sabay iling.
Halatang pasaway ang batang ito at madalas ngang nasa club.
Pero aaminin ko naman na hinahanap-hanap ko ito tuwing pupunta ako ng Bebies Club.
Nagbabasakaling - makita ko ulit ito.
Sisingilin ko lang naman sana ito sa pagtakas nito sa akin.
Na-insulto yata ako sa ginawa nito noon!
Pero simula yata ng mahalikan ko ito, hindi na ito bumalik pa ng Club na iyon.
Napailing na lang ako sa isiping natakot din naman pala.
Gumalaw ang Adams apple ko ng maalala ang malambot nitong labi. Ang mabango nitong hininga.
Bigla akong napapikit ng mariin.
Fvck! Napakabata pa pala ng hinalikan ko!
Ilang segundo kong tinitigan ang litrato nito hanggang sa sumilay ang isang ngisi sa labi ko.
Ano kayang magiging reaksyon mo kapag nakita mong ako ang magiging Personal Bodyguard mo?
Ang lalaking pinag-tripan mo?
ISANG LINGGO.
Dalawang maleta ang dadalhin ko.
Nandoon na lahat ng gamit na kakailanganin ko. Tulad ng baril, knife, bala, bomba at iba pa.
Saktong pagsuot ko ng jacket na itim ng pumasok ang kapatid kong si Marco.
Ang gag*, may pangisi-ngising nalalaman.
Simula yata ng kunin ko ang mission na ito, hindi na mawala ang ngisi nito. Nagmumukha tuloy itong nakangising aso.
Sarap batukan!
"Handang-handa na tayo bro ah!" ngising wika nito.
"Ngayon ang alis ko hindi ba?" Tumaas ang kanang kilay ko.
Pinapa-init nito ang ulo ko.
Alangan namang humilata pa ako.
Malayo pa naman ang lugar na pupuntahan namin, kasama ang ilang Agent na kinuha ni Mr. Le Voughne.
"Ay oo nga pala!" Pagkukunwari nito.
"Huwag kang mag-isip ng mga bagay na malabong mangyari!" At saka ito nilagpasan.
Rinig ko ang malutong nitong tawa.
Isinuot ko ang sumbrero at black mask. At saka binitbit ang dalawang maleta.
"Sabagay, neneng pa ang aalagaan mo."
Bigla akong napahinto. Talagang nang-aasar ang lukong ito ah.
Bigla nitong itinaas ang dalawang kamay ng makita ang nagbabanta kong tingin.
Alam naman nitong ayokong kinakausap ako sa mga bagay na walang kakuwenta-kuwenta.
Mabilis uminit ang ulo ko.
"Personal Bodyguard niya ako. Hindi niya ako yaya!" Umigting ang panga ko.
Bigla itong napa-atras.
"Relax ka lang bro. Ikaw naman hindi ka talaga mabiro." Sabay tawa nito at tapik sa balikat ko.
Kinuha nito ang isang maleta.
At bigla na lang itong napangiwi.
"What the fvck is this?!"
Biglang kumunot ang noo nito.
Ako naman itong napangisi.
"Inilagay ko diyan sa maleta iyong dalagang natitipuhan mo!" Sabay lagpas dito. "Ipapapain ko sa mga kalaban." Pang-aasar ko pa.
Rinig ko ang malutong nitong mura.
Hindi lingid sa akin na may natitipuhan itong babae. Isang teacher sa Elementary School.
Galing nga pumili eh. Isang guro. Gusto yatang magpaturo ng lukong kapatid ko.
At anong klasing turo kaya ang gusto nito?
Lihim akong napangisi.
Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit tinanggihan nito ang mission. Hindi yata kayang hindi makita ang bumihag sa puso niya.
Pero ewan ko ba at natuwa pa ako na ibinigay nito ang mission sa akin.
"Mag-iingat ka anak ha.." wika ni mommy.
Niyakap ko naman ito ng mahigpit.
"Yes mom. Huwag na kayong mag-alala. Masamang damo ang anak niyo." At saka binigyan ito ng matamis na ngiti.
Nasasaktan at nahihirapan din naman kami sa tuwing nakikitang nag-aalala ito.
Hinampas nito ng mahina ang braso ko. Pinalis ko naman ang luhang pumatak sa mga mata nito.
"Basta mag-iingat ka. Sobra akong nag-aalala at masyado kang mapapalayo ng matagal."
Hinaplos ko na lang ang likuran nito.
"Take care, son." Si dad. Sabay tapik sa balikat ko.
Nnag tumikhim ang lukong kapatid ko. Nakangisi na naman. Sarap talagang mang-asar!
"Ingat doon sa neneng na babantayan mo, bro. Baka mabihag ka--"
Nang bigla itong napatago sa likuran ni mommy.
Bibigyan ko sana ng pangpa-iwan na suntok e.
"Mommy oh. Si kuya!" Pang-aasar pa nito.
Biglang uminit ang mukha ko sa inis.
Hindi ko naman ito magawang saktan at naroon si mommy.
Si daddy patawa-tawa lang.
Nang hampasin ito ni mommy sa braso.
"Ano ka ba, huwag mo ngang iniinis ang kapatid mo. Mapapalayo na nga siya sa atin e.."
Niyakap naman ito ng kapatid ko mula sa likuran.
"Relax lang kayo mommy. Matatapos din kaagad ito ng kapatid ko. Si kuya pa! 'Di ba kuya?" Pang-aasar nito.
Isang matalim na tingin ang isinagot ko rito.
"Alis na ako."
At saka sumakay sa sasakyan.
Doon naman ito lumapit sa akin. Seryoso na ang mukha nito.
"Alam mo kung saan mo ako kukuntakin, incase na delikado ang sitwasyon."
Isang tango na lang ang isinagot ko.
Habang nasa byahe, hawak-hawak ko ang litrato ng dalaga.
Pakiramdam ko tuloy, sa akin ito nakangiti.
Bigla akong napatikhim sa kabaliwang naisip ko.