Episode 40

2334 Words

ARAW NG LUNES. Bigla akong napangiti ng makita ang kaibigan kong nakaupo na sa loob ng classroom. Nakakapagtaka man at hindi ako nito hinintay sa labas ng gate tulad ng dati, ang mahalaga ay nakapasok na ito. "Bes!" Panggugulat ko rito. Ngunit napawi ang mga ngiti ko ng para itong wala sa sarili. Ni hindi man lang nagulat. Lutang ang itsura nito. "May problema ba? Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko. Napag-alaman ko kasing sumama ang pakiramdam nito kung kaya hindi nakapasok. Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata. Napalunok ako ng para bang maiiyak ito. Pilit din nitong iniiwas ang mga mata sa akin. "Okay lang ako. Medyo nanghihina lang." "Gusto mo bang dalhin kita sa hosp--" "Ayos lang ako." At saka ito tumitig sa akin. "Bakit?" Bigla akong kinabahan sa paraan ng titig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD