Napabuga ako ng hangin ng makita ang mga tauhan ni daddy na lalong dumami. Kahit saan yata ako lumingon may mga nakabantay. Sa loob man o sa labas ng mansion. Halos paikutan yata ang buong kabahayan. Ang agent na higit na pinagkakatiwalaan ni daddy ang siyang naglilibot sa loob ng mansion. Ang tatlong agent na babae naman ang pumupunta sa 2nd floor kung nasaan ang kuwarto ko. Simula ng mangyari ang aksidenteng pagkakabunggo ko sa isang stranghero, hindi muna ako pinapasok nila daddy hanggat hindi nalalaman kung sino ang lalakeng iyon. Hindi rin muna ako pinapalabas kahit pa sa rancho o sa hacienda. Nababagot man ngunit wala akong magawa. Nagmumukmok lang ako sa loob ng kuwarto. Iniisip ang nobyo kung kailan ito babalik. TUMUNGO ako sa library ni daddy. "Dad.." "Yes, princess?"

