Muli akong namangha sa ganda ng talon. "Ngayon puwede ka nang maligo ng nakahubad.." bulong nito sa tainga ko. Parang may kung anong dumaloy na mainit sa tiyan ko pababa sa p********e ko. Tinayuan din ako ng balahibo sa braso. Nakayapos ito sa baywang ko habang nasa likuran ko. Nagdala talaga ako ng pampalit mamaya at balak kong maligo. Pero wala sa isip ko ang maghubad dito! Nakasuot akong swimsuit na pinatungan ng pants. "Anong hubad ang sinasabi mo?" Sabay lingon dito. "Swimsuit suot ko no?" Sabay irap dito. Siguradong umiiral na naman ang kamanyakan nito. Nang bigla itong matawa. Napalunok ako ng maghubad na ito ng t-shirt. Gosh! Nakita ko na naman ang mala-adonis nitong katawan na namumutok sa muscles. Sinunod nito ang pants nito. Para akong tanga na napaiwas pa ng tingin.

