"Kei, kasali ka ba sa basketball team?" Tanong ng kaniyang kaklasing si Russel Walker.
"Oo, kasali ako---" sagot nito kay Russel.
Sa ngayon ay nasa 3rd year high school na si Kei sa isang exclusive school sa Manila. Ang mga mag-aaral dito ay mga galing sa mayayamang pamilya. Ang negosyo ng mga Lhomeyer ay ang Lhomeyer Astra Motors. Pinakasikat din siya sa kanilang eskuwelahan at mayroon ding silang pagmamay-aring eskuwelahan, ang Holy Cross University. Balak ni Kei na maging isang napakagaling na abogado at negosyante balang araw. Subalit sa kabila ng pagiging sikat niya sa eskuwelahan ay ang pagiging mapaglaro siya sa mga kababaihan. Laging nakatingin si Keiner sa direksyon ni Miyaka. Hindi rin matatawaran ang kaniyang talino at galing sa lahat ng larangan.
"Do you know who is that girl?" Tanong ni Kei kay Russel sabay turo niya kay Miyaka.
"Yes, she is Miyaka Garcia. Anak siya ng nagmamay-ari sa sikat na clothing brand. Napakayaman ng pamilya nila," tugon ni Russel sa kaniya.
"Anong year na siya?"
"I think nasa 2nd year high school pa lang siya.Ang ganda niya hindi ba Kei? Pero ang pagkakaalam ko, hindi 'yan palakibo at kaya't walang gustong manligaw sa kaniya. "
"Oo, maganda siya. Napakaganda niya."
"Don't tell me, interesado ka sa kaniya. "
"You know me pagdating sa mga girls."
Lalapitan sana ni Kei si Miyaka ngunit lumapit sa kaniya ang kaibigan nito.
"Miyaka, halika na baka mahuli pa tayo sa subject natin," nakangiting wika ni Julie sa harapan ni Miyaka.
"Oo, sige, tara na!" Wika ni Miyaka kay Julie.
Si Miyaka Garcia ay nasa 2nd year high school na at sila ang nagmamay-ari ng Paris Clothing Company. Laki sa laway si Miyaka ngunit kahit laki siya sa material na bagay nananatili pa rin ang ganda ng kaniyang kalooban. Kinahapunan, umuwi si Keiner sa kanila at nadatnan nito ang kaniyang daddy na kausap niya si Mr. Noah Garcia.
"By the way, he is my son, Keiner..." Pagpapakilala ng daddy niya sa kaniya.
"Nice to meet you, Mr. Garcia," saad ni Keiner kay Mr. Noah na daddy naman ni Miyaka.
Ngumiti lang si Noah sa kaniya. "Your son is very handsome."
Pumasok na ito sa kaniyang room at naglaro siya ng computer games. Ilang sandali lang ay pumasok ang kaniyang daddy sa loob ng kaniyang kuwarto.
"What's up dad!" Wika niya habang naglalaro siya sa computer.
"I want to tell you something," seryosong sambit naman ni Mr. Thomas sa kaniya.
"What?"
"You know that the Garcia are a rich family. I want you to make a way for you to get them to share their shares in our company. I wanted to buy their property, but Noah refused."
"What can I do dad?"
Huminga nang napakalalim si Mr. Thomas na daddy ni Keiner. Gusto kasi niyang mapalawak ang kaniyang sariling company at lalong yumaman pa. Gusto niya rin bilhin ang kumpanyang pagmamay-ari nina Miyaka.
"Doesn't he have a daughter?"
"He have dad. You mean dad you want to build a new business? Are you already interested about clothing brands?"
"I want you to court her. When you flirt with her, we can easily carry out our plan. I want to change my taste about business. Not just motors and cars. I also like clothing brands now and that’s where the Garcia's wealth comes from."
Nag-isip si Keiner kung tama ba ang gagawin niya. Dagdag pa ng kaniyang daddy, kung makukuha niya ang puso ng dalaga may makukuha rin daw siya. Kapag naisagawa na nila ang plano, puwede na niyang iwan ang dalaga. Nagplano rin si Keiner na makuha ang kayamanan ng mga Garcia kung makukuha nito ang puso ni Miyaka. Kung napapaikot na niya ang dalaga sa kaniyang mga palad, mas madali na lang niya maiisagawa ang kaniyang plano.
"Okay, dad, for the sake of money," nakangiting wika ni Keiner sa kaniyang daddy.
Kinabukasan ay balak na niyang isagawa ang kaniyang plano. Lahat ng girlfriend niya ay binreak niya ang mga ito ng sabay-sabay. Sa totoo lang, ginagawa niya lang ito para sa pera at napagkasunduan nila ng kaniyang daddy. Nilapitan niya ang dalaga. Kilala nila si Keiner bilang isang playboy na binata sa kanilang paaralan.
"Hi, Miyaka---" pagpapakilala ni Keiner sa kaniya.
Nagpatuloy lang ang dalaga sa pagbabasa ng books sa loob ng library. Hindi niya pinapansin si Keiner. Umalis ang dalaga sa kinauupuan nito at lumipat ng lamesa. Biglang lumapit ang kaniyang best friend na si Julie.
"Uy, si Keiner na ang lumalapit sa'yo ayaw mo pa? Ang guwapo na nga niya. Kung ako kakausapin ko siya---" seryosong wika ni Julie sa kaniya.
"Hindi naman ako interesado, alam mo iyan Julie. Isa pa pag-aaral ang ipinunta ko rito. Isa pa maraming girlfriends iyan," tugon ni Miyaka.
"Bahala ka nga--" wika niya at pinuntahan niya si Kei.
"Hi Kei---" pagbati ni Julie kay Keiner.
"Y-you are my best friend's girlfriend---" tugon ni Kei sa kaniya.
Si Julie Gragasin ay ang girlfriend ni Russel Walker. Mayamang pamilya rin ang mga Gragasin's Family at ang kaniyang tatay ay isang sikat na inhenyero sa bansang Ukraine at ang business ng kaniyang mommy ay isang restaurant.
"Yes, I am Russel's girlfriend. Are you interested of my bestfriend?" Malambing na turan nito kay Keiner.
"Yes, pero parang ang sungit niya," wika ni Keiner sa kaniya.
"Naku, pakipot lang iyan. Hindi naman iyan makakatanggi sa'yo, halika ipapakilala kita."
Ipinakilala ni Julie si Kei kay Miyaka subalit nanatili lang tahimik ang dalaga. Kahit nagaguwapuhan siya sa binata, iniiwasan lang niya ang masaktang muli. Mayroon kasi siyang naging kasintahan subalit iniwan lang si Miyaka sa bandang huli. Ang kaniyang naging kasintahan ay si Jiro Hotohori. Umuwi na ito sa bansang Japan upang magmodelo siya roon at maging artista. Iniwan niya si Miyaka para sa kaniyang mga pangarap. Magmula nang makilala ng dalaga si Kei, naging masayahin ito at nagsimula na ang kanilang pagkakaibigan. Hindi na muna niya niligawan ang dalaga dahil gusto nitong mapalapit talaga si Miyaka sa kaniya. Umuwi na si Keiner sa kanilang mansion at nadatnan nito ang kaniyang daddy at mommy.
"You doing great, son---" pagpupuri ng kaniyang mommy Raiza at daddy Thomas sa kaniya.
"Thank you mom and dad, malapit na," tugon nito sa kanila at sila ay nagtawanan.