Prologue
"Good Morning sir Lohmeyer," pagbati ng mga estudyante sa kaniya.
"Good morning CPA students," pagbati nito sa kaniyang mga estudyante.
Nagturo na ito at sa hindi inaasahan biglang tumawag ang secretary nito sa kumpanya.
"Hello, why?" Pagtatakang tanong nito sa kaniyang secretarya sa kabilang linya.
"You have an important meeting sir together with Mr. Walker."
"Okay sige, sabihin mo papunta na ako."
Bigla siyang nag-anunsyo sa kaniyang mga estudyante na aalis muna siya at may importante siyang meeting. Pagdating sa kaniyang sariling kumpanya, ang Lohmeyer Astra Motors. Sinalubong siya kaagad ng kaniyang sekretaryang si Jerome. Pumasok na siya sa kaniyang opisina at ang kaniyang matalik na kaibigan niya pala ang dumating.
"How are you, Professor Keiner?" Pagbibirong tanong ni Russel sa kaniya.
"Tss... Don't call me a professor," tumatawa niyang sagot kay Russel at nag-smirk siya.
Umupo na ito sa kaniyang upuan at nagbukas ito ng isang bote ng alak. Humithit din ito ng sigarilyo at nagkuwentuhan sila ng kaniyang kaibigan.
"Alam mo, Kei, na-amaze ako sa iyo."
"Why?"
"Because napagsasabay mo ang pagiging isang propesor sa inyong university at ang sariling kumpanya mo. Kailan mo ba papakasalan si Ysabelle?"
Tumawa lang ito at naging seryoso ang kaniyang mukha pagdating sa usapang pagpapakasal nito sa kaniyang girlfriend na si Ysabelle Austria.
"Wala pa akong planong magpakasal, Russel. Besides, we haven't talked about that yet."
"Ohhhh... But you are very successful businessman at alam kong kayang-kaya mo na ang mag-alaga ng pamilya."
"Huwag muna sa ngayon..."
"Don't tell me, kaya ayaw mong magpakasal dahil ito kay Miyaka."
Biglang tumalim ang tingin ni Keiner sa kaniyang kaibigan.
"Oh! Oh! Nagbibiro lang ako. Huwag mo naman akong seryosohin ng ganyan, Kei. Hindi ba't high school lover lang kayo?"
"Yes, forget about that woman."
Ang hindi alam ni Russel na may lihim siyang itinatago, tungkol sa dalagang si Miyaka Garcia. Labis naman ang pinagtatakhan ng binatang si Russel dahil pitong taon na ang nakakalipas magmula nang naging sila ni Keiner.
"Subukan mong magpakita sa akin, Miyaka, I will kill you!" bulong sa sarili ni Keiner.