10 ang mga tribo sa shuttle ISANG oras pa bago nila marating ang pamilyar nang destinasyon. Nasa industrial area ng Sharjah ang workshop. Dati, pagrerepair ng mga aircon ng hotel ang negosyo ni Mitoy, lalo na iyong mga pag-aari ni Al Hashim Monsouri. Pero noong kumikita na ng malaki si Mitoy, nagdesisyon siyang magpundar ng sarili niyang kumpanya, at naging backer, patron at consultant si Al Hashim. Pumutok ang Gulf War, at maugong ang negosyo ng pagkukumpuni ng mga higanteng aircon at generator ng mga barko. Bumulong si Al Hashim na ’yun ang pasukin niya. Nakinig si Mitoy. Pero noong bandang huli, humina ang negosyo dahil dumami na rin ang mga kumpanyang may katulad na serbisyong inilalako. Si Al Hashim ang nagrekomenda ng pangalan—Shuttle Engineering—na kinagat naman ni Mitoy. Para

