13 si mitoy, isang madaling-araw ALAS tres y medya ng umaga nang magising si Mitoy, nanginginig, pinipilit niyang makatulog muli pero ayaw nang bumalik ng antok. Mamaya pa’ng alas singko ang hatid sa kanya ng taxi patungong airport. Bakit pa kasi niya naisipang matulog dito sa bahay niya sa Chopin? Tulog na marahil ang nanay niya, hindi na maaring bulabugin kung tatawagan. Gusto niyang tawagan si Alvin pero hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin at paano pagugulungin ang pag-uusap kung sakali. Ayaw naman niyang bulabugin si Veronica, na alam niyang pagod rin sa pagaasikaso ng kanilang negosyo. Umuungot ang askal na nakatali sa may garahe. Nang tumagal, kumakahol na ito. Naramdaman nito na siya’y gising. Nagpapakalag ng kadena. Istorbo talaga ang asong ito, pakakawalan na sana

