19 screwdriver reprise “’YUN na pala ang honeymoon. ’Yung inuman nilang ’yun. Pagkaraan, matutuklasan ni Antonio na mas malala pa sa bungangera ang bago niyang amo. Lahat, pinapansin. Ultimo pagpihit ng turnilyo hanggang paglalapat ng wiring. Lahat, pinalalaki. Ang tatlong bote ng beer na iniinom ng mga manggagawa pagkaraan ng mabigat na trabaho sa barko ay umaabot sa kanya na isang case ng beer. Ang pagiging magiliw sa kababayang bagger ng Carre Fore grocery ay napapalaki at nagiging date. Mas malalang magkalat ng tsismis ang kapwa lalaki, dahil hindi nila kailanman aaminin na tsismoso sila. Sasabihin nila, “mahilig lang akong makibalita.” At dahil nagkalat ang espiya ni Mitoy sa workshop na nagmamanman at nakikinig sa mga sandaling wala kamalay malay ang minamanmanan, natukoy si An

