20 pagtawag sa ina

637 Words

20 pagtawag sa ina BIYERNES. Kagaya ng nakaugalian na, tinatawagan ni Mitoy ang nanay niya sa Pilipinas. Alas otso ng umaga sa Sharjah, at alas dose ng tanghali sa Tandang Sora. Kasalukuyang nagpupunla ng mga talong at kamatis si Nanay nang kumiriring ang telepono. “Gondina! ’Yung telepono!” Humahangos na dinampot ni Gondina ang instrumento. Bumubula pa sa sabong panlaba ang kanyang mga kamay kaya pinunas muna niya iyon sa gilid ng kanyang lumang maong. “Sandali lamang po, nasa labas pa.” Kinalabit na ng matanda ang kasambahay at inabot na nito ang telepono. “Nagpupunla kasi ako sa labas. O, anong balita?” Tumawid sa mga kable ang balitang singtalas ng lintik. Iniisip noon ni Nanay kung saan nga ba niya nailagay ang litrato ng hayop na babaeng iyon nang maisipan niyang ipakulam i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD