21 morning delight

851 Words

21 morning delight KINABUKASAN, nagising si Antonio’ng masakit na masakit ang ulo. Mag-isa na lang siya sa silid. Bumaba na siya sa kusina, at naabutan niyang nagsasangag si Ernie ng tirang kanin para sa kanilang agahan, at kumakapit ang amoy ng margarina sa kusina. Maya-maya’y pumasok si Mitoy. Nagmumura. Nawawala daw sa shed ang kabibili niyang drill. Mahal daw iyon. “Di ba ikaw ang huling gumamit no’n Antonio?” “Ako nga. Pero ibinalik ko sa dati nitong taguan.” “E pa’no kaya ’yun nawala sa stockroom, aber? Naglakad kaya?” “Aba’y ewan ko ho. Tanungin niyo ang iba.” Suminghot singhot si Mitoy, nalanghap ang margarina. “Ano ba ’yan, para tayong naglalako ng pandilimon at monay dito. Hindi ba kayo naiirita sa amoy?” Nakayuko si Ernie, nakamata naman sa linalanggam na tinapay sa mes

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD