22 si macky “WOW! Ang dami mong comics! Sa ’yo ba ’tong lahat?” Namimilog ang mga mata ng batang si Antonio, hindi makapaniwala sa kaban ng kayamanang natuklasan niya sa kabinet ng kaibigan niyang si Macky. Tag-araw ng 1967 iyon, at wala nang ginawa ang dalawang magkaibigan kundi magbasa ng Marvel comics, kumain ng masaganang merienda, umakyat sa mga puno, mamingwit sa ilog, maghabulan sa bubungan ng bahay. Pinagnilayan na ni Antonio ang sinag ng araw na dumausdos sa kurtina ng bintana sa kuwartong iyon ng kanyang kaibigan, noong maalinsangang Marso ng taong 1967. Sing-asul ng plastik sa holen ang langit, kumikinang ang kaputian ng mga ulap, at nangingislap sa sikat ng araw ang mga dahon ng kaimito. Naisip isip niya, pagkaraan ng marami-raming mga taon, kung bakit tila napatigil siya

