23 pagpanhik

960 Words

23 pagpanhik NAKAUPO si Antonio sa harap, at binabaybay ng sinakyan niyang pulang Land Cruiser ang highway patungong North Expressway. Nasisilaw siya kaya hinila niya ang de-tiklop na mirror compartment ng sasakyan. Nagliparan ang ilang resibo, at pabulong siyang nagsorry habang dinarampot niya ang mga iyon sa sahig. Nangiti ang drayber, si Mang Delfin, at nag-alok ito ng Camel. Kanina pa sila hindi nagkikibuan. Mula sa labas, sa isang maulap na umaga ng Mayo, 1984, maaring sabihin ng sinumang bumabaybay sa anumang sasakyan sa highway na iyon na nagtratrabaho marahil sila sa Bureau of Plant Industry, hayun ang logo na nakatatak sa side door, at hayun ang plakang pula ang titik, na nagpapahiwatig na government owned ang transport. Kahit siya’y naaaliw sa kanilang pagkukunwari. Naaaliw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD