24 sabong NANG umuwi si Antonio sa Pilipinas noong 1995, rinenovate ang Shuttle. Nagkaro’n nga ng mas maluwag na worker’s quarters at carpark. Pero nagtipid si Mitoy at hindi pa pinalitan ang bubong ng mismong shop. Katwiran niya, hindi naman iyon tinutulugan ng mga manggagawa. Kaya kapag panahon na ng tag-ulan, umaakyat pa ang iba sa kanila para takpan ng plastik na trapal ang mga bubong. Hindi pa rin sumasapat ang trapal dahil lumulusot pa rin ang ulan sa mga butas. Nagkakataong ang lakas ng tulo ng bubong doon sa may mga generator at matitisod ka sa dami ng palangganang nakakalat, maiingay ang patak ng ulan na akala mo kalansing ng barya sa buslo ng abuloy ng simbahan. Maraming beses na itong binanggit ng mga manggagawa kay Mitoy, pero wala siyang ginawa. Samantala, mas inispoil n

