Kilalanin si Luna Sicat Cleto 1) Paano ka naging manunulat? Naging manunulat ako kasi ipinanganak akong reklamador at laging sinasabi kung ano ang nasa isip, na ikinapapahamak ko tuloy. Naging manunulat ako kasi naging mga magulang ko ang mga tinuring na mahuhusay na kuwentista at mangangatha ng ating panahon. Hindi nila ako tinuruang magsulat, ngunit nalanghap ko ang parehong hangin na kanilang nalalanghap, dahil binasa ko ang mga akdang humubog rin at humutok sa kanilang mga sensibilidad. Naging manunulat ako kasi hindi ako naging isang pintor—kaya nagpinta na lang ako ng mga larawan sa salita, humagip ng mga mukha’t katawan sa kulay at imahe ng pinsel ng teksto. 2) Kumusta naman ang pagiging manunulat? Hindi madaling maging manunulat sa ating panahon, at testigo ang aming pamilya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


