Mga Gabay na Tanong para sa klasrum o sa book club 1. Ano’ng sinasabi ng nobelang ito ukol sa buhay manggagawa sa panahon ngayon? Ito ba’y tumutugma sa ating mga nababalitaan ukol sa kalagayan ng mga OFW sa Dubai? 2. Malaking inspirasyon sa istruktura ng nobela ang mga natunghayang videoclips mula sa YouTube. Dahil nasulat ang nobela na hindi nakaaalis ang may-akda patungo mismo sa U.A.E., ano sa palagay ninyo ang naging mga malikhaing paraan ng awtor? 3. Tinatalakay ng nobela ang karanasan ng mga beterano noong WWII at pati na rin ang malungkot na yugto sa kasaysayan ng kilusan, ang purge. Paano nakadadagdag ang mga pangkasaysayang pangyayari na ito sa ibig sabihin ng kuwento mismo, ukol sa karanasan ni Antonio, at ukol sa karanasan ng mga Pilipino?

