Tungkol sa Awtor

104 Words

Tungkol sa Awtor Nagsimula sa larangan ng dula si Luna Sicat Cleto, at ngayo’y nahiyang sa pagsulat ng prosa at nobela. Ang Mga Prodigal ang ikalawa niyang akda. Noong 2005, nakamit ng kanyang unang nobela, ang Makinilyang Altar (UP Press, 2003) ang Madrigal Gonzales Prize for Best First Book. Isa rin siya sa mga kuwentista ng KATHA, at nalathala na sa mga antolohiyang kagaya ng Impetu, Forbidden Fruit at Relasyon ang kanyang mga maikling kuwento. Nagtuturo si Luna Sicat Cleto ng mga kurso sa panitikan at malikhaing pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Kabiyak siya ni Norberto B. Cleto, at may isa silang anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD