epilogo Babaybayin muli ni Antonio ang iisang kalsada pauwi sa Gerona, Tarlac, para dumalo sa libing ng tatay niyang beterano. Sa daang iyon, nakita niya ang mababang paaralan na pinasukan niya, ang simbahan, ang munisipyo. Tila naging kakulay ng lahat ng ito ang nalagas na ngipin. Nagkagulang mismo ang kalsada. Naagnas ang aspalto, nagpapakaldag ng sasakyan. Kabalintunaang tila ang mga punong kumakaway sa daan na lamang ang hindi nagbago. Ito pa rin marahil ang mga punong nagbigay lilim sa mga sugatan at talunan, sa panahon ni Papang. Sila ang mga nakasaksi sa mga pagtakas at pagbabalik. Alam ni Antoniong malaki ang posibilidad noon, bago siya umalis, na baka sa pag-uwi niya, bangkay na’ng tatay niya. Higit otsenta na ito, marami nang mga sakit. Hinihimatay na sa simbahan ang dating

