40 hale GALING sila sa siningil nilang kliente sa Fujairah, at napansin ni Antonio na medyo nanginginig ang matanda. Dumaraan sila noon sa isang highway na tanaw ang mahabang bulubundukin ng Hajjmat. Kamukha ng mga bundok na iyon ang quarry sa nakakalbong bundok ng Montalban, malapit sa sinasabi nilang magkabanggang tipak na itutulak daw, ayon sa alamat, ni Bernardo Carpio kapag nagising na ito sa mahabang pagkakahimbing. Ito ang naalala niya sa mga bundok na ’yun nang bigla na lang, parang pinupukol ng maraming maraming mga bato ang bubong ng sasakyan. Umuulan na pala ng yelo! Hale na pala ’yung lumalagutok sa bubungan ng Nissan Patrol. Natakot si Hashim na baka mabasag ng mga ito ang windshield ng sasakyan. Tumigil muna sila sa isang covered area. Nag-iisa ’yung gusaling ’yun sa hi

