39 ang daan pabalik NAG-ABOT ng isang libo si Papang nang malapit na sila sa gasolinahan. Nakangiting kinuha ni Antonio ang malutong na pera at inamoy amoy. “Akin na lang ’yung sukli ha?” at tumango lang ang tatay niya. “Sa’n niyo gustong kumain mamaya, Pang?” “Kahit saan—basta malinis, malamig at masarap ang ulam.” Pulso, pantog at sikmura ni Papang ang giya ng nagmamaneho, at galing rin sa kanyang bulsa ang kanilang panggastos sa pamamasyal. Umaandar ang liwaliw mula sa wartime compensation na kay tagal ding inabangan nito. Natanggap niya ang unang lump sum bilang beterano, pagkaraan ng ilang mga dekada ng paghihintay sa wala. Sa edad na 87, dalawang dekada ng kanyang buhay ang naigugol niya sa pagsusundalo. Pagkaraan ng mga biyaheng ito, doon lamang nila makukuwenta na gumagasta

