38 gabi KAMAKALAWA pa’ng naganap ang pagputok ni Treb. Huwebes na naman at abala ang mga Pangalatok sa kanilang pagsamba, namumutiktik ang hangin sa “kung hindi ako umibig/kung hindi ko man bigyang halaga/ang buhay ko’y handog/ang buhay ko’y hiram sa Diyos . . .” Nasinop na ang mga trays, kubyertos, at baso. Napunasan na ang mga mesa. Nailigpit na ang mga kaldero. Pinadlock na ang pantry at mess hall. Sa quarters ng mga manggagawa, nakasubsob si Treb sa mesa, humahagulgol. Malakas ang radyo niyang nagpapatugtog ng Bon Jovi. Maingay, makalansing, basag ang bass. Pero walang magkalakas loob na katukin siya. Katabi niya ang kinalas na magnetic starter at switch, kalong niya ito na parang sanggol. Ito lang ang paraan niya para hindi siya malunod sa kanyang mga iniisip. Ang hawakan sa kan

