Hindi pa manlang natatapos ang Nasabi'ng Event ay nagpaalam na ako Kay Marie na uuna nalang umuwi, Kaya ko naman mag commute kaya Hindi na ako nito pinigilan pa, Habang naglalakad palabas nang nasabing Hall ay nakasalubong ko nanaman si Nathan, Agad Ito'ng lumapit saakin Saka pilit ako'ng hinaharangan sa daraanan ko.
“Where are you going?” Tanong nito habang naka harang sa glass door.
“Uuwi na, Will you please get out of my way?” Hindi ko Naman iyo tinarayan ngunit nasa tono ko ang pag mamadali.
“Sandali Ihahatid na kita!” Sabi ng binata.
“Hindi na, Kaya ko nang umuwi mag Isa”
“Hintayin mo ako dito kukunin ko lang yung motor ko!" Agad nga ito'ng tumakbo palabas sa kabilang exit dahil Nasa parking lot ang kaniyang motor, Pero nang umalis ito sa harapan ko ay agad na ako'ng ok lumabas sa nasabi'ng hall, Sakto namang may dumaan na Taxi kaya agad na ako'ng sumakay.
Bahala na si Nathan sa gusto niyang isipin pero sa mga nasaksihan ko kanina habang kasayaw niya yung celebrant na isip ko'ng ayaw ko'ng mapalapit sa Isang babaerong kagaya niya!
Bahala ka sa Buhay mo! bulong ko sa sarili ko habang lulan nang taxi.
Naiinis na ako sa sarili ko, Bakit ba ako nag kakaganito! Minabuti ko nalang na umidlip sa taxi total ay Malayo layo pa Bago ko narating ang Bahay namin, Ipipikit ko pa lamang sana ang mga mata ko nang sunod sunod na tumunog ang cellphone ko, Agad ko'ng tiningnan at halos manlaki ang mata ko nang mapansin ang mensahe saakin ni Nathan.
“Where are you Kim? Sabi ko hintayin mo ako, Ihahatid kita Diba?"
“Bakit mo ako iniwanan?”
Sunod sunod na txt message nito.
Bakit kung Maka demand ito saakin ay parang may commitment ako sakaniya?
“I just left! May magagawa ka?” Wala sa sariling reply ko.
“May nagawa ba ako sa iyo? Bakit ba nilalayuan mo ako?” Reply Naman nito.
“I just don't like a guy who is a f*****g womanizer!” Reklamo ko.
“I am not, Hindi ako ganiyang klaseng lalaki, For petesake!”
“Then patunayan mo!” reply ko Naman.
“Give me a chance, Ok! Kilalanin mo Muna ako, Don't judge me too soon Babe!" He said!
“Babe?” Tanong ko sa txt.
“Yes Babe!” He replied.
“Babe mo mukha mo!” Reply ko Naman.
“See you tomorrow morning, Sa University!”
“Wag mo naman ako'ng pahirapan nang ganito!”
Sunod sunod na mensahe nito na Wala na ako'ng balak pang replyan..
•••••••••••••••••••••••••••••
Narating ko ang bahay namin at agad ako'ng sinalubong ni Mama, Tuwang tuwa ito habang nakatitig saakin.
“Aba, Ang Ganda Naman nang anak ko! Bakit Naman ganiyan ka kapal Ang make up mo anak?” Wika nito... Pero tuwang tuwa naman ito sa kinalabasan.
“Si Marie Po kasi dinagdagan pa Yung make up ko! Siya nga pala mama may General meeting Po sa University Bukas sa lahat nang year!”
Tumango tango si Mama.
“Ok Anak, kumain ka naba?” Tanong ni Mama.
“Opo Mama, Ito Po pala Yung kinita ko kanina!” Inabot ko dito ang Isang Sobre.
“Salamat Anak, Halika na sa loob!” Hinila na ako ni Mama Papasok. .. . Nag derederetso na ako sa loob Saka agad nang nag Mano Kay Papa.
“Aakyat na Po Muna ako sa kwarto medyo inaantok na Po kasi ako!” Paalam ko sa mga ito.
Tumango Naman si Mama at si Papa, Kaya agad na ako'ng pumanhik sa kwarto ko, Nang makapasok ay nag lock Saka nag bihis nang pambahay at nag hilamos.
Sumalampak na ako pahiga nang kama, Nang bigla namang tumunog ang cellphone ko, Padabog ko'ng hinila ang hand bag ko na nakapatong sa bedside table ko Saka kinuha ang cellphone, Si Nathan nanaman ang tumatawag. ... Pinatay ko ang tawag nito, Maya Maya ay tumatawag nanaman ang binata.
Wala ako'ng nagawa kung hindi Ang sagutin Ang tawag, Inaantay ko itong mag salita sa kabilang linya .
“K-Kim?” wika nito.
Malalim ako'ng napa buntong hininga
“Ano nanaman ba yun Nathan?” Iritado ko'ng turan.
“I just want to ask if your home now? Nandito ako sa labas nang bahay niyo!" Halos manlaki ang mata ko sa sinabi nito... ..
Agad nga ako'ng tumayo at nagtungo sa bintana, Kitang kita ko ito habang Nakasandal sa motor niya at naka dikit Ang cellphone sa tenga.
“Ano ba ang ginagawa mo rito? Oo nakauwi na ako pwede ka nang umalis!” Mataray ko'ng Asik sa binata.
“Bakit ba Galit na Galit ka sakin? May nagawa ba ako'ng Mali sa iyo?” Bigla ako'ng nagulat sa tanong nito.
Saka agad nang napa isip, Oo nga , Wala siyang Ginagawang masama saakin, I just don't know why! bulong ko sa sarili ko.
“Sige na i-inaantok na ako!” Papatayin ko na sana ang tawag nito nang bigla nanaman itong mag salita.
“Wait, Pwede ba ako'ng pumasok? Hihingi ako nang permiso sa mga magulang mo, Gusto kitang ligawan Kim!” Halos manlaki nanaman ang mata ko sa sinabi nito.
“No! Not now! M-Mag usap nalang tayo sa school!” Natataranta ko'ng turan... Ayaw ko'ng pumasok nga ito sa bahay dahil tiyak na pagagalitan ako nang mga magulang ko.
“Alright, Promise me Kakausapin mo ako, Nang walang pag tataray! Fine Bye Kim, Rest well!” Hindi na ako umimik at agad na itong pinatayan nang tawag!
Ano ba ang mga sinabi ko! Bwiset! Mag usap sa school? Nanlulumo ako'ng napaupo sa kama ko Saka Padabog na nahiga.
ano ba ito'ng pinasok ko! Nag ka gulo gulo na simula nang nakilala ko ang binata.
I sighed
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••