Day One of Courting

1300 Words
Magkaagapay kami ni Marie habang nag lalakad papasok nang University nang sa di kalayuan ay matanaw ko'ng tila may hinihintay si Nathan, Naka sandal ito sa flag pole habang nakatitig saamin ni Marie, Nagkatinginan kami'ng mag kaibigan. “Besh oh, Nakatingin sa iyo si Nathan!” Bulong ni Marie, Siniko ko lang ito dahil baka marinig nang iba pang mga Estudyante na nakakasabay namin pag pasok. Ngunit nang malapit na kami Kay Nathan ay biglang humarang si Kate at walang Sabi sabi'ng hinawakan sa balikat si Nathan habang sa tingin ko ay may sinasabi ito sa binata, Nilagpasan nga namin ang mga ito at dumeretso na kami ni Marie sa klase namin. “Ang aga aga naman ni Kate!" Eksaheradang wika ni Marie. “Hayaan mo nga sila Wala na tayong kinalaman sa Buhay nila ano! Kahit pa mag halikan sila sa harapan natin labas na Tayo doon!” Bulong ko. Nakaupo na kami sa hulihang part nang classroom. . . “Eh Akala ko ba Sabi mo gusto ka'ng ligawan ni Nathan, Eh bakit ganoon? Nakita mo ba Yung reaksyon niya Nung lumapit si Kate?” Pang gagalaiti ni Marie. “Malay ko ba na trip lang pala ni Nathan yun? Hayaan mo na Wala namang mawawala saakin kung si Kate ang ligawan niya instead na ako Diba?" Pag assure ko sa sarili ko. “Ewan ko! Bahala na nga kayo sa Buhay ninyo! Ang gulo niyo!" And then she rolled her eyes. Pero para saakin ay nadismaya ako! Akala ko ay totoo ang intensyon saakin ni Nathan! Malalim ako'ng napa buntong hininga habang naka titig sa harapan, Wala pa ang Prof. namin kaya Wala akong Pwedeng Gawin kung Hindi ang mapatulala sa kung saan, Nang biglang may lumapit saakin at agad nag patong nang kung Anong malambot na bagay sa braso ko, Agad ako'ng napatingin sa lalaking nasa harapan ko, Si Nathan, Habang nakangiti at titig na titig saakin ay may bitbit na Bouquet nang Rosas, Chocolate at Ang Malaking teddy bear na Ipinatong na nito sa braso ko. “Nag kamali ka ata nang napag bigyan Nathan?” Seryoso ko'ng wika. “No, Para sa iyo talaga Yan, This is day one of Courting you Kim!” malambing na turan ni Nathan. “And what about Kate? Papaasahin mo?” Nakataas Ang kilay na tanong ko. “Seriously? Si Kate? Hindi ko siya type! Ikaw Ang gusto ko Kim!” Masuyo nito'ng hinawakan ang kamay ko. “Talaga lang ha?” Kunyari ay pag tataray ko. “For you!” Sabay abot saakin nang Bulaklak at Isang set nang Chocolates. Saka lang napatingin si Marie sa dereksyon namin, Nang tanggapin ko Ang bulaklak at chocolates na Inaabot ni Nathan ay halos ma punit na Ang bibig ni Marie sa kaka ngisi. Samantalang si Nathan ay agad nga'ng tumabi sa aakin, “Napaka Ganda mo talaga Kim!” Bulong ni Nathan na halos ikataas nang balahibo ko, Sasagot pa sana ako nang biglang pumasok Ang Prof. namin kaya halos mag si takbuhan na Ang mga classmates ko'ng nasa labas papasok nang clasroom. •••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Matapos ang ilang Oras na klase ay sabay na kami'ng dumeretso ni Marie sa Canteen, Hindi na ako nag paalam Kay Nathan dahil ayaw ko'ng isipin nitong feel na feel ko ang atensyon na ibinibigay niya saakin, Nang Marating namin ang canteen ay agad na kami'ng pumila ni Marie, Nasa unahan namin ay si Calix Ang Isa sa pinaka gwapo at matalinong nilalang sa Buong University. “Kim! Mauna ka na!” Wika ni Calix. “Nako wag na, Ayos na kami dito.” Nakangiting turan ko. “Sige na ayos lang saakin, Mauna na kayo ni Marie!" Hinawakan ako nang binata sa braso Saka dahan dahan na hinila kapalit niya sa linya. “S-Salamat!” Nahihiya ko'ng turan. “Basta Ikaw Kim!” Kumindat pa ito saakin na halos ika pula na nang pisngi ko. Nang mapatingin ako Kay Marie ay tila Nanlalaki ang butas nang ilong nito, habang kikibot kibot Ang bibig, Nang kami na Ang susunod sa linya ay agad na ako'ng umorder nang Carbonara, Coke at Shortcake, Si Marie ay gumaya lang din Naman sa inorder ko'ng pagkain. Nag lalakad na kami ni Marie sa papalapit sa mga table, nang makaupo na kami ay bigla nalang pu-mwesto si Calix sa lamesa kung nasaan kami. “Can I?” Nakangiting wika nang binata. Napilitan na ako'ng tumango dahil sakaniya ay napa bilis Ang pag order namin ni Marie. “Binilhan nga pala kita nang Biscoff Strawberry Shortcake” Nakangiting wika nang binata. .. Kahit pa man nahihiya ako'ng tanggapin ay kinuha ko nalang rin. “S-Salamat Calix!” Sagot ko Naman nang biglang umupo sa tabi ko Ang kung sino. .. Nang mag angat ako nang tingin ay kitang kita ko ang madilim na mukha ni Nathan habang titig na titig ito sa abala na sa pag kain na si Calix. “Bakit Hindi mo saakin sinabi na kakain ka na pala! Edi sana Nadala kita sa Mamahaling Restaurant” Mayabang na Saad ni Nathan. Napatingin si Calix sa binatang katabi ko. “Pare will you please mind your own business? Can't you see we're eating our lunch peacefully?” Seryosong wika ni Calix habang patuloy parin ito sa pag kain. “Let's Go Kim!” Malakas na turan ni Nathan at pilit ako'ng hinihila patayo. “Nathan ano ba? Don't make a scene here nakakahiya!” Bulong ko. “Gusto mo dito? Mas gusto mo'ng kasabay yang Mayabang na Yan kesa saakin?” Galit na wika ni Nathan, Nahihiya na ako sa mga matang nakatitig sa pwesto namin. “Nathan please, Where's your composure?" Galit nang Sabat ni Marie! “Marie? Akala ko ba malinaw na sa iyo Ang lahat na gusto ko si Kim? Bakit parang kinakampihan mo si Calix?” Mariing Saad ni Nathan. “Wala ako'ng kinakampihan kahit Isa man sainyo! Ang saakin lang wag mo'ng ipakita sa best friend ko ang kaangasan mo! Baka mauntog yan patigilan ka na niyan sa pan liligaw! Ngayon ka palang nag sisimula baka nakakalimutan mo!” Mahabang litanya ni Marie, Nag mistula ito'ng Isang makata sa mga Sinabi niya. Agad nga ako'ng binitawan ni Nathan Saka bigla itong umalis nang walang paalam, Tinadyakan pa nito ang bakanteng upuan na nadaanan kaya halos mapatili Ang ibang Estudyante sa gulat. Biglang tumayo si Calix, At nilapitan ako. “Are you alright? I don't know what is going on between you two Kim, But I swear to GOD Nathan Dorino isn't a Catch!” Pag katapos ako'ng tapik tapikin ni Calix sa likuran ay ito Naman ang biglang nag madaling umalis, Bitbit ang Hindi pa manlang nito nauubos na pag kain, Kitang kita ko kung paano nito Itapon ang mga pagkain sa basurahan Saka biglang nawala sa paningin ko. Nanlulumo nalang ako'ng napaupo sa upuan namin ni Marie. “Marie? Tama ba itong pinasok ko?” Wala sa sariling tanong ko sa kaibigan ko. “Mali Kim! Mali ito!” Iritableng wika ni Marie. “Nawalan tuloy ako nang ganang kumain dahil sa bwiset na Nathan na yun, Ginawa pang Korean Drama Ang Moment niya!" Punapalatak na wika ni Marie habang Wala na itong tigil sa pag subo nang carbonara Malalim nalang ako'ng napa buntong hininga habang naka titig na Lang sa pagkain ko, Ang gutom ko ay biglang nawala dahil sa mga nangyari! •••••••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD