Nasa kalagitnaan nang klase, Habang tutok na tutok ang paningin ko sa prof. ko ay napansin ko ang pag Tayo ni Nathan, Hindi ito nagpaalam na lalabas man lang sa professor namin, Para itong kung sino habang naglalakad palayo, Nagkibit balikat nalang ako Saka ipinag patuloy ang pakikinig, Napatingin ako Kay Marie na halos mapapikit na sa sobrang antok, Sino ba Naman kasi ang Hindi aantukin sa napaka malumanay na pag sasalita ni Mrs. Adelaide.
“Pucha! Kurutin mo nga ako! Hindi ko na kaya!” Bulong nang kaibigan ko saakin.
Kaya ang ginawa ko ay kinurot ko ito nang ubod lakas sa braso kaya napa Tili ito nang sobrang lakas, Napatingin na tuloy lahat nang classmates namin sa dereksyon ko.
“Bwiset ka talaga eh no!” Bulong ko dito.
“Gaga ka, Tutuklapin mo ba Ang balat ko?" Asik nito.
“Marie, Kim Carrel, You may take your leave if you're not interested in my subject!” Galit na wika ni Ma'am.
“S-Sorry Po ma'am!" Nakatungo ko'ng wika. Habang pasimpleng iniirapan si Marie.
Hanggang sa ipag patuloy na nito ang discussion.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Alas sais nang hapon ay sabay na kami'ng nag lalakad ni Marie palabas nang gate nang maabutan ko si Nathan na tila merong inaabangan sa gate, Agad ako'ng nakaramdam nang Kaba.. .. Habang papalapit nang papalapit sa gate ay tila na pukaw ko na agad ang atensyon nang binata, Nang tuluyan na ako'ng makalabas nang gate ay halos mag tatakbo si Nathan sa pag habol saakin.
“K-Kim!” Pag tawag nito saakin.
Agad ako'ng lumingon dito.. .. Iniaabot nito saakin ang Isang pirasong Rosas at Ang napaka laking chocolate.
“S-Sorry sa inasal ko kagabi, Masyado lang ako'ng Nadala nang damdamin, I didn't mean to make you feel awkward!” Nakayukong paumanhin nang binata.
Agad ko nga'ng kinuha ang Iniaabot nito saakin.
“Ayos lang, Basta sa susunod, Wag ka namang padalos dalos!” Napatingin ako Kay Marie na halos mawasak na ang kilay sa sobrang taas nang kilay nang kaibigan ko.
“Pwede ba tayong lumabas bukas? S-Susunduin kita sainyo!” Medyo Nauutal na wika nang binata. “I want you to get to know me more, the real me. I also want us to get closer, even more so-, P-Payag ka ba?."
Nginitian ko ito Saka agad ako'ng tumango.
“4pm bukas? Ayos lang ba sa iyo? Madami pa kasi ako'ng activity na gagawin bukas!” Agad umaliwalas ang mukha ni Nathan.
“Oo walang problema saakin, Salamat! Susunduin kita bukas nang alas kwatro!” Halos Hindi mag Kanda mayaw na turan nito.
“Sige, Uuna na kami ni Marie, Bye!” Saka ako agad tumalikod. ..
Alam ko'ng masama ang loob ni Marie dahil sa ginawa ni Nathan nang nag daang Araw, But I just want to give him a chance, and also to know the real Nathan Dorino! Malay mo kami pala Yung para sa isat Isa Diba?
Bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad na pauwi nang bahay, Dahil sa malapit lang naman ang school Mula sa bahay namin ay halos Araw Araw nalang naming nilalakad ni Marie.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
“Ano ba ang nakain mo at pumayag ka parin ba makipag date sa war freak na yun? Nako Kim Ewan ko nalang sa iyo, Walang sisihan sa huli ha!” Palatak ni Marie.
Tinawanan ko lang ang kaibigan ko, Kasalukuyan na kami'ng nasa kwarto ko at gusto nanaman nito na makitulog saamin.
“I want to know him more Marie, I just don't want to be unfair to him! At Saka kung mahal niya talaga ako, Balak ko siyang sagutin but not now, Siguro after a year!” Nakangiti ko'ng Saad.
“1 Year? Seryoso Ka? Baka mag sawa yan manligaw sa tagal nang Isang taon girl, Ano ka? Maria Clara, Hindi ka pinanganak kahapon uy! Iba na Ang panahon natin Ngayon!” Reklamo nang kaibigan ko habang nangingialam sa closet ko.
“Wag ka nga'ng nega, Masyado ka ah! Ayaw mo ba ako'ng mag ka boyfriend?" Nakangisi ko'ng turan.
“Ewan ko sa iyo, Peram ako nito ah!” Sabi nito habang isinusuot ang dress ko.
“Hihiram ka eh nasuot mo na, Ang galing mo rin eh! Ikaw ang mag huhugas sa baba mamaya ha!” Sabi ko, Pinandilatan lang ako ni Marie nang mata.
“Hoy, Ganiyan ka ba sa bisita mo? Pag huhugasin daw oh, Pag nasa bahay ka nga halos lahat nang laman sa Ref inuubos mo na eh!” Sabi ni Marie.
Nagkatawanan nalang kami sa kung ano anong pinag gagawa namin.
Ayaw ko munang ipaalam sa mga magulang ko na may lalaking nanliligaw na saakin, Alam ko'ng magagalit sila, Masyado kasing mataas ang expectations nila saakin bilang Kaisa Isang anak, At Babae pa!
Humiga na ako sa kama ko, Total ay naka pan bahay na ako at nakapag hilamos na rin nang tumunog ang cellphone ko, Binasa ko kaagad ang mensahe ni Nathan.
“Kauuwi ko lang, How are you? Are you home now? I just can't believe na pumayag ka nang makipag date saakin, I promise to always respect you Kim, Thank you sa Chance. .... By the way, Can i say! I Love You?” halos mapatili ako sa mga na babasa ko.
“Omg Marieeee!” Tili ko . ..“Hindi ako makahinga, Kinikilig ako!” Sabay tapat ko Kay Marie nang Cellphone ko na agad naman niyang binasa Ang nais ko'ng IPA basa sakaniya.
“I love you daw? Haha! Sige lang pauto ka!” Tatawa tawang wika ni Marie.
“Bitter ka nanaman!”
Dahil sa Wala ako'ng maisip na ireply sa binata dahil sa kaba at sa hiya ay para ako'ng baliw na Paulit ulit nalang na binasa Ang mensahe nito.
••••••••••••••••••••••••