“Ingat ka, Mahal!”
Matamis na ngiti ang pabaon ng asawang si Jhe kay Raymart. Panay ang kaway nito habang nakatayo sa tarangkahan ng munting bahay nila. Ilang sandaling binusog niya ang mga mata sa pagtitig sa mukha nito, magandang pabaon para sa muling paglusong sa dagat para mangisda. Bukass makalawa ay makakauwi rin sila pero hindi pa man nakausad ang sasakyan nila, nagsimula na siyang mangulila rito. Ang maamong mukha nito ang gugustuhin niyang maging pabaon sa bawat pagsulong niya sa dagat. Sa pag-uwi naman ay mukha nito ang gusto niyang maratnan na naghihintay sa kanyang pagbabalik.
“Pumasok ka na sa loob, Mahal! Masyadong mahamog sa labas.”
Kampante naman siyang iwanan ito dahil doon din matutulog ang asawa at anak ni Poncio. Isang flying kiss pa ang pinakawalan sa kanya na nakangiti niya namang tila hinuli gamit ang kanang palad at itinapat iyon sa dibdib.
“Naks naman, Raymart! Sigurado ako, maraming mahuhuling isda sa dagat. Nag-aasukal ka na sa lambing, eh. Ang tamis ninyong dalawa ni Jhe.”
Binatukan niya ang ulo ni Poncio. Maloko talaga ito. Laging pinupuna ang pagiging malambing nila sa isa’t-isa ng asawa niya. Nagiging tampulan sila ng tukso.
“Loko! Ihanda na natin ang bangka.”
Magkatulong nilang itinulak sa buhanginan ang bangka na gagamitin nila. Walang kahirap-hirap nilang naabot ang tubig. Ang ibang mga kasamang mangingisda rin ay ganoon ang ginawa. Kanya-Kanya silang talon at akyat sa kani-kanilang mga sasakyan. Ilang saglit pa ay maririnig ang halos sabay-sabay na pagkabuhay ng mga makina. Umalingawngaw iyon sa paligid, humalo sa ihip ng hangin. Parang magandang musika lang sa kanyang tainga. Ang ilaw na nagmumula sa mga gasera na gamit nila, nakaaliw ding titigan na niri-reflect iyon sa tubig dagat.
Reflect. Mangingisda ang kabuhayan niya pero hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit may mga bagay na hindi gawain ng isang mangingisda ang nagagawa niya. Madalas ay gumagamit siya ng mga salitang hindi angkop sa estado niya. Mangingisda siya pero kinailangan pa niyang tutkan nina Poncio para lang matuto.
Bago sumakit ang ulo sa kaiisip, minabuti niyang ituon ang pansin sa unahan. Tumayo siya sa gawing nguso ng sasakyan at pinagmamasdan ang nakakatuwang tila pagkakarerahan ng mga bangkang de motor patungo sa laot. Kung suswertehin, baka makahuli sila kaagad at makauwi mamayang umaga rin. Kung mamalasin naman, baka mas higit pa kaysa sa isang gabi ang pananatili nila sa karagatan.
Bawal ang umuwing walang huli. Magugutom ang mga pamilya nila. Madalas sabihin ni Jhe, okay lang basta makabalik sila ng ligtas.
Jhenalyn. May kakaibang pintig ang puso niya habang inaalala ang mukha ng asawa. Ilang minuto pa ba silang nagkakahiwalay, miss na niya ito kaagad. ‘Di bale, may good luck charm naman na ipinabaon sa kanya ang asawa. Minamartilyo na naman sa kilig ang buong pagkatao niya ang lahat ng kaganapan sa kanilang dalawa kagabi. Kung gaano kainit at kapusok ang pagniniig nila. Baon niya sa alaala ang mga daing at halik nito. Si Jhea ang mahal na mahal niya. Isipin pa lang ang matamis nitong ngiti, parang sinasakal na ang kanyang puso sa tindi ng emosyon. Parang liligwak na sa dibdib ang puso niya.
“Mukhang pahirapan ang huli natin ngayon.”
“Oo nga, Poncio.”
Nagsimula na silaang maghiwa-hiwalay ng mga kapwa niya mangingisda. Ilang dipang layo pa at doon nila napagdesisyunang ihulog ang angkla sa dagat kasunod ang malaking lambat. Dasal niya, sana makarami sila. Malapit na ang kaarawan ng asawa niya. Ipagluluto niya ito ng masasarap na putahe.
Ilang oras din silang nagbantay.
“Poncio, magpahinga ka muna. Mamaya, ako naman. Ikaw din Julius,” baling niya sa isa pang binatilyong kasama.
Inayos ni Poncio ang sarili para mahiga. Hindi naman kailangang bawat segundo nilang banatayan ang lambat na nasa ilalim ng tubig. Ilang saglit pa ay nagdwelo na ang hilik ng dalawa. Takaw tulog talaga ang mga ito. ininspekyon niya ang gasera. Tama pa ang level ng gaas. Pati ang ice bucket na kinalalagyan ng blokeng ice. Ang baon nila ay maayos ding nakatabi sa isang bahagi ng sasakyan. Hindi pa sila mauubusan kahit hanggang bukas pa.
Habang pinapakinggan ang hilik ng mga kasama ay naupo naman siya sa dakong entrada ng sasakyan. Pinagpapala niya ang mga mata sa kagandahang nakahain sa kanyang mga mata. Payapa. Ganoon ang nararamdaman niya. Kung papipiliin man siya, dito pa rin sa Catanduanes niya mas nanaising manirahan. Dito sila bubuo ng pamilya ni Jhenalyn, dito nila palalakihin ang magiging mga anak nila.
Napangiti na naman siya. inaaraw-araw na niya ang asawa, alam niyang meron at merong mabubuo sa sinapupunan nito. Gusto na talaga niyang kargahin sa mga braso ang anak nila.
Nangangarap niyang isinandal ang ulo sa kawayan. Hindi mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi.
Naramdaman niyang umalog ang sinasakyan. May narinig siyang malakas na putok at basag-basag na kung anong mga bagay. Lumubog ang katawan niya sa tubig. May tumatamang matutulis na bagay sa kanyang katawan.
“Luka! Help me!”
Tinig ng isan