Madilim pa sa labas pero tumitilaok na ang mga manok. Hudyat na para bumangon.Linggo ngayon, magsisimba sila ng maaga ni Jhenalyn.
Itataas niya sana ang mga braso para umunat pero nakaunan pala ang asawa niya sa braso. Nakangiti niyang hinagkan ang mga labi nito.
“Good morning, Mahal.”
Umungot lang ito nang muli niyang kintalan sa mga labi.
“Mahal…inaantok pa ako.”
Mukha nga itong pagod. Sa nakalipas na dalawang linggo kasi, abala ito sa pagtulong kins Poncio at Aida sa pag-aasikaso sa bagong pinasok na negosyo. Magaling sa paggawa ng toyo ang mag-asawa pero kulang sa kaalaman kung paano ang tamang packaging ng mga produkto. Doon magaling ang asawa niya.
Kagabi nga, halos alas nueve na natapos sa pagbabalot ang mga ito ngunt pagdating sa bahay, humirit pa talaga siya. Napangiti siya nang mapatingin sa nagkalat nilang mga kasuotan sa sahig. Kung saan-saan tumapon.
Maingat siyang umalis sa tabi ng nahihimbing pang asawa at kinumutan ito. Isang masuyong halik sa noo ang iginawad niya bago lumabas ng silid.
Nag-igib muna siya ng tubig mula sa balon na siya mismo ang gumawa. Nagpakulo ng para sa termos at ng gagamiting pangligo.
Sinimulan na nga ang pagluluto. Nilagang itlog at pritong talong na nakukuha nilang lahat sa loob ng bakuran. Panghuli niyang isinalang ang sample ng toyo na gawa nina Aida.
“Mahal, ba’t ‘di mo ako ginising?”
Ang asawa niya, pupungas-pungas habang nakatitig sa nakahanda ng mga pagkain sa mesa. Para bang isang napakalaking kasalanan na naratnan siya nitong nagluluto. Nagkukumahog ito sa paghilamos sa batalan at nagmamadaling lumapit sa kanya.
“Ako na riyan.”
“Tsk!” Hinapit niya ito sa beywang at hinalikan sa mga labi. Sumagot naman kaagad ang asawa niya. “Ako naman ngayon.”
Naghila siya ng bangketo at pinaupo ito.
“Tulungan na kita.”
Kaagad niya itong pinigilan nang akmang tatayo ito para tumulong. “Tigas ng ulo.” Naglalambing pa niyang kunwa ay dinuro ang tungki ng ilong nito. Nakakagigil lang kasi Banayad, pino at natural lang ang tangos. Parang ilong noong artista na nakita niya sa poster sa isang kapitbahay.
“Kaw bahala. Basta hindi kita inaalila ha.”
Bahagya pa siyang yumukod sa harapan nito na para bang isa itong reyna at alipin siya nito.
“Ang dami mo pong paandar.”
Kinindatan niya lang ito at nagpatuloy sa ginagawa. Naglagay siya ng pinggan at kubyertos sa mesa at nagsalin ng tableya sa mga tasa. Binalatan niya rin ang Sunkist na padala ni Poncio at nagsimula na nga silang mag-agahan nang hindi pa tuluyang nagliwanag sa paligid.
Matapos kumain, nag-aya na siyang maligo sa banyo sa ibaba. Bitbit ang takuri sa kanang kamay, hila niya naman ang asawa sa kanan.
“Mauna ka na. Hindi tayo pwedeng magsabay.”
Kapag sinabi niyang magsasabay sila, hindi lang sa paliligo nauubos ang oras nila. Pero wala na itong nagawa nang akayin na niya ito pababa sa hagdanan sa kusina. Atubili itong pumanhik silang magkasabay sa banyo. Palinga-linga ito sa paligid.
“Ano bang inaalala mo? Halos hindi pa sumisikat ang araw. Isa pa, malayo tayo sa mga kapitbahay at…”
Sinadya niyang ibitin ang sasabihin.
“Mag-asawa tayo. Walang masama sa gagawin natin.”
Halos nasa dulo na sila ng dalampasigan, napapalibutan ng bakod at matataas na punongkahoy at pananim ang bakuran.
“Ikaw talaga.”
Tinanggap niya ang magaan lang namang kurot nito sa kanyang braso.
Lumapat pasara ang pinto sa likuran nila at nakulong sila sa loob ng ilang kwadradong paliguan. Tinimpla niya ang malamig at mainit na tubig sa malaking balde.
Siya na rin ang kusang naghubad sa asawa, at sa loob lang ng ilang saglit, muli niyang nasilayan ang makinis at magandang hubog ng katawan nito. Tama ang kurba, perpekto ang hubog at laki ng mga dibdib, nakabibighaning tagong yaman, kaaya-ayang bango, inosente ngunit nakadadalang pungay ng mga mata.
Siya na rin ang kusang naghubad sa asawa at, sa loob lamang ng ilang saglit, muli niyang nasilayan ang makinis at magandang hubog ng katawan nito. Tama ang kurba, kaakit-akit ang tindig, at may likas na ganda na hindi niya magsawang pagmasdan. Kaaya-aya rin ang bango nito at may kakaibang halina ang mga matang inosente ngunit tila may nakatagong pangungusap.
Agad na umalpas sa sistema ang pagnanasa at init. Ang sarap sunggaban ng mapupulang mga labi ng asawa pero konting pagtitimpi pa.
“Hubaran mo ako,” halos namamaos nang utos niya sa asawa.
Mahiyain sa una pero sinunod siya ni Jhe. Isa-isa nitong inalis ang mga saplot niya hanggang sa pareho na silang hubo at hubad. Dumulas ang kamay ng asawa niya sa kanyang dibdib patungo sa matigas na sikmura. Para itong namamangha kahit ilang ulit na itong natitigan at nadarama.
Inangat niya ang baba nito. Hinalikan niya ito. Malalim kaagad at mapaghanap.
Habang kaulayaw ang mga labi nito, tuksong may sumingit naman sa kanyang imahinasyon.
Malabo ngunit nasisiguradong Ibang mukha.
Tang-inang mga imahe!
Nariinan niya ang halik sa asawa. Naramdaman niya ang mahinang pagdaing nito nang bahagyang dumiin ang kanyang mga labi, ngunit masyado na siyang nababalot ng magulong damdamin at prustrasyon. Gusto niyang itaboy ang mga larawang patuloy na sumisingit sa isipan.
Binuhat niya ang asawa habang walang tigil ang pag-angkin ng mga labi ng isa’t-isa. Kumapit ito sa kanya.
Sinapo niya ang bilugan nitong pwetan at marahang iginiya para magtagpo ang kanila. Ang lakas ng naging singhap ng asawa nang maramdaman ang pagtatama ng kanila. Para siyang lalagnatin sa init.
Kinuyumos niya ng halik ang mga labi nito at walang anuman itong pinasok. Dama niya ang tila pagkagat nito sa labi niya habang unti-unti niya itong pinupuno. Ang init sa loob nito. Parang mainit na dagat na masarap paglunuyan. Kung malulunod man siya, dito sa masikip na kaibuturan ng asawa niya nais pipiliing malunod.
“Ang sikip…” daing niya sa magkalapat nilang mga labi.
Dahan-dahan siyang naglabas-masok. Napakapit ng husto si Jhe sa batok niya at sinikap na salubungin ang bawat mabagal ngunit maririing ulos. Nabaliw siyang lalo. Nanggigil masyado sa senswal na ring pagsayaw ng balakang nito.
Mahiyain ang asawa pero pagdating sa kama, nagagawa nitong sagutin ang mapaghanap niyang katawan. Sinisikap nitong tugunan ang kanyang pangangailangan.
Sa sumunod na mga sandali, napuno na ng ungol nila ang ilang kwadradong silid. Halos magiba na ang dingding ng paliguan sa tindi ng mga pagbayo niya habang pinanggigigilan ang mga dibdib.
Iba ang gigil niya sa umagang ito.
Iba ang init.
Mas gusto siyang patunayan.
Pinatalikod niya ito. Awtomatikong umarko kaagad ang seksi nitong katawan at iniusli ang pwetan. Basang-basa na nito ang mga kahilingan ng kanyang katawan. Magtatagpo pa lang ang mga titig nila, alam na kaagad kung ano ang gusto ng isa’t-isa.
“Ang ganda-ganda mo…alam mo ba ‘yon?” halos namamaos niyang turan habang pinipiga ang umbok nito.
Hinalikan niya ito sa likod ng tainga at sa batok sabay ng pagpasok mula sa likuran. Dumausdos ang kamay niya sa harapan nito, hinanap ang pinapaborito niyang laruan, at nang matagpuan ay mas lalong nagliyab ang kanilang mga damdamin.
Naging malikot ang katawan ng asawa nang magsimulang maglikot ang kanyang mga daliri at sunod-sunod na singhap ang pinakawalan nito hanggang sa hindi na nito makayanan.
Napalingon ito sa kanya sa namumungay na mga mata. Nagmamakaawa ang titig nito na gumalaw siya pero hinayaan niya lang munang magbabad sa mainit nitong kaibuturan. Binabaliw niya ang asawa. Pinapadama niya na siya lang ang may kakayanang magpaligaya rito ng ganito.
Pero mas higit na siya itong nawawala sa sarili. Parang sasabog na siya pero labis ang pagpipigil.
“M-Mahal…”
Dumiin ang hawak ni Jhenalyn sa kanyang braso habang mas lalong iniusli ang likuran. Inabot nito ang batok niya para magkalapit ang kanilang mga labi. Muli, mainit at mapusok na naglaban ang kanilang mga bibig.
Kasunod niyon ay isang malakas at malalim na pagbaon at tila nayanig ang buong kaluluwa nito. Tuluyang nawala ang imaheng nabuo sa utak niya kanina. Tanging ang namumulang mukha na lang ng asawa ang nakikita niya.
Sabayan niyang piniga ang dibdib nito, nilaro ang tagong yaman at mabilis na naglabas-masok. Naroroong paiikutin niya ang balakang at mapwersang tutulak at biglang huhugot palayo at pwersado na namang babaon.
“Mahal…”
Wala nang ibang ginawa ang asawa kundi ang suminghap at humalinghing.
Sana, nakikita nito ang sarili. Kung gaano ito kaganda napapaawang ang bibig, habang kagat-kagat ang ibabang labi depende sa galaw at bilis niya. Ang sarap pakinggan ng mga ungol nito na malayang pinapakawalan. Nakababaliw ang daing ng asawa. Nakakadala ang bawat baon ng mga kuko sa braso niya at leeg. Nakakawala ng bait ang matunog na paglalaro ng mga dila nila kapag naghahalikan.
Mas lalo siyang naulol nang hiniling nitong mas diinan pa niya at bilisan.
“Tang-ina!”
Pinaghusayan pa niya ang pagpapaligaya. Kung saan-saan na ito napapakapit. Ang tuwalyang sinampay niya kanina ay nahablot pa nito nang wala sa oras.
Hinugot niya ang kanya. Pinaharap ito at muling pinagdugtong ang kanila. Malalim. Mapusok. Agresibo.
“Ah…” daing niya nang maramdaman ang pagkipot ng dang pinapasukan.
Para siyang nasasakal. Sunod-sunod ang mga mura niya nang maramdaman ang pagpiga nito sa kanya. Nilaliman pa niya, inabot niya ang bahaging nagpapabaliw lalo. Napasubsob ito sa dibdib niya at hindi napigilang kagatin siya. Nanigas ito tanda na nalalapit na ito sa sukdulan.
“Mart…” paanas nitong sambit.
Napapikit ito at mahigpit na kumapit sa kanya, tila doon humuhugot ng lakas. Nagtagpo ang kanilang mga noo habang pilit nitong hinahabol ang hininga. Ilang saglit pa’y tila natunaw ang lahat ng tensiyon sa katawan nito. Lumuwag ang pagkakayakap at napasandal ito sa kanya.
Sinalo niya ang katawan Ng asawa habang walang tigil ang mainit at mabilis na paggalaw hanggang sa siya naman ang nakaraos.
Habol niya ang hininga habang iniinda ang mabilis na pintig ng puso niya.
Sinulyapan niya si Jhenalyn, nakapikit ito habang nakalapat sa dibdib ang pawisan at namumulang mukha. Tumatabing doon ang ilang hibla ng buhok.
Mas lalo itong gumaganda sa paningin niya ngayong nakikita sa mukha nito ang sarap nang makaraos habang malalim ang paghinga.
Nagdilat ito ng mga mata. Nagtagpo ang mga titig nila.
Muli, nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata ng asawa. Titig na para bang siya ang pinakamahalagang nilalang sa mundong ito. Titig na malalim ang inaarok sa puso niya.
“Mahal kita…”
Higit sa kamunduhan, ang lalim ng naabot ng sinabi nito sa puso niya.
Inabot niya ang labi nito at masuyong hinalikan at paglatapos ay niyakap ng mahigpit at hinagkan ng buong suyo sa noo.
Ilang saglit din sila sa ganoong ayos, dinadama ang nakakalunod na t***k ng mga puso, at ang dahan-dahang paghupa ng init na pinagsaluhan.