“Sino?!” tanong ulit ng Mommy niya nang hindi siya sumagot. “M-mommy…” “Sumagot ka! Malandi ka talagang babae ka!” sinugod muli siya ng Mommy niya at hinila nito si Yaya Dolor pagkatapos ay itinulak palayo sa kanya. Muli siyang sinabunutan ng Mommy niya at halos ingudngod na nito ang mukha niya sa mesa. “Leche ka! Wala ka na ngang naitutulong sa pamilyang ito, puro pa problema ang dinadala mo sa pamamahay na ito! Sino ang nakabuntis sayo?! Sumagot ka!” hinila ng Mommy niya ang buhok niya kaya napatingala siya rito habang umiiyak at sinampal pa siya nito. “What did you say? Buntis ka, Anna Liza?” nagpalipat-lipat ang tingin ng Daddy niya sa kanila ng Mommy niya habang papalapit ito sa kanila. Sinulayapan lang ito saglit ng Mommy niya habang nananaliting matalim ang pagkakatingin hangg

