Kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng sa hotel siya lagi manunuluyan dahil hindi biro ang perang gagastusin niya roon at malamang ay mauubos ng mabilis ang perang hawak niya. Wala rin siyang pagkukuhanan ng pera kapag naubos na ang perang dala niya pati na rin ang mga alahas na isasangla niya so she has to find a way to survive or to make a living. She needs to find help. Iyon muna ang dapat niyang gawin para sa kinabukasan ng baby niya. Pagkatapos makapag-isip-isip, kinabukasan ng gabi ay napagpasyahan niyang muling hanapin ang lalaking tanging posibleng nakabuntis sa kanya. She really has to talk to him! Kailangan niya itong mapaamin kung talaga bang hindi ito ang nakabuntis sa kanya at kung hindi iyon ay sino. She has to have a clue at least. If only her parents d

