“Jason! Kumusta ang lakad mo? Naayos mo ba ang problema niyo?” Pagdating pa lang ni Jason ay sinalubong niya na ito ng yakap hindi pa man ito nakakapasok sa bahay ni Lola Milagros. At ngayon nga ay ang anak naman nila ang yakap niyo habang karga-karga. Ilang araw nawala si Jason kaya sobrang na-miss niya ito kahit pa lagi naman itong tumatawag sa kanila. Idagdag pang natakot na naman siya na hindi na ito bumalik sa kanila ni Allen. Now, she’s trying to be transparent about her feelings. Kasama na roon ang pagpaparamdam ng takot niyang mawala si Jason sa kanila at ang kasiyahan niya sa tuwing nandoon ito at kasama nila. She’s more comfortable with him than ever. And she can already see her future with him. She, Allen, and Jason as one family. “Yes babe, everything is ok now.” Nakatitig

