“Let’s forget about it. It’s already in the past. And I want you to always remember that from now on, you’re not alone anymore.” Napatitig naman siya kay Jason. Pagkatapos ng lahat ng nalaman nito tungkol sa kanya, he is still willing to stay with her? Napakaswerte naman niya. “Thank you Jason.. for accepting everything about me.” inakbayan siya ni Jason hanggang sa kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. Kahit ilang beses niya itong itinulak palayo noon ay patuloy pa rin itong bumalik sa kanya. At kung hindi ito ang nakabuntis sa kanya ay malamang na lalo pang nasira ang buhay niya. She’s still lucky, after all. “Paano mo pala nalaman ang tungkol sa s-scandal?” “Let’s just say that it’s part of my job.” Ngumiti ito sa kanya at kinindatan pa siya. Hindi niya matukoy kung ang sinasab

